Chapter 5

21 1 0
                                    

Bitter Memories: Mega Friendzone

Hindi ko alam kung bakit ako ganito, sa papanaw, sa pakikitungo, sa iba, parang ang hirap magbigay ng tiwala. 

Sumakay nako ng jeep pauwe at pagdating ng bahay dumerecho lang ako sa kwarto namin, mayroong picture frame dun, picture ko kasama yung babaeng minahal ko si Carla. Ang sweet namin sa picture para kaming mag jowa. Parang lang. ayoko sana sya isipin at maalala pero ayoko din syang kalimutan.

February 14, 2012 Valentines day, dun ko unang nakasama si Carla sa park malapit sa school sa may ilalim ng puno ng akasya. dun ko unang pinagtapat na may feelings ako sa kanya, at yun yung pagkakataon na binigyan nya ako ng 'Chance'. Tandang tanda ko pa yung mga salitang sinabi nya sa akin.

" O sige bibigyan kita ng chance para mapatunayan mo yung mga sinasabi mong feelings mo para sa akin, siguraduhin mo lang na hindi mo ako pinagtritripan".

Umeere pa din sa utak ko yung mga salitang yun, salitang binitiwan nya para lalo kaming maging malapit sa isa't-isa. madalas kami mag kwentuhan sa ilalim ng akasya yun na yung naging meeting place namin dahil ayaw nya naman pumayag pag inaaya ko syang kumain. Pero masaya na ako sa mga pagkakataong yun.

Dumaan yung mga araw at lalo kaming naging malapit sa isa-isa lagi ko syang tinutulungan sa mga school works lalo na pag medyo nahihirapan sya, nagpapakapuyat ako kakatulong sa kanya maipakita lang yung 'effort' na hinahanap ng mga babae. At yung huli yung project nya sa isang minor subject ako na yung gumawa dahil naawa ako sa kanya dahil nahihirapan sya. ganun ko sya kamahal. o ganun ako naging tanga.

April 28 sa parehong lugar, tinxt nya ko

Kita tayo sa park, may sasabihin ako.

Hindi ko mai-explain yung nararamdaman ko nung raw na yun kabado na excited, ayoko mag-assume pero inisip ko na baka sasagutin nya na ako, mabilis ako nagpunta sa park at nakit ako naman si Carla dun, Nakangit sya sakin at syempre nakangiti din ako, wala gaanong tao sa part na yun kaya malaya kaming nakakapag-usap.

"Paano ko ba sisimulan to" bungad ni Carla

"Sige lang, wag kana mahiya lagi naman tayo nag-uusap dito" sagot ko

Sa puntong yun medyo nahinto yung usapan mga 2 mins na katahimikan, grabe wala din ako masabi nun dahil wala akong ideya sa gusto nyang sabihin, nagulat nalang ako sa sumunod na salitang binitiwan nya."

"Sorry Apol.."

Pagkarinig ko palang nun alam kong hindi na maganda yung mga susunod na mangyayare, yun palang pparang huminto na yung puso ko sa pagtibok, pero nakinig pa din ako at nagpatuloy lang sya sa pagsasalita.

"Apol sinubukan ko naman, pero parang mas mabuti na maging magkaibigan tayo, mapatawad mo sana ako, pero sana wag mo na akong sundan-sundan pag nasa school tayo para din sa ikabubuti natin" wika ni Carla.

Grabe yung sakit na naramdaman ko, hindi ako nakapag salita nung oras na yun, ang sakit sakit, yung pakiramdam na parang unti-unting pinupnit yung puso ko ng paulit-ulit, naninigas yung leeg ko at nanghihina yung mga tuhod ko, gusto kong umiyak pero hindi ko malamn kung paano, saglit akong natulala nun hanggang sa masabi ko nalang kay Carla na..

"Sige kung saan ka masaya, tatanggapin ko"

ang sakit lang na marinig na "wag mo na akong sundan-sundan" yun lang yung tingin nya sa lahat ng ginawa ko para s kanya, yung pagsunod-sunod na parang alalay, eh paano yung mg apanahon na nagpuyat ako para sa assignments nya, ganun na lang yun, para lang ba akong stalker na sunod ng sunod, gusto ko isumbat yun lahat sa kanya pero di ko magawa mas nangingibabaw yung pagmamahal ko kesa sa galit. Ilang sandali lang ang lumipas tumayo na sya at nagpaalam. Yun na yung huli naming pag-uusap. Ang sakit sa damdamin.

-

-

-

-

-

"Oh Apol hawak mo nanaman yang picture nyo ni Carla, makaka move-on kaba kung hindi mo pa aalisin yan"  wika ni ate, nakita nya na hawak ko yung picture frame.

"Ah ngayon ko na ng abalak tanggalin naka move-on nako noh" sagot ko habng nakangiti. .  ng pilit

Ayoko sana tanggalin yung picture pero nasbi ko na kailangan kong panindigan, pero yung pag move-on mahirap dayain yun.

Tinaggal ko yung picture namin, inipit ko sa isang lumang photo album, pero siguro tama tong ginagawa ko, panahon na para mag move-ob kalimutan ang lahat kahit mahirap. tiwala lang.

Tiwala lang? haha parang natatawa nalang ako pag naiisip ko yung bagay na yan. parang yun na yung wala sa akin yung pagtitiwala sa iba. Lalo na sa mga babae. Ang bitter ko pala.

"Tulog kana, di ka mahal nun" pang-aasar sakin ni ate, napansin nya kasi na nakatulala pa din ako.

"haha baliw, may iba akong iniisip" sagot ko

Masaya na kaya si Carla, kahit kaunti kaya wala syang naging feelings sakin, napansin man lang kaya nya lahat ng effort ko. Bakit kaya naging ganun ang lahat. Nakakalungkot.

"Baka umiyak ka nanaman kagaya nung araw na binasted ka nya, jusko ang tagal na nun wag mo sabihing di kapa nakakalimot" wika ng ate ko.

Ilang gabi din palang kong umiiyak noon dahil sa nangyare akala ko hindi yun alam ni ate yun pala hinahayaan nya lang akong umiyak dito sa kwarto.

"Sus ang tagal na nun ikaw yatang hindi pa nakaka move-on, makatulog nalang" sagot ko

Paghiga ko nagulat ako may umaagos sa pisngi ko, anak ng teteng hindi ko namalayan na naluluha na pala ako. agad kong pinunasan yung pampam na luha. noon ko lang narealize na yung sakit na naramdaman ko ay dala-dala ko hanggang ngayon. pinilit kong wag ipahalata kay ate at mukang hindi nya din naman napansin, silent type yung pag singhot ko ang sakit sa ilong sa totoo lang.

Pinilit kong ibahin yung iniisip ko, kung ano-anong bagay yung iniisip ko hanggang sa makatulog ako.

-

-

-

-

tiktilaok..tiktilaok..tiktilaok..

Click.. Dismiss

Bakit parang medyo hirap akong dumilat, parang malagkit yung paligid ng mata ko, sinalat ko, putcha puro muta mga isang kilong muta pwede na isama sa scrambled egg pampa-alat, grabe naman pala yung ka-emohan ko kagabi pang baranggay love stories. Mas magaan yung pakiramdam ko ngayong umaga mabigat lang sa mata pero nakuha naman sa hilamos.

Siguro yung mga bagay na naisip ko kagabi, kakalimutan ko ngayon, pipilitin ko, gagawin ko para rin sa ikabubuti ko ang hindi ko lang alam kaya ko na nga bang magtiwala sa iba?

Apol's VentureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon