Chapter 15

1.1K 84 3
                                    

Sa wakas andito na tayo sa aking sinilangan! Ang Kingdom Algathar!

Lumapit sila sa tarangkahan ng Kingdom at hinarang ng mga guards.

Sino kayo? Bakit kayo napadayo dito? Anong pakay niyo rito?

Richard! Ikaw ba yan?

Eeeerich! Lady Erich! Bakit ngaun lang kayo umuwi? Alam niyo bang hinahanap kayo ng inyong Ama at nagaalala ang inyong Ina sainyo.

Pasensya na Richard but it's a long story. Dumungaw si Yammy.

Sa..aaka sino yang mga kasama mo Lady Erich?

Si Zell. Tinuro ni Erich si Rick. Siya ang mapapangasawa ko. Ito naman cute na batang ito ay si Yammy. Yakap ni Erich si Yammy. Kinupkop namin siya na parang .....

Anak?????

Mawalang galang na kapatid ang turing namin sa kanya. Pagtutol ni Rick.

Kuya Drave! May magrerehistro dito. Lumapit si Richard sa isang lalaki at kinausap niya ito. Lumapit si Drave at may dala itong malaking parang baso at may laman tubig.

Kayo ba magrerehistro? Ilublob mo lang ang kamay mo dito sa tubig. Nilublub ni Rick ang kanyang kamay sa tubig. Nagliwanag ang tubig at pinatanggal ni Drave ang kamay ni Rick. Binuhos ni Drave ang laman na tubig at bumubuo ito ng isang card.

Ito na ang passes mo dito sa aming lugar. Libre ito kaya wag ka magalala. Inabot ni Drave Kay Rick ang card. Nilapitan ni Drave si Yammy at ganun din ang ginawa nila.

Pinangayagan na silang papasukin sa loob ng Kingdom. Nabigla si Rick sa kanyang nakita sobrang magarbo ng mga gusali sa tabi tabi. May mga ibat iba ding mga lahi ng nilalang dito sa loob. Ilang minuto ng kanilang pagbiyahe ay pinahinto ni Erich ang sasakyan sa harap ng puting gate ng isang mansion.

Manong Gibo!

Lady Erich! Jusko! Sa wakas ay nakauwi na kayo. Binuksan ni Gibo ang gate at pinasok ni Rick ang sasakyan sa loob. Pinarada ni Rick ang sasakyan sa harap ng mansion. Bumaba sila Rick, Erich at Yammy.

Sinalubong sila ng isang maid at butler.

Lady Erich! Sa wakas ay nakauwi na kayo! Pumasok na ho kayo sa loob.

Salamat Manang Jean at Manong Gibson. Binuksan ng dalawa katulong ang pinto sa pinto pa lang ay naka abang na ang isang babaeng magarbo ang kasuotan at isang lalaking naka coat.

Ama! Ina! Tumakbo si Erich sa dalawa at niyakap niya ito.

Sa wakas ay nakauwi ka na din. Ano bang nangyari sayo? Hinawakan si Erich sa pisnge ng kanyang Ina.

Mahabang kwento ina, sa ngaun ay gusto na muna namin kumain at magpahinga. Bukas ko na lang ito ikwekwento.

Nilapitan ng Ama ni Erich si Rick. Inabutan niya ito 3 Gold coins.

Salamat sa paghatid sa aking anak, Ginoo. Heto ang extrang tip para sayo.

Teka Ama hinde siya isang taga hatid. Siya ang aking mapapangasawa!

Hahaha. Mapagbiro talaga itong anak ko. Tumatawa lang ang ama ni Erich.

May nangyari na samin Ama.

Nagbago ang expression ng Ama ni Erich. Nakakatakot ang aura nito. Mukhang kailangan din namin kausapin ka totoy! Pinatunog niya ang kanyang mga buto sa kamay.

World of GwyndionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon