Chapter 4

1.3K 94 4
                                    

Grrr... Arf... Arf....

Unti unti naalinpungatan si Rick dahil sa ingay na narinig niya. Pagdilat niya ay may nakita siyang mga puting wolfs sa baba. Ang isa sa kanila ay sinusubukan siyang abutin sa pamamagitan ng pagtalon ng mataas ngunit hinde siya maabot nito dahil napakataas niya. May dalawa ding wolfs na nakaabang din si baba.

Appraisal

Cotton Wolf (high aggressive)
Level 9
HP 190/190
SP 190/190

ATK 19

Nilabas ni Rick ang kanyang sandata na Sword of Manliness. Pagtalon ng isang wolf ay agad niya ginilitan ito sa leeg. Bumagsak ang wolf at unti unti nababawasan ang buhay nito dahil sa bleeding effect hanggang sa mamatay ito.

You level up!
Level 3 > Level 4

Awooo.......

Tumakbo ang isa sa wolf at tumalon papunta sa kanya. Nagulat si Rick dahil naabot siya nito. Tinusok ni Rick ang wolf sa dibdib. Nahulog si Rick mula sa taas ng puno kasama ang wolf. Hinagis ni Rick ang wolf at sinaksak ito sa ulo. Naubus ang HP nito at tuluyang bumagsak.

Awoo........

Tumakbo papunta sa kanya ang isang wolf. Nagulat si Rick dahil napakabilis nito.

Bite

Yun kaagad ang lumabas sa screen niya at pinansalag niya ang kanyang punyal. Nakagat ng wolf ang kanyang sandata. Nabali ang dalawang pangil ng wolf dahil sa tigas ng weapon niya. Sinipa agad ni Rick ang wolf at sinaksak ito dibdib. Bumagsak ang wolf at unti unti ito tumatayo. Tumutulo na ang dugo nito sa dibdib ngunit sinubukan pa din nito tumakbo papunta kay Rick. Nag side step agad si Rick at sinaksak ito sa batok at tuluyan na itong namatay.

You level up!
Level 4 > Level 5

You receive 1 skill point

Wow! Ganun pala makakuha ng skill point. So I every 5 levels nakakuha ako ng skill points.

Open skill list

Skill points: 1

Available skill

Appraisal (active)
Swordmanship (passive)

Unlearned skill

Fundamental in magic
Cost: 1

Alchemy
Cost: 1

Creation
Cost: 1

System upgrade
Cost: 1

So what should I learn? Kung gagamitin ko ba ulit ang skill points ko sa system upgrade sulit kaya ito? Pinindot ni Rick ang System upgrade.

Do you want to update System?
YES                 NO

Pinindot ni Rick ang yes.

Updating System please wait......
1%

Tinago ni Rick sa inventory ang mga bangkay ng mga wolfs. Tignan niya sa inventory kung anong option ang ibibigay sa kanya kung pipindotin niya ang bangkay nito.

Dismember

Ayun ang nakita niya kaya pinindot niya agad iyon.

Not enough level. Level requirement: Level 10

World of GwyndionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon