KRAS
Pagtingin ko ng oras sa cellphone ko. "Shet! isang oras nalang midterm na natin!" energetic kong sigaw sa kanila.
"Sus ano naman, manalig ka lang sa biyaya ng Tres! oh tres sumaamin ka!" sabi ni dodong.
talaga tong si dodong masaya na sa tres, dinadamay pa kami, napa-isip lang ako kasi, wala naman masamang mag enjoy habang nag-aaral ang kaso lang baka sa sobra kong pag-eenjoy mapabayaan ko yung pag-aaral ko, kaso nandito na eh saka may isang oras pa, kulang na kulang pa yung nireview ko, halos ini-scan ko lang yung notes ko may maalala kaya ako sa exam. Bathala na! deym.
Pumunta na kami sa building kung saan idaraos ang aming pagsusulit? bakit kaya pagsusulit? anong sinusulit? baon? tuition? talino? Kabobohan? kasipagan? pangongopya? ay ewan bakit ko ba pinapakialaman yung term na pagsusulit, non-sense naman tagal ng ginagamit nun, naalala ko tuloy yung balita tungkol sa mga pambansang bagay, hindi naman daw pambansang isada yung bangus, yung anahaw hindi pambansang halaman, mas ok siguro kung marijuana! ganun? kasi yun yung patok sa kabataan ngayon, ganun kaya yung gusto nilang iparating. Teka magrereview pala ko. Overthink pa more!!
Pag-akyat namin sa 2nd floor room 202 bukas na yung room walang nagkaklase pero may tatlong couples na nag pi-PDA, talagang kung magharutan parang nasa private room lang, tapos yung dalawang couples magakadikit parang naglalaro ng ng doktor kwak-kwak halos magkakabuhol na yung katawan. Abala lang naman kasi yang lovelife sa pag-aaral, Nakaka-abala naga ba? o Bitter pa din ako? leche naman.
Hindi namin pinansin yung mga couples derederecho kami sa loob kanya-kanyang hanap ng upuan, parang tinablan naman yung mga nagdodoktor kwak-kwak at lumabas na. mas ok yun kasi nakaka distract sila. Chix pa naman yung isa sayang.
"Apol tabi tayo mamaya" paalala ni dodong
"Sige lang kung may makukuha ka sakin" sagot ko naman
pumwesto ako sa sulok tapos sunog kilay mode, target ko lang kahit maka 2/3 ng exam ayoko sa biyaya ng tres, hindi sulit yun.
Nag memorize nalang ako ng random facts bahala na, nag sslaman na yung mga brain cells ko kasi na ppressure bwisit kasi yan. tapos umeere pa sa tenga ko yung kanta ng aegis kanina.
-Discovery of the Philippines
-Magellan vs Lapu-Lapu
-Revolution
-Rizal Facts
-Americans, japanese, americans
Ayoko na! pwede na yan. sabagay wala na din naman akong mgagawa nandito na si Mr.Almazan at yung terror nyang presensya feeling major tong hayop na to eh.
"Okay class prepare 4 pesos para sa exam" pambungad ni Mr.Almazan
"Sir ilang page yung Exam?" tanong nung isa kong kaklase.
"Isa lang, hindi ko kayo pahihrapan this time?" Mr.Almazan
Wow nakaktuwa naman yun, hindi pahihirapan pero yung binigay nyang pointer's halos kalahati nung libro, tapos yung photocopy 4 pesos isang page? pati ba naman sa school may kurakutan? kaya hindi umuunlad ang Pinas eh ultimo sa maliliit na sistema uso pa din ang kurakutan. mahihirapan na kami sa exam tapos malalamangan pa, kaya siguro pagsusulit ang tawag dito. Sulit na sulit yung prof namin sa kanyang mumunting hanap buhay.Tsk!
"Okay get one and pass! wag nyo munang titignan yung exam, ang mahuli kong sumilip sa tanong singko agad! sabay-sabay kayong magsagot para fair" sigaw ni Mr.Kurakot
Talagang sa kanya pa galing yung "Para Fair!" alam nya ba yung meaning nun? Kabanas lang.
*Pasa Pasa Pasa* Hanggang lahat magkaron na ng questionnaire.
BINABASA MO ANG
Apol's Venture
AdventurePara sa mga Kabataan. Para sa mga Katandaan Para sa mga Nawalan ng Pag-asa Para sa mga Natakot na magmgahal ulit Para sa Lahat ng tao na naghahanap ng bagong kahulugan sa Buhay. Para sa Akin. :)