Chapter 3

20 1 0
                                    

Cell Group

Lumingon yung isang babae dun sa mga kababaihang nakaupo sa gilid namin at biglang nagsalita ng malakas.

"Uy mga classmate natin yang mga yan diba?" tanong niya sa mga kasama nya

"Mga kuya sali naman kayo sa cell group namin para makilala natin ang isa't-isa" sabi ni Jessica Class president namin, cute sya kung iisipin kaso mukang mahirap kalingain isip bata kung kumilos eh, yamot na yamot pa naman ako sa ganun.

Tutal mas ok din naman na makilala ko silang lahat sumama na ako sa "Cell Group" nila na hindi ko naman alam kung anong ginagawa nila dun.

"Ikaw kuya Apo.." 

hindi pa natatapos sa pagsasalita si Jessica inunahan ko na sya

"APOL" lang, yun nalang itawag nyo sa akin, trip na trip din nila kasi banggitin yung pagkaganda kong pangalan, nakaka-asar lang minsan.

"Ah kuya Apol, Pwede kabang matanong? Nasaan si Kristo?"

Teka seryoso ba to? bakit sa akin mo tinatanong si Kristo, saka ganto ba talaga sa cell group hahapan ng diyos, wala bang choices na pagpipilian, Oo hindi ako relihiyosong tao pero kilala ko sya nagsisimba ako paminsan-minsan pero asan nga ba sya? Ano ba naman to.

"Nasa Langit" Sagot ko

Tumawa lahat ng kasali sa cell group hindi ko magets kung bakit sila nagtawanan mga abnormal nga kaya sila? o hindi nako updated dahil baka wala na sa langit si Kristo, grabe nakakahiya na tong ginagawa ko. Lahat tumatawa maliban dun sa isang babae na parang ang weird, nakatingin lang sya sakin tapos poker face, tinignan ko yung ID nya nakita ko Luisa yung pangalan pero di ko nakita yung apelido dahil tinalikod nya yung ID nya nung napansin nyang tinitignan ko, nakaka intimidate naman to. Hindi ko nalang pinansin.

"Pare astigin ka din pala kung bumanat eh, Hahaha" pang aasar ni Mel sakin

"Kuya Apol, Ibig kong sabihin sa buhay mo nasaan si Jesus? Sya ba ay sentro ng buhay mo? o mas higit ang materyal na bagay?" wika ni Jessica

Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko pagkatapos ng 'astigin' kong sagot, alam naman nilang nasa langit si hesus pero bakit yun pa yung naisagot ko, malay ko ba fisrt time ko lang umattend sa ganto, pinaka epic na araw na yata nang buhay ko mula sa choco rolls hanggang sa langit, ay ewan. Badtrip talaga.

Tumagal ng 30 mins yung cell group nakinig lang ako sa mga pinag-uusapan tungkol sa diyos at sa mabubuting asal, naalala ko tuloy nung elementary ako pag religion na yung subject tumatakas nako, pero ngayon may utak nako naisip ko na kailangan ko din pala to, pero nakakahiya pa din yung ginawa ko. After ng cell group nag kwentuhan nalang ang lahat tungkol sa bagay-bagay, naghingian ng CP number, Account name sa Fb parang naging getting to know each other, Dito ko napansin si Luisa na napakatahimik, kumikibo naman sya pag tinatanong pero iba pa din yung aura nya, basta kakaiba.

"Pare kanina mo pa tinitignan yung chix na yan ah, Type mo?" bulong ni Vin

"Sino si Luisa? hindi ko tinitignan yun ah, adik kaba?" sagot ko naman

"Aba alam mo na agad pangalan" sagot ni Vin

"Luisa pwede daw bang mahingi number mo sabi ni Apol" derechong sigaw ni Vin kay Luisa

Imbis na magsalita si Luisa umakma lang sya ng suntok sa direksyon na kinauupuan namin, Ewan ko kung dapat bakong matuwa dahil hindi ko naman talaga gusto malaman yung number nya, o dapat ba akong mainis dahil ang sungit nya. Peste naman kasi tong si Vin eh ako lagi ang napagtitripan. Di bale one of these days babawian ko tong tukmol na to.

"Nako pare abnormal ata yun eh, o baka may bf hayaan mo na" bulong ni Vin

Sa pagkakataong to gusto ko nang plaktusan tong unggoy na to eh, wala naman akong gusto dun at hindi ko naman talaga gusto malaman ang number nya sya lang tong gumagawa ng issue eh. Abnormal talaga.

-

-

-

-

6:00 PM nako nakauwe ng bahay mula sa Cell Group, naging makabuluhan naman tong araw na to pero napakamalas, Nagbihis lang ako tapos dumerecho sa Computer para magcheck ng update sa Fb. Pagbukas ko.

7 Friend Request

Alvin Jay Ventura, ang yung mongoloid, accept

Mel Gibson Jacinto, classmate, accept

Jessica Libanto, si Class President, accept

Chris John Lopez

Lorraine Barreto

Pauline Sakorte

Lukas Espinosa, Classmate lahat, Accept.

May nag-add din sakin sa isang facebook group SECTION 3-A mga kaklase ko lang to sigurado, wala namang makikitang maganda dun sa group, mga paalala lang na wag male-late, mga selfie ng mga GGSS kong kaklase at kung ano-ano lang na kadramahang PBB teens.

Maya-maya may nag message sakin.

Alvin Jay Ventura

Apol, sama ka ulit bukas. kakamustahin natin si Luisa mo, Vin to.

Eto palang mokong na to, talaga pinipilit yung Luisa na yun na nakapa weirdo

Sige sasama ko pero wala akong paki-alam sa Luisa na yun. Bugok ka.

Sige sabi mo yan eh, Reply ni Vin at dun na natapos yung usapan.

Natigilan ako saglit naalala ko yung Luisa na yun, di ko alam pero parang  naalala ko yung tingin nya sakin yung dagger look nya sabay akma ng suntok, ang weird ng dating sakin, siguro dahil sinungitan nya ako, pero hindi ako naiinis. Hayyy.. bakit ko ba yun iniisip weird lang naman sya pero pare-pareho pa din lahat ng babae. Manggagamit. haha bitter kasi ako. Hay makatulog na nga lang kesa kung ano-ano iniisip ko.

Maglo-log out na ko nung may lumabas sa notification.

1 new friend Request

Chineck ko kung sino

Maria Luisa Mendoza.

Apol's VentureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon