Chapter 3

1.3K 86 2
                                    

Zell.... Zell.....

Nagising bigla si Rick at pawis na pawis. Dinadalaw naman siya ng kanyang nakaraan.

Downloading System Information Guide please wait.

98%

Natulog na ako lahat lahat hinde pa rin ito tapos?

Bumangon si Rick sa kanyang higaan at nagsimula maligo. Baka huling ligo na niya ito kaya naman sinulit na niya ang pagligo.

Paglabas niya ng banyo ay agad na bumungad si Duk sa kanya.

Mukhang ayaw talaga sayo ng Hari dito dahil minamadali nila ang pagalis mo. Heto kumain ka muna. May inabot na plato ng pagkain si Duk.

Salamat. Makakabayad din ako sa kabutihan mo. Nagsimula sumubo Ng pagkain si Rick.

Kung gusto mo makabawi sakin ay gawin mo ang lahat para mabuhay sa mundong ito. Siguraduhin mo na sa susunod natin pagkikita ay may pagmamalaki ka na. Tinapik tapik ni Duk si Rick.

Oo ba! Hahaha

Nang matapos kumain ni Rick ay agad siyang naghanda para umalis. Hinatid siya ni Henry palabas ng gate. Sa labas ng gate ay nakaabang agad ang sundo niya. Hinde na ito isang magarbong karwahe kundi isang wagon na gawa sa kahoy.

Agad na sumakay si Rick doon at agad itong lumarga. Sa dikalayuan ay nakita ni Rick na nakangiti ang Hari habang tinitignan siya paalis ng palasyo. May nagpop up bigla sa mukha niya.

System Information Guide download complete.

Do you want to install System Information Guide?
YES       NO

Pinindot ni Rick ang yes.

Installing.....

Sleep mode activate

Unti unti nakaramdam ng antok si Rick.

Hoy... Hoy!!!

Nakaramdam si Rick na may yumuyogyog sa kanya. Napadilat siya at nakita ang mukha ng kartero.

Hanggang dito na lang ako. Delikado sa lugar na ito kaya ayaw ko maabutan ng gabi. Heto ipinabibigay ng Hari. May inabot na baul ang kartero.

Bubuksan na sana ni Rick ang baul ngunit pinigilan siya ng kartero.

Teka mamaya mo na ito buksan. Ang bilin sakin ay umalis muna ako bago ito buksan.

Bakit daw?

Hinde ko rin po alam pero yun po ang bilin sakin. Aalis na po ako. Nagbow ang kartero sa kanya at umalis. May notification nakita si Rick sa status niya.

System Information Guide installation complete

New features unlocked
System update
Inventory system
Additional status information
Additional commands
System voice command
System Information Guide

New skill unlocked
Appraisal

New unlearned skill unlocked
Alchemy
Creation

Appraisal? Which means I can get some information using this right?

System boot up......

World of GwyndionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon