CHAPTER 34

3.3K 88 2
                                    

HIS PARENTS...

" masaya kami dahil nagmahal na naman ang anak namin. At makikita naman namin na masaya kayo sa isat isa. Masaya kami para sa inyo iha "

Wika ng ina ni Leo , kumakain kami ngayon. Nakakahiya sa Parents ni Leo, ganito pa talaga ang suot ko. Kung alam ko lang sana nag formal dress nalang ako. Kung bakit pa kasi pa suprise  suprise pa itong si Leo.

" salamat po tita, mahal na mahal ko po ang anak nyo. At aalagaan ko po sya "

Napangiti ang ina nya sa sinabi ko , naramdaman ko ang paghawak ni Leo sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa nakapatong sa hita ko.

" mahal na mahal ko rin si Jessa ma, I will do everything just to make her happy kagaya ng ginagawa sayo ni Dad "

Napatawa ang ina nya at pati narin ang ama.

" naku ikaw talaga anak, manang mana  ka sa ama mo. Alam kong hindi mo bibiguin si Jessa. "

Napangiti nalang ako at napatingin kay Leo.

" siguradohin nyo lang na magkasama kayong harapin lahat ng pagsubok , alam nyo na sa isang relasyon hindi mawawala ang problema, hindi lahat masaya lang. Dapat handa kayo pareho "

Wika ng ama ni Leo, pareho kaming tumingin sa kanyang ama at napangiti.

" Of course dad, gagawin namin iyon ni Jessa "

Nagkatinginan kami ni Leo kasabay non ay ang pag pisil nya sa kamay ko.

" masaya ako dahil, napakilala na rin kita sa wakas nila mom at dad. Alam kong nabibilisan ka love, pero hindi na kasi ako makapaghintay na aminin sa kanila na tayo na "

Pagpapaliwanag sa akin ni Leo, napangiti ako at naluluha sa sinabi nya. Napakasaya ko.

" congrats kuya "

Napatingin kami kay Leonard at itinaas nito ang baso ng wine .

" cheers "

Saad nito at halus sabay naming lahat na itinaas ang glass na  may lamang wine tapos ay sumigaw ng cheers ..

Masaya kaming kumakain at nag kwentohan. Syempre hindi mawawala sa pinaguusapan ang business at kung paano kami nagkakilala ni Leodemar.

" sana magtuloy tuloy nato , gusto naming malagay narin sa magandang pamilya ang anak namin "

Saad ng ama ni Leo agad namang sumang ayon ang ina nya kaya hindi ko maiwasang ngumiti sa saya.

" hindi namin kayo bibiguin mom "

Sabi ni Leo sabay akbay sa akin. Nakita ko kung paano kami tiningnan ng kanyang ama at ina, halatang masaya ito para sa amin. Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ako ka saya , kami ni Leo pati narin ang mga magulang nito. I'm so thankful dahil malakas ang suporta ng mga magulang nya sa amin.

" aasahan namin iyan anak "

Wika ng kanyang ina.

Alas diyes na ng gabi umuwi ang mga magulang ni Leo sa mansion nila, akala ko dito sila nakatira namangha ako ng sinabi ni Leo na sa kanya itong bahay na ito. Sino ba naman ang hindi makakapag tayo ng bahay na ganito ka gara? Mayaman si Leodemar at malaki narin ang business nya.

Umuwi narin sina Jen at Lucas , si Leonard naman ay sumama na sa kanilang ama at ina. Kaya kami nalang ni Leo ang nandito ngayon sa bahay nya.

Humalikipkip ako sa tabi nya habang yakap nya ako , nakaupo kami ngayon sa malaking sofa dito sa sala niya. Napasinghap ako ng yakapin ako nito ng mahigpit.

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon