Chapter 1

48 1 3
                                    

New Beginning

Tiktilaok.. Tiktilaok.. Tiktilaok..

5:30 AM.. *click* Dissmiss

"5 more mins babangon nako.. "

Tiktilaok.. Tiktilaoook.. Tiktiilaoowrk..

Naalimpungatan "parang hindi ko na alarm yun ah, pumipiyok eh! Teka anong oras naba ate?

"6:50 na akala ko nga hindi kana papasok eh, Saka totoong manok yung naririnig mo, Abno!"

"Potek naman pangatlong araw palang ng klase mala-late agad ako, dapat ginisig mo ako kanina eh. Saka ikaw hindi kaba papasok? bakit nandito kapa din?"

"Papasok hindi naman ako pwede umabsent, Tinatamad lang ako pumasok, saka wala din naman silang magagwa hindi nila ako pwedeng tanggalin sa pwesto ko."

"Palibhasa type ka ng boss mong matanda kaya ang lakas mo sa kanya eh noh?

At biglang may malakas at matinis na boses ang sumigaw yung mala tiya pusit na boses nakakarinde malakas pa sa alarm.

Hoooy! hindi ba kayo magsisibangon dyan? Anong oras na naman ba kayo nagsitulog at ayaw nyong magsibangon. Wala ba kayong planong magsipasok? Apol! unang linggo pa lang ng klase late ka na agad. Bumaba na nga kayo dito!

Opo! Bababa na po! Sabay namin sinagot ni ate Alma.

-

-

Gusto ko sana Rumaket mode s paliligo yung tipong hindi mo na tatanggalin yung mga banil mo, kaya lang najejerbaks ako. Ginawa ko nagsasabon ako habang jumejerbaks para multi-tasking! sinasabunan ko yung likod ko nung dumulas yung walang hiyang sabon! Potek napakamalas nga naman oh.

"NANAY! nahulog sa kubeta yung sabon, Pengeng Bago!

"Damuhong ka Anong bago babara sa kubeta yan! Kunin mo yan!"

Seryoso ba talaga tong nanay ko kung nakikita nya lang tong nakikita ko, paano ko kukunin yung puting sabon na napapaligiran ng choco rolls. hindi nga ako maselan pera nakakadiri to!

Moment of Truth

Unti-unti kong nilapit yung kamay ko kubeta iniisip ko nalang na ako din naman ang kumain ng mga nandun kaya lang iba na yung istura nila. Ayan na dudukutin ko na. Algh..

1 foot . .

6 Inches . .

2 inches bago mag danger zone

ayan na malapit na sa choco rolls kadiri talaga parang di ko kaya kunin yung pampam na seypgard

Di ko kaya to. Fli-nush ko nalang kasama yung sabon, at shampoo nalang ang ginamit kong pansabon. Badtrip tong araw na to. Badtrip!

Pagkaligo hindi nako kumain dumerecho nako sa kwarto para hindi na din ako tanungin kung nakuha ko ba yung ginituang lecheng sabon na yun para seypgard lang naman ang tatak. Sakto nasa kusina si nanay hindi na nya ako napansin.

Pagkabihis ko hindi na din ako kumain nawalan nako ng gana sa eksena sa banyo, naalala ko yung choco rolls, Imba. dumerecho nako sa terrace kung saan relax na relax na nagkakape yung tatay ko. Nagbabasa ng dyaryo na paulit-ulit lang naman yung balita. 

"Tatay kong pogi magandang umaga!"

"Anak! wag mo na akong utuin eto na baon mo, lumayas kana!"

Napaka-sweet talaga nitong tatay ko, seryoso sweet sya iba nga lang ang pagpapakita nya. 

Naalala ko nga nung dati nag paalam akong mag out of town sa laguna kasama yung mga kaibigan ko, ayaw nya akong payagan ayaw naman sabihin kung bakit tapos bandang huli sinabi nya "hindi ko kasi kaya matulog nang hindi ko sigurado kungigtas ka ba dun" at sa huli pinayagan nya din ako.

"Oh ano pang hinihintay mo ayaw mo pang lumakad, late kana nga diba?"

"Sige po tay! Labyu."

-

-

7:20 AM nako nakasakay ng jeep na napakasikip tapos may gana pang huminto sa bawat kanto para magsakay, kundi din pangahas tong driver na to eh.

"Manong baka pwedeng wag na kayong magsakay napakasikip na po at malalate na kami"

"Ah late naba kayo? teka magpapagas lang muna ko. hehe"

Aba lintok nakuha pa talaga magpagas nitong luko na to ah. hindi nako nakapag pigil..

"Manong nananadya ba kayo? sinabi nang malalate na nagpa-Gas pa talaga natatawa kapa?"

Mahinahon namang sumagot yung driver.

"Una sa lahat hindi ko kasalanan kung mala-late na kayo. Ngayon lang ba kayo nag commute sa buong buhay nyo? hindi nyo ba alam ang araw-araw na pangyayare sa pagco-commute diba trabaho nyong gumising ng maaga para hindi malate? Pag nalate kayo sa driver ang sisi? nasaan ang hustisya at ikalawa kung hindi ako magpapagas hihinto ang jeep ko lalo kayong malalate, anong gusto nyo? malate o mahinto? Pili na kayo! pang-asar nyang sagot.

Wala ni isa sa mga pasahero ang nangahas na sumagot, pero na realize ko na tama sya. kung sa unang tilaok palang ng alarm ko bumangon nako baka nandun nako sa room. Hay.. tama na ang overthinking mala-late pa din ako leche!

-

-

7:35 AM naglalakad nako sa corridor ng building namin at ilang hakbang lang nasa tapat nako ng Room 101A, ang room namin.

TOK! TOK! TOK!

Pagbukas ko ng pinto para silang nakakita ng artista at sabay-sabay silang tumingin, nakangiti silang lahat at maya-maya nagpalakpakan. Ano ba tong napasok ko parang pinagtri-tripan ako. Hindi na nakakatuwa dahil wala naman akong kilala ni isa sa kanila.

"APOLONIO LEGASPI.."

Isang buo at malaking boses ang tumawag sa pangalan ko, yung Professor pala namin, kung makatawag naman feeling close at buong-buo pa, alam kong late ako pero bakit parang napaka special ng pagdating ko. Hindi ako nae-excite nababanas nako.

"Yes sir?" sagot ko.

"Dahil 1st week palang naman pagbibigyan kita na makapasok sa klase ko! Kaya lang habang wala ka pa kanina napag desisyunan ng buong klase na ang lahat ng malalate ay dapat magpakita ng talent sa harap ng klase. Kaya sila nagpapalakpakan dahil ikaw ang unang magpapakitang gilas sa klase."

Gusto kong sumigaw ang mag recite ng mga mura dito sa mga hinayupak na to pero nagtimpi ako, Sabi na eh iba yung kutob ko dito sa mga nangyayare eh,Talent? meron ba ko nun? napag isip-isip ko tuloy tama kaya tong desisyon kong mag-aral ulit. Nagta-trabaho nako't lahat nagresign pako para mag-aral tapos unang week palang ng klase ipapahiya ko na ang sarili ko? ito nga ba yung sinasabi kong Bagong Simula para makalimutan lahat ng sakit na dinanas ko sa nakaraan? ito ba yung bagong simula na magbibigay ng bagong kabuluhan ko sa buhay ko? siguro kung may bagong simula hindi dito sa paaralan na to. Badtrip!

"APOLONIO! tatayo ka lang ba dyan?"

Sir pwede bang dito nalang sa likod? nakakahiya jan sa harap?

"Hindi pwede dito ka sa harap"

-

-

Lord tulungan nyo po akong magpigil, wag naman po sana akong mag Berserk dito sa harap, hindi ko po alam ang gagawin.

 

Apol's VentureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon