Ang Totoong Simula
Halos kalahati na ng 1st sem, medyo nakakasundo ko na yung mga abnormal kong kaklase, syempre meron ding grupo-grupo sa loob ng section namin, yung mga magkaka ugali yun ang mga magkakasama at meron din syempre nung mga may sariling mundo yung mga tipong pumasok man o umabsent hindi mo ramdam yung presensya.
At ako naman napasama sa grupo ng mga happy-go-lucky type na studyante, yung tipong ang goal ay makapasa hindi yung mga sunog kilay para maka perfect sa exam, tapos pag nakakuha ng score na 95/100 frustrated pa, nasususya ako sa mga ganung klase ng studyante, hindi naman kasi nasusukat sa score sa exam ang talino ng tao. Diskarte sa buhay ang mahalaga para sakin. Paglalaban ko to.
"Hoy kumag midterm natin sa philippine history mamaya diba? nagreview ka?" tanong ni Dominic Ong, Dodong for short, yung pinaka tamad sa grupo namin, tuwing mag-uusap kami lagi problema sa kasipagan yung tinatanong nya, meron ba talagang taong tinatamad na magsipag, yun kasi yung pananaw nya sa buhay, nakakaurat lang.
"Oo nag-review ng konti mahirap ngumanga sa exam, terror pa naman si Mr. Almazan kahit minor subject lang yun kailangan ipasa." sagot ko sa kanya.
"Tabi tayo mamaya" parang hindi nya naman inintindi yung sinabi ko ang mahalaga sa kanya makapag sagot ng ilan sa exam tapos perfect attendance naniniwala na sya sa biyaya ng Tres. Hanep sa prinsipyo talaga.
Tapos na tong major subject namin at may 3 oras pa kaming vacant bago yung exam, sapat na oras na para makapag-review, di ko naman hinahangad na makakuha ng mataas pero syempre kung sa pag-effort kong mag review makakuha ng mataas na score bakit hindi diba.
As usual after class, parang magnet na magdidikit dikit yung mga magkakagrupo, during class kasi may designated seat bawat estudyante alphabetical order pa, parang hish school lang eh. Masyado kasi addict sa disiplina yung panginoo namin, yung prof namin ang tinutukoy ko, ba naman tumayo ka lang saglit pagsasabihan ka nang bumalik sa upuan. Oa minsan eh.
Unang nakapag lets volt in yung mga Foodtripers yung samahan nang mahihilig kumain, yung tipong pag nakita ka sa labas ng room sasabihan ka "Oy kain tayo" halos lahat ng vacant time pagkain ang hobby nila. patuhog-tuhog lang pag may time. Ewan ko nga dapat nag HRM nalang sila para customized lagi yung foodtrip nila.
Maya-maya lumabas na din yung mga Disciples leader nila si Jessica yung class president namin, yung laging nag-aaya samin sa Cell group, naalala ko yung epic kong sagot tungkol sa lokasyon ni kristo, hindi nya naman nilinaw na sa buhay ko pala yung tinutukoy nya, Nasagot ko tuloy nasa langit, talaga naman. 5 lang sila sa grupo nila 3 lalaki tapos 2 silang babae alam ko kailangan nila maging 12 para mabuo yung binubuo nila. di ko alam kung ano yun. Sila yung pag nakita kang malungkot bigla kang sasabihan "Andyan lang si God, wag kang malungkot", naalala ko minsan akong nakatambay sa bench sa corridor tinabihan ako ng isa sa mga disciples "Bro, kung may problema ka pwede mong lapitan si God" ang hindi nya alam najejerbaks lang ako nung time na yun kaya ako tahimik, gusto ko sana sagutin "Alam kong may diyos, pero banyo lang ang kailangan ko ngayon." pero nakapag pigil ako. oo napigilan ko yung sarili kong isagot yun, tinanguan ko nalang sya tapos rumekta sa banyo. rak na.
Maya-maya lang nag assemble na din ang mga tukmol, syempre hindi naman talaga kami magrereview agad, kung saan-saan na naman mag-aaya to sigurado, bilyar, dota o kaya mang huhunting na naman ng mga chix. paulit-ulit lang na acivities pero nag-eenjoy kami.
Paglabas namin ng pinto nasa may gilid lang yung grupo ng Newscasters yung mga chismosa sa room, syempre nag-uusap na naman sila tungkol sa iba't-ibang issue sa loob ng room, yung tipong alam nila yung detalye ng break-up nung kaklase namin, mas alam pa nila kesa dun sa nag-break, tapos pag nakita mo yung mga status nila sa Fb puro tungkol sa ibang tao, sa totoo lang eto yun grupo na ayokong kinaka-usap, minsan ko tong nakausap nagulat ako at alam na alam nila yung insidente dun sa cell group, ewan ko ba kung paano nila kakalap yung mga balita.
BINABASA MO ANG
Apol's Venture
AdventurePara sa mga Kabataan. Para sa mga Katandaan Para sa mga Nawalan ng Pag-asa Para sa mga Natakot na magmgahal ulit Para sa Lahat ng tao na naghahanap ng bagong kahulugan sa Buhay. Para sa Akin. :)