Chapter 19

1.1K 80 1
                                    

Nasa harap ng tarangkahan ng Kingdom Hestia sila Rick. Hinarang sila ng mga nakapulang armor na guard.

Bago lang kayo dito. Temporary in o permanent in?

Ano ho pinagkaiba nun?

Temporary in, isang buwan ka lang pwede mag stay dito pero libre ang pagpasok. Permanent syempre permanente pero kailangan mo mag bayad buwan buwan ng pera na katumbas na isang Gold. Ngaun lang kami pumapayag ng temporary in dahil piyesta ngaun.

Temporary in lang kami.

Mayroon ba kayong kahit anong valid ID?

Ha?

Kahit anong card basta galing sa Kingdom. Pinakita ni Rick ang mga cards nila sa guard.

Pumasok na kayo. Binuksan ng guard ang tarangkahan ng kingdom at pumasok na sila Rick. Masyadong maraming tao at ibang lahi sa loob.

Pinark nila ang sasakyan nila sa isang pribadong parking lot dahil hinde na talaga makapasok ang sasakyan nila. May bayad na isang Gold kada araw ang parking doon.

Suotin mo ito Ren. Inabot ni Rick ang isang pares ng bracelet at sinuot iyon ni Ren. Nang isuot ito ay bigla ito bumagsak.

Guro anu ito? Bakit ang bigat? Nakayuko si Ren dahil sa bigat ng kanyang sinuot.

Weight bracelet yan. Isusuot mo iyan hanggat hinde ko sinasabing tanggalin mo. Lumakad si Rick. Nakayuko naman maglakad si Ren.

Tumikas ka! Inistraight ni Ren ang kanyang katawan at naglalakad siyang parang penguin.

Nagikot sila Rick sa buong lugar. Sumubok ng mga bagong pagkain, bumili ng mga items na hinde nila alam at sumali sa mga palaro.

Alam mo ba Zell na ang kingdom na ito ay ikalima sa pinakamayamang kingdom. Dati ay isa sa pinakamahirap na Kingdom ito pero may dumating na babae na siyang nagligtas sa kanila sa kahirapan. Siya na ngaun ang Reyna ng lugar na ito. Tinawag din siyang God of Sword and Armory. Humawak kamay si Erich kay Rick.

Bakit naman siyang tinawag na God, Erich? Tumingin si Rick kay Erich.

Kaya niya kasi i-duplicate lahat ng klaseng sandata at equipment sa buong mundo. Katunayan may palaro sila dito at engrande ito dahil milyon ang premyo nito.

Magkano ba ang premyo at anong palaro ito?

400 milyon Gold coins ang premyo. Nabulunan si Rick sa kanyang narinig.

Ha? Teka ano ba ang palarong iyon?

Kailangan magpakita ka sa Reyna ng sandata o equipment na hinde niya kayang ma-duplicate. May fee ang pagsali, 1 milyon ang pagsali sa patimpalak. Maraming kingdom ang nagpapadala ng mga blacksmith nila rito upang sumali sa patimpalak pati mga bayan at nobles.

Hinde ba malaking kawalan sa kanila kung sakaling may makagawa nga nito?

Maliit na bagay lang iyon sa kanila Rick, bilyon ang kaban ng kingdom nila kaya barya lamang ito sa kanila. Napangiti si Rick sa kanyang narinig.

World of GwyndionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon