Chapter 17

1.1K 90 2
                                    

After the incident ay muli binubuo ang wall ng kingdom. Ginagamitan na nila ito ng Magic Ore(highest) bilang pundasyon.

Samantala si Rick naman ay naghahanda para sa paglisan sa kingdom. Inupgrade niya ang wagon niya bilang isang karwahe gawa sa Magic Ore. Ang gulong nito ay may cover na gawa sa balat ng Elephant Kong.

Sigurado ba kayo aalis kayo?

Sasama ho ako kay Zell saan man siya magpunta. Nakangiti si Erich sa kanyang Ama.

Gusto ko talaga maglakbay at ikutin ang buong mundo. Gagawa ako ng sariling Guild at kingdom.

Bago ka makagawa ng Guild ay kailangan mo ng 8 disipulo under mo at isang ikalawang pinuno (1 Guild master, 1 Vice, 8 member subordinates). Sa pagbuo ng kingdom kailangan ay meron ka 1,000 mamayan at 30,000 gintong tagong yaman. Kakayanin mo kaya iyon?

Isang milyon na nga yung ginto ko. Pero mukhang mahirapan ako sa pagkuha ng mga tao.

Kaya nga po ako naglalakbay para humanap ng mga taong sasama sa bubuin ko na Kingdom. Isa pa pitong tao na lang ang kulang ko. Ito anak niyo ay aking ikalawang pinuno at si Yammy ang isa ko disipulo.

Hinde ko po kaya makipaglaban kyah.

Hinde naman ata kailangan na nakikipaglaban ang mga disipulo ko.

Kailangan Zell. Seryoso ang mukha ni Drew.

Nilabas ni Rick ang isang staff at papel. Hawakan mo ito Yammy. Hinawakan ni Yammy ang staff. Banggitin mo ang salitang nasa papel.

Earth wall!

May lumabas na harang na bato sa harap ni Yammy.

Earth Cannon

Isang bolang bato ang lumabas sa staff.

Ayos na ba yan?

May element of Earth ka ba Yammy? Umiling iling si Yammy.

Isang item yan Drew na pwede gamitin nino man at makakagamit siya ng Earth Magic kahit wala ka element of Earth.

Ibang klase ka talaga Zell. Pati yung item mo na ginamit na weirdo ang itsura.

Isa yun baril.

Baril? Isa ba yang bagong item?

Yeah... I guess di uso ang baril dito.

Inabot ni Rick ang isang gauntlet. Gauntlet yan infuse with Ice Magic. Here's the instructions. Inabot ni Rick ang isang scroll.

Salamat Zell.

Kapalit yan ng pag pamana niyo samin ni Erich ng singsing niyo magasawa.

Tradisyun na namin iyon Zell, ang pagpasa ng singsing sa aming anak at magiging asawa niya.

May dala mga bagahe si Erich.

Bakit ang dami mong dalang gamit? Pinasok ni Rick ito sa inventory.

Mga damit ko yan!

Bakit ba ang daming damit ng mga babae? Sumakay ng karwahe si Erich at Yammy.

Magiingat kayo Zell. Ingatan mo ang anak ko!

Ngumiti si Rick. Syempre iingatan ko ang anak niyo! Yah! Nagsimula umandar ng sasakyan ni Rick.

World of GwyndionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon