Chapter 9

8 0 0
                                    

Chances, Choices or Destiny

Pagkatapos ko mag-isip ng kung anu-ano habang kumakain naligo na agad ako para hindi malate, kailangan pumasok ng maaga. bakit? natural wala namang gusto pumasok ng late ng sinasadya. 

Pagkatapos maligo nagbihis nako at dumerecho na kay tatay para humingi ng baon. tapos larga na!

Simpleng araw, hindi pa gaanong mainit pero maalikabok na sa daan, pagsakay ko ng jeep naging maayos naman yung byahe papuntang school walang driver na madrama, parang napaka light nung aura nung araw na to ewan ko ba kung bakit. Kaso pag baba ko ng jeep may tatlong kabataan at isang matanda akong nakita sa may gilid ng isang saradong bangko malapit sa school dumadaan ako dun palagi pero ngayon ko lang sila nakita. may hawak silang plastic tapos sinisinghot nila yun. siguro rugby o solvent yung laman. Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong maawa o dapat ko silang katakutan. 

Napaisip na naman tuloy ako. Kasalanan ba nila yun kung bakit naging ganun yung sitwasyon nila? nagkulang kaya sila sa pagsisikap? eh paano kung hindi naman sila nagkaroon ng ppagkakataon na maging maginhawa sa buhay? O paano kung nakatadhana silang maging ganyan? pero bakit naman magkakroon ng tinadhanang maging mahirap at tinadhanang maging maginhawa? Parang ang unfair kung iisipin. 

Napatingin ako sa cellphone ko 6:53 A.M, jusko malalate na pala ko kakaisip dito bakit ba nakatayo pako dito. Larga na!

Saktong 7:05 ako nakapasok ng room, ok lang kasi 7:15 pa naman ang late. Pagupo ko sa upuan ko pasimple kong hinanap yung Kras ko pareho lang naman kasi ng linya ng inuupuan, ilang upuan lang ang pagitan. Nandun na nga sya sa pwesto nya, lagi naman kasi maaga pumasok yun eh. tapos habang tinitignan ko sya biglang humarap, edi syempre nagulat ako biglang liko ng tingin kahit saan, sa kisame sa sapatos sa mga agiw. Hindi ko alam kung nahuli nya ko, pero palagay ko oo, pero hindi nya naman siguro bibigyan ng kahulgan yun.

Maya-maya pumunta na sa harap yung magaling naming adviser as usual nagingintab pa din yung malaki nyang noo. kaya nga sya ang aming panginoo sa klase, nagumpisa na ng kanyang opening remarks ang aming panginoo at sinabi:

"Ok class, wala muna tayong klase ngayon, pauuwiin ko na din kayo dahil aattend ako ng meeting!"

"YESSSS!!! YOWN!!! TARA RAK!!! SAYANG PAMASAHE!!"

Sari-saring sigawan ng tagumpay ang maririnig mo sa room, halatang walang gana magklase at malaya na namang paglalakwatsa ang magaganap. 

Pinalabas na kami ng room dahil ilo-lock na daw yung room, pag labas ng roo as usual grupo-grupo na ulit, kasama ko na ulit ang mga tukmol.

"Punta tayo kila Vin, madaming pagkain dun" aya ni Chris sa amin

Sumagot naman si Vin: "Tara, wala namang tao dun!"

Nagkasundo na nga ang tropa at nalarga na patungo kila vin, Hindi naman daw masyadong malayo yung bahay nial around 25-35 mins lang mula eskwelahan, sakto lang para sa maagang gala.

Pagbaba namin ng jeep, naglakad pa kami ng mga 500m bago makarating sa bahay nila Vin, pag dating namin wala ngang tao sa kanila pero hindi nakalock yung pinto, tiwalang tiwala sila s mga kapit bhay nila, kwento din ni Vin wala pang history ng nakawan sa compound nila, wow naman.

Pagpasok namin, medyo may kalakihan din yung bahay nila. Kanya-kanya kaming hanap ng pwesto, feel na feel ang pag-upo at pag higa sa mga sofa nila Vin feel at home kaming lahat walang ibang tao eh!

"Oh mga brad ano gusto nyong ulam ako magluluto, ambagan nalang sa pambili" tanong ni Vin sa amin.

Sumagot naman si Mel: "Sus wag na kahit anong nandyan pwidi na yon! Delata nalang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Apol's VentureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon