AB.Normal Class
Nagpapalakpakan yung mga grupo ng lalaki sa likod mukang magkakatropang tukmol habang naglalakad ako papuntang harap, Aangas tignan nung mga yun iisa pa korte ng ulo pare-pareho ng gupit hindi mo maintindihan kung dance crew o trip lang. Sarap pag-uuntugin.
Nasa harap nako hindi ko pa din alam kung ano ang gagawin ko, binalak kong kumanta ng parang badjao kaso baka pagtawanan lang nila ko, binalak kong sumayaw kaso napakatigas ng katawan ko. Nakatayo lang ako dito sa harap nagpapalipas ng oras.
"APOLONIO BILISAN MO! You're wasting our Time"
Sino ba kasi nag-isip nitong parusa nato napaka non-sense eh kung makapal ang mukha ng mala-late baka araw-araw magpalate yun para makapag pasikat, mabuti pa deduction nalang sa quiz or exam ang parusa para matakot ang estudyante, yan kasi ang problema sa sistema sa school ginagawang entertainment ang mga parusa. Badtrip talaga tong araw na to.
"Kuya kumanta ka nalanag ng Pusong Bato" sigaw ng isang lalaki s may bandang likod, hugis apdo yung mukha sarap balinghatin!
Pinangalawahan pa ng buong klase "Sige Pusong Bato nalang"
Wala nakong magagawa nandito nako, at kinanta ko na nga..
Di mo alam dahil sayo ako'y di makakain,
Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin
Kung ako'y muling iibig sana'y di katulad mo
Tulad mo na ma'y Pusong Bat..
Hindi ko na natapos yung chorus dahil pumiyok ako, Hindi magkadaugaga ang mga abnormal sa kakatawa, akala nila nakakatuwa pati yung prof ko natatawa, Hindi ko alam kung college class ba talaga to o sa Sped ako napasok, nakakabaliw. Nagpakita nalang ako ng pekeng ngiti tapos dumerecho nako sa table ko.
Nagsisisi na tuloy ako bakit pa ako huminto ng isang taon naiwan pa tuloy ako ng mga kabarkada ko, Dito sa klase ng mga abnormal mukang wala akong makakasundo puro kalokohan lang ata alam nito, totoo kayang balak maging architect ng mga to, umabot ng 3rd year college pero puro isip bata. ewan ko lang magiging masaya ang college life ko.
-
-
10:00 AM na yes! class dismiss na natapos din ang boring na discussion, lalabas na sana ako ng pinto biglang may tumawag sakin.
"Kuya astig ka din pala eh, sama ka muna samin"
paglingon ko yung barkadahan ng mga tukmol sa dance crew pala, ewan ko hindi naman sila nakakainis pero hindi din nakakatuwa, tutal wala na din kaming klase napag desisyunan kong sumama sa kanila, try lang.
"Ah ge san ba kayo pupunta nyan?"
" Magbibilyar lang" tara na Apolonio
" Apol lang." badtrip to feeling close
"Ah ako si pareng Diego, eto sila Eric,Lukas,Mel,Chris,Dodong saka si Vin"
Tinanguan ko lang silang lahat, dahil hindi ko naman talaga sila kilala.
Habang naglalakad kami may grupo ng kababaihan kaming nakasalubong.
"Hi ate crush ka daw neto". tinuro ako
Seryoso ba tong mokong na to? balak yatang sagarin ang pasensya ko eto din yung nagkanta sakin ng pusong bato eh, sino nga ba to Vin nga ba? hatawin ko kaya ng matigil ako ba naman ang itinuro dun sa babae, sa bagay chix yung babae pero kahit na, hindi nalang ako nagsalita tutal hindi naman kami pinansin nung mga babae.
Pag tawid namin lumiko kami sa kanto nandun lang pala yung tambayan nilang bilyaran, pagpasok namin kumuha agad sila ng kani-kanilang tako kanya-kanyang sipat kung magnda yung tako, umupa agad ng dalawang mesa para makapag-laro
"Uy si kuya Apol muna paglaruin natin, bagong sama lang satin nyan."
"Ah sige ok lang, pero wag nang kuya. Apol nalang" sagot ko
medyo kinakabahan ako, Oo sanay naman ako magbilyar pero hindi ako magling eh tong mga to mukang mahuhusay dahil dito ang tambayan nila.
"Sige Vin pakitaan mo si Apol ng Galing mo" sabi ni diego
"Sige ba, Kuya walang iyakan ah, hahahaha!'
Ako yung sumargo, pero walang na shoot, sabagay chambahan lang naman talaga ang laro ko,sunod na tumira si Vin, nanunuod lang yung iba nakangiti, parang nang-aasar.
Mukang mhusay tong kalaban ko planketa palang ayos na, pag tira nya sa no.1 Ball hindi tumama dumerecho sa butas yung pato. Medyo nangiti ako pero nagsalita si Vin
"Ay wala kasing padulas yung kamay ko, di bale pinagbibigyan lang kita"
Hindi nako sumagot sa pagyayabang nya eh wala naman ding mangyayare, nagpatuloy kami sa paglalaro nalaman kong hindi naman pala sanay magbilyar tong abnormal nato, napaka-ingay pa habang naglalaro. Naka 3 game kami hindi man lang sya nanalo pero masaya pa rin sya.
"Ayoko na wala ako sa mood ngayon" sabi ni Vin
"Unggoy kelan kaba nasa Mood? haha" singit ni lukas
"Ah basta pogi pa din ako, tara tambay nalng tayo sa park! madaming chix dun!"
Uuwe na sana ko kaso hindi sila pumayag, 2:00 PM palang naman din maaga pa sumama na din ako, di nga ako sigurado kung nakakatuwa pa ba tong pagsama ko, Ok naman siguro.
Pagpunta namin sa park umupo kami sa damuhan s tabi ng grupo ng mga kababaihan, mukang may binabalak na naman tong mga hinayupak na to.
"Vin bakit ba ayaw mong umuuwe ng maaga? dati naman ayaw mong tumatambay pagtapos ng klase, Pangatlong araw na natin dito umuwe nalang tayo."
Hindi agad sumagot si Vin. .
"may problema kasi sa bahay eh, umalis si Papa iniwan kami at hindi namin alam kung saan pumunta, kaya ayoko muna sa bahay lahat sila dun malungkot, si Mama sila ate, kaya gusto ko kasama ko lang kayo, para kahit papano masaya".
Hindi mo nga naman masasabi kung ano ang kalagayan ng isang tao base sa pinapakita nya, Di ko malubos isipin na sa pagiging masayahin nya may ganun pala syang problema, napakaingay at napakadaldal tapos may mabigat palang dalahin, hanga na din ako sa kanya ah, may dahilan naman pala yung pagiging maingay nya.
"Oh talaga Vin? eh diba close na close ng Papa mo? Ok lang yan babalik din yun" Sabi ni Chris.
Yumuko si Vin, tapos biglang nagsalita ng malakas "JOKE! JOKE! JOKE!"
"Mga kulukoy hindi aalis yung tatay ko eh nasa nanay ko lahat ng pera nya eh, Hahaha kaya lag ayoko umuwe dahil mas masaya dito, hahaha"
Kutos at batok ang inabot nya sa mga barkada nya, gusto ko sana maki tadyak kaso hindi pa kami close, hahanga na sana ko sa tatag nya eh, kaso ka-abnormalan lang pala, hindi ko alam kung may mapapala ba ako dito sa pag sama ko.
"Atleast napasaya ko kayo diba?" sagot ni vin..
"Oy! ate crush ka daw neto"
Inulit na naman badtrip..
BINABASA MO ANG
Apol's Venture
AdventurePara sa mga Kabataan. Para sa mga Katandaan Para sa mga Nawalan ng Pag-asa Para sa mga Natakot na magmgahal ulit Para sa Lahat ng tao na naghahanap ng bagong kahulugan sa Buhay. Para sa Akin. :)