Bagong Prinsipyo: Wag matakot sumubok
Mukang seryoso talaga tong si Elise dun sa post nya sa Fb at talagang nag message pa para tanungin ako. Naku! kailangan ko palang panindigan yung comment ko, ako mismo na hirap din magtiwala ako pa talaga ang nagsabing wag matakot sumubok. Kailangan mai-defense ko to.*CHAT*
Oo naman, ilang beses na at madami akong natutunan. sagot ko
Talaga lang ha? eh lahat naman kayong mga lalaki pare-pareho kayo ang dali nyong magsawa sa mga babae. Elise.
A: Ha? talagang lahat kami pinag pare-pareho mo? eh nasasaktan din naman ang lalaki ah, kala mo samin manhid pag niloko at ginamit? Maaring nasaktan ka ng ilang lalaki pero ibig sabihin lng nun hindi mo pa nakikita yung lalaking magmamahal sayo ng totoo, ayaw mo nun atleast nalaman mo na hindi sila deserving sayo?
E: Oo nga pero bakit lahat ng minhal ko iniwan ako? pangit siguro ako.
A: di ka naman pangiit ah? saka kung yun ngalang ang dahilan kung bakit ka nila iniwan, eh wag kang malungkot dahil ang taong nagmamahal sa itsura, ay hindi talaga magtatagal. lahat ng tao kukulubot ang balat, antayin mo yung tao na mamahalin ka ng totoo at hindi babase lang sa itsura mo. saka ganda mo kaya :)
E: weh? nambola pa talaga! kutusan kita jan eh. kaya lang ang sakit talaga nitong huli eh, biruin mo isang taon syang nanligaw, pinahirapan ko talaga sya para malaman kung seryoso, tapos nung sinagot ko isang buwan palang mula nung naging kami naghanap agad ng iba.
A: Isang taon O.o? hindi ba sya luge dun, hindi man llang sinulit yung effort nya noh? saka kung sakaling bang umabot kayo ng 3 yrs tapos dun sya nagloko, hindi mas masakit yung ganun? Di ba mas ok habang maaga palang nakilala mo na sya?
E: Ay oo nga tama ka dyan. Kaso mahal ko na sya eh. hindi ko ata kaya.
A: Dati ba mahal mo na sya bago pa manligaw?
E: Hindi nagustuhan ko lang sya nung nanigaw na kasi todo effort.
A: eh yun naman pala eh, edi ibig sabihin kaya mo nang wala sya kasi dati naman masaya ka kahit wala pa sya sa buhay mo.
E: Kahit na, ay naku ewan ko ba. Kaso kung ayaw nya na talaga sakin edi yaw ko na din sa kanya hayop sya :D haha
A: haha ganyan lang talaga sa buhay, may kabiguan para matuto ka.
E: Ibig sabihin dapat mga 3 taon sila manligaw bago ko sagutin, haha joke lang
A: pwede din, ang sumuko talo, gaano lang yung 3 taon kung kapalit ay habang buhay. Haha
E: Nako wag muna nating pag-usapan ayoko na magmahal, hindi nako magmamahal.
A: Weh? di ba pwedeng mag move-on tapos sunok ulit? ayawan na agad?
E: Loko! tapos pagka move-on inlove ulit tapos heartbreak ulit.Chos!
A: Haha ganun talaga ang buhay, kailangan mo munang malaman yung lesson bago ka sumubok ulit. ok lang naman maging mlungkot pero wag habang buhay. Sarap kaya magmahal.
E: Haha, oo nga noh. kaya lang basta ayoko muna ngayon ipapahinga ko muna ang puso at beauty ko. Hahaha :))
A: naniniwala kasi akong lahat ng bagay uuwe din sa happiness, pag nasaktan ka gaano man katagal magiging masaya ka din so bakit patatagalin mo pa, bakit magpapakalunod kapa sa ka-emohan. kung magiging masaya ka sa future bakit di pa ngayon.
BINABASA MO ANG
Apol's Venture
AdventurePara sa mga Kabataan. Para sa mga Katandaan Para sa mga Nawalan ng Pag-asa Para sa mga Natakot na magmgahal ulit Para sa Lahat ng tao na naghahanap ng bagong kahulugan sa Buhay. Para sa Akin. :)