No Woman No Cry
Tinignan ko yung Profile picture, Aba sya nga! yung weirdong babae na ubod ng sungit kanina. Teka bakit nya kaya ako in-add sa fb, siguro mas madaling maging friends sa fb kesa sa personal, muka naman hindi ko makakasundo yung weirdong yun. Teka aaccept ko ba to, baka akala nya nakakatuwa yung ginawa nya kanina, pero ang OA ko naman kung magagalit nako dahil dun, kasalanan din naman ni Vin kung bakit sya nag taray kanina. Hay ewan ko ba ci-click ko lang naman yung accept button ang dami ko pang iniisip ignore ko kaya? wag na nga accept nalang.
Click. Accept. Pagtapos pinatay ko na yung computer baka malate na naman ako bukas.
-
-
-
-
-
10:30 PM nako nakahiga. Katabi ko yung ate ko matulog dalawa lang kasi yung kwarto namin sa bahay kaya share lang kami sa tulugan. Paghiga ko alam ko sa sarili ko na hindi pa ako inaantok, naka higa lang ako tapos nakatingin sa kisame ng kwarto nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Naalala ko yung mukha ni Luisa nung nakatingin samin, yung dagger look, yung akma ang cute tignan, ay putcha ano ba tong pinag-iisip ko, nakalimutan ko yung prisipyo ko, no woman no cry, pero masama bang macute-tan sa isang babae, hindi naman siguro. Galit kaya sya samin ni Vin, hindi naman siguro, masungit kaya sya? parang hindi nmn, friendly kaya sya, hay ewan ko, Saka dapat wala pala akong pakialam. Badtrip pero ang cute nya talaga.
Kung kausapin ko kaya sya bukas? para humingi ng sorry, pero bakit ako hihingi ng tawad eh wala naman akong ginawa, ah baka nabastusan sya sa sinabi ni Vin, pero hindi naman ako yung gumawa bakit ako magsosorry. Gara naman nakakainis talaga yung babaeng yun.
"Apol, wala kabang balak matulog 11:30 na oh? malalate ka nanaman nagsasalita kapa mag-isa jan, alalahanin mo may ibang tao dito sa kwarto" medyo inis na bulong ng ate ko.
"Ay sorry ate, pasensya na nagpapa-antok lang" sagot ko
Grabe paganun-ganun lang isang oras agad yung lumipas. Nakaka adik mag overthink eh, pero sa huli wala naman din akong napagdedesisyunang gawin, itutulog ko na lang to.
Kamusta na kaya si Carla, masaya na kaya sya, ay ayoko sya isipin, ayoko, tigil tigil tigil, mtutulog nalang ako.
-
-
-
Umaga na pala, himala naunahan ko yung alarm ko, 10 mins na mas maaga kesa sa alarm, mukang maganda yung araw na to, kabaligtaran sana nung kahapon, Epic yung kahapon pero atleast may mga nakilala na ako. pero parang gusto ko pa humirit ng 5 more mins bago bumangon. ay wag na delikado yun eh.
Daily routine, ligo, bihis, kain, hingi baon tapos larga na.
Yung jeep na nasakyn ko kahapon yun din yung nasakyan ko, naalala ko tuloy yung kadramahan nya kahapon, pero kung tutuusin may point. nakakatuwa lang kasi hindi masyadong siksikan, saka mukang full tank na sya hindi na nagpa gas, iba yung aura nung araw na to mukang maganda at swerte, sana naman.
Maaga ako nakarating sa room, kaunti palang yung mga istudyante hindi ko pa killa yung iba, pero isa yung pumukaw sa atensyon ko, si Luisa hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o ngingitian man lang, baka kasi galit sya eh, pero in-add nya ako sa fb, teka wala naman yatang kahulugan yun, gaano lng ba kdali pindutin yung Add as Friend button. Ano ba to ayaw tumigil ng utak ko sa kaka-isip ng kung ano-ano, Hindi ko na lang sya kakausapin tapos.
Bago mag start yung klase kumpleto na lahat, ang daya walang late walng mag tatalent portion sa harap bakit pakiramdam ko unfair yun. well wala naman akong magagawa tapos na din naman.
BINABASA MO ANG
Apol's Venture
AdventurePara sa mga Kabataan. Para sa mga Katandaan Para sa mga Nawalan ng Pag-asa Para sa mga Natakot na magmgahal ulit Para sa Lahat ng tao na naghahanap ng bagong kahulugan sa Buhay. Para sa Akin. :)