Officially Yours.
Lumipas ang araw at nasa ikatlong araw na rin si Sam sa L.A , lagi naman nya akong tinatawagan sa phone call or video call. Kinukumosta nya nga ako kagaya ng pinangako nya sa akin. Habang si Leo naman pagkatapos nong araw na sinabi nya sa akin kung ano ang totoong nararamdaman nya ay lagi nalang syang bumibisita dito sa bahay, dahil ayaw ko pa rin na pumasok sa office kahit pinipilit nya pa ako. Ayoko ng bumalik doon bilang secretary nya, gusto ko munang mag relax lang sa bahay kahit mga 1 week lang. Alam ko naman na hindi nya talaga tatanggapin yung pag resign ko bilang secretary nya.
Hanggang ngayon nga hindi nya parin tanggap na aalis talaga ako sa company nya, lagi syang nandito pagkatapos ng work nya sa gabi at pinipilit akong bumalik sa trabaho. Pero kasi tinatamad pa ako kaya wala syang magawa kundi ay maghintay .sinabi ko naman sa kanya na maghanap nalang sya ng bagong secretary nya baka hindi na talaga ako babalik sa company nya, minsan na papansin ko ng naiirita na sya at naiinip sa pangungulit sa akin pero mawawala rin naman iyon agad.
Ngayon nandito ako sa coffee shop ni James, wala kasi akong magawa sa bahay kaya nagpasya akong mag relax muna dito.
Dala ko ang laptop ko, kanina lang nag uusap kami ni James pero nag excuse ito kasi may emergency daw sa machines nila at kailangan sya doon.
Napakurap ako ng biglang tumonog ang phone ko na nasa gilid ng laptop ko nilagay.
Its Leo.
Agad ko itong sinagot.
' Yes ? '
' hey, where are you? '
Tanong nya, kunot ang noo ko dahil ngayon lang ito nagtanong kung na saan ako. Sa past days naman kasi hindi ito nagtatanong kung na saan ako, sa twing gabi at umaga lang ito kumokontak sa akin. At alas 4 pa ng hapon, hindi siguro sya busy?
' nandito ako sa coffee shop ni James, bakit ? '
Saglit itong natahimik ..
' Leo? '
' Yes, Stay there I'm coming '
Napa awang ang bibig ko, anong sabi nya ? Pupuntahan nya ba ako dito?
' wag kang umalis dyan, kapag ginawa mo magsisisi ka talaga, just wait for me '
Magsasalita pa sana ako but he ended the call.
Napahinga ako ng malalim at napapikit. Pagka dilat ko ay saktong umopo sa harap ko si James kaya napa ayos ako ng upo.
" Sino yung kausap mo sa phone ?"
Tanong nya at napa tingin ako sa phone na hawak ko, inilapag ko ito muli sa lamesa.
" Si Leo "
Tipid kong sagot.
" bakit daw ?"
Nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman talaga alam kung ano talaga ang nangyayare kay Leo at mukhang nagmamadali namang puntahan ako dito.
" gusto mo pa ba ng cake ? Will give you another one "
Nakangiting alok nito sa akin.
" no , hindi na. Salamat James "
Binalik ko ang tingin sa laptop ko, scanning my news feed on facebook.
" Lalo kang gumaganda "
Napatingin ako sa kanya at doon ko lang napansin na seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. Napakurap ako at ngumiti sa kanya kahit naiilang ako sa mga titig nya.
" bolero ka talaga kahit kailan. "
Saad ko at tiniklop yung laptop sa harap ko, tinaasan ko sya ng kilay.
BINABASA MO ANG
ONE IN A MILLION
RomanceR-18 A million feelings , ang nararamdaman nang isang independent woman na si Jessa joy nong una nyang ma meet ang lalaking si Leodemar Fernandez na syang nagparamdam sa kanya ng kakaibang feeling sa isang beses lang na halik. They met again when Je...