Chapter 24

1.1K 74 4
                                    

Jiro! Isang babae ang patakbo kay Jiro.

Jiro Tensei
Level 5
Unique Skill: Shock Absorber

Bakit Latina? Napahinto sa pagbubungkal si Jiro.

Dinalan kita ng makakain baka gutom ka na habang nagbubungkal dyan. Inabot ni Latina ang isang basket.

Salamat Latina! Nag abala ka pa, hinde ka na sana nag dala pa dahil hinde ka pa ako nagugutom pero dahil andito na din yan! Kakain ko na yan! Binuksan ni Jiro ang basket.

Teka maghugas ka muna ng kamay mo! Hinawi ni Latina ang kamay ni Jiro.

Concern ka talaga sakin. Ngumiti si Jiro kay Latina. Naghugas siya ng kamay at kinain ang dala ni Latina.

Ang sarap mo talaga mo magluto Latina. Ang swerte ng magiging asawa mo. Namula ang pisnge ni Latina.

Tapusin mo na lang yan kinakain mo!

Salamat dito Latina. Tumayo si Jiro.

Teka magpahinga ka muna, kakain mo lang. Hinawakan ni Latina si Jiro sa braso.

Kailangan ko nang bumalik sa pagbubungkal upang nakapag ani ka agad kami ni Lolo Kai. Nalugi kami dahil sa namatay ang mga pananim namin nakaraang araw. Masyado ata mainit ang panahon kaya natuyo sila. Muli nagbungkal si Jiro.

Magpahinga ka kapag napapagod ka ha?

Oo naman! Saka matibay ata ito! Nag flex pa si Jiro. Umalis si Latina.

Kailangan ko matapos na ito at para nakapag simula muli kami ni Lolo Kai.

-------
Ako nga pala si Jiro Tensei, 16 na anyos at isa nang ulila. Wala ako kinagisnang ama dahil bunga lang ako ng isang masamang pangyayari kay ina. Ginahasa siya ng isang Militia( katumbas ng Adventurer ngunit kontrolado ng kingdom parang militar) at laking pasasalamat ko kay ina sapagkat binuhay niya pa rin ako kahit na bunga lang ako ng isang pagkakamali. 8 taon gulang ako noon ng magkasakit ang aking ina na malubha. Wala kami kapera pera ng mga panahon iyon at tanging sa paglalabada ni ina at sa pagtatanim Lolo Kai kami nag kakapera. Mahal ang gamot na kailangan inumin ni ina kaya napilitan kami lumapit ni Lolo sa aking ama ngunit dineny niyang anak niya ako. Wala kaming nagawa hanggang sa namatay na lang si Ina dahil sa pagkakasakit. Sinumpa ko sa aking puso ang aking ama. Kinumumuhian ko siya, sa laki ng kasalanan niya Kay Ina.

---------

Natapos din sa pagbubungkal si Jiro. Agad siyang bumalik sa kanilang bahay. Nakita niya ang kanyang Lolo na may kausap na Militia.

Mag bayad na kayo ng buwis Tatang.

Wala ho kami maibibigay sapagkat wala ho kaming ani ginoo.

Di pwede yun Tatang sapagkat kailangan niyo magbayad ng buwis. Prinoprotektahan namin ang bayang ito at kailangan niyo magbayad. Kung wala kayo maibabayad ay kukunin na lang namin ang mga alaga niyo hayop. Kinuha ng isa sa mga Militia ang alagang baboy ni Kai.

Wag ho ginoo, nakikiusap ho ako bigyan niyo pa kami ng palugid! Hinawakan ni Kai ang lalaki at tinulak siya nito.

Tumakbo si Jiro papunta kay Kai.

Teka wag niyo saktan ang Lolo ko!

Ayoko ng hinahawakan bata.

Sa 2 Linggo pa ang singilan ng buwis hinde ba? Bakit ho kayo ngaun naniningil? Tinulungan ni Jiro nakatayo si Kai. Magkano ba Lo ang sinisingil nila?

World of GwyndionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon