Chapter 26

271 34 0
                                    

Welcome aboard

Salamat ho sa pagtanggap sakin hinde ho kayo magsisi na tinanggap niyo ko.

Tumayo ka na dyan abala ka sa daan... Tumayo si Jiro at panay ang bow.

Kung kotse lang ito sinagasaan na kita eh. Sumakay ka na! Agad na sumakay si Jiro at magsimula na sana umandar sila nang....

Sandali! Tumatakbo si Latina sa papunta sa direksyon nila Rick at humarang sa daan.

Anak ng! May isa pa?

Kung isasama niyo si Jiro ay isama niyo na rin ako!

Ehh????? Tumaas ang kilay ni Rick. Maglalandian lang ang dalawang ito dito.

Latina! Wag ka na sumama pa dahil delikado ang magiging byahe namin.

Wala na akong dahilan pa para manatili dito kung wala ka.

Teka anong nangyari kila Aling Lucing?

Nasunog sila ng buhay. Unti unti tumutulo ang luha ni Latina. Bumaba si Jiro at niyakap si Latina.

Kinalulungkot ko ang nangyari. Umiyak na din si Jiro at nag iyakan sila.

Sheesh..... Para kayo pusang nagliligawan! Napatigil sila Jiro.

Meow?

Pinitik ni Rick si Jiro sa nuo.

Namimilosopo ka pa! Ano sasama ka ba o hinde?

Teka lang di ba pwede magisip ng matagal? Hinde ko pwede iwanan si Latina dito kaya......

Isasama ko siya! Binatukan ni Rick si Jiro.

Sino nagbigay permiso sayo magsama ka pa ng iba? Pabigat ka na nga dito, magsasama ka pa iba. Naka-cross arm si Rick.

Gumagapang si Jiro. Ginoo, nakikiusap ako isama niyo na siya. Pumulupot si Jiro sa hita ni Rick.

Kumalas ka nga sa hita ko! Sinisipa ni Rick si Jiro.

Ginoo!!!!

Zell??? Payagan mo isama ito si Latina.

Pati ba naman ikaw Erich? Binubudol ka lang ng mga iyan. Alagain lang mga yan.

I'll take responsibility.

Ha?

Gusto ko naman may makasamang babae sa byahe para makachikahan.

Andyan naman si Yammy. Tinuro ni Rick si Yammy.

Gosh, Zell syempre yung halos kaedaran ko naman kaya sige na pumayag ka na.... Nagpacute pa si Erich.

Sheesh!!! Fine! Sumakay na kayo. Sumakay na sila ngunit ng pasakay na si Jiro ay pinigilan siya ni Rick.

Saan ka pupunta?

Sasakay ho ginoo... Tinali ni Rick si Jiro sa leeg.

Kulang ako sa kabayo magtulak ka. May hawak na latigo si Rick.

Ekkkkkk!!!!!

-----------------------

Isang lalaki ang tumatakbo kasama ang ilang kalalakihan. Hinahabol sila ng mga Red Fox Bulls.

Syun Jisoo
Unique Skill: World Luck
Plaque of Misfortune

Hi there, ako nga pala si Syun Jisoo, 15 years old physically pero 10 years pa lang ako nabubuhay. Iniisip niyo siguro kung bakit ako napunta sa gantong sitwasyon? Well, simulan muna natin sa aking pinagmulan.

World of GwyndionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon