THE FOLLOWING STORIES WERE TAKEN FROM https://notaloneintheworld.wordpress.com/
THE DOPPELGANGER
Ito nangyari sa room namin. Kasama ko bumaba sa lobby si Len at si Gie. Ang naiwan na lang sa room ay si Yzelle at si Ruby na parehong paalis din. Bago sila umalis, nakita nila si Gie na nakaupo sa may table niya at nakatalikod sa kanila.
"Gie, alis muna kami." Eto ang nakakakilabot, nagtanong pa kung sino man yung nakatalikod na yun sa kanila (at nakatalikod pa rin siya) kung saan sila pupunta. Laking gulat na lang nila nang makita nila kami ni Gie at Len sa baba. At oo nga pala, may batang nagpakita sa mga dating nag-occupy ng room namin. Bigla siyang nagvanish into thin air...
EXTRA DORMER
Nangyari to dun sa katapat na room namin. Nagising ng madaling araw yung girl, na may feeling na may nagmamasid sa kanya. Pagdilat niya, una niyang nakita ay mukha ng babae na nakadungaw sa kanya (whatever, basta magkaharap mukha nila), except that walang mukha yung babae. All white. Sa shock, walang nagawa yung dormer. Pinanood na lang nya yung babae habang lumalabas ito ng room nila...hindi sa pinto, kundi sa bintana. Di na siya nakatulog pagkatapos noon kahit nagtalukbong siya ng kumot.
ANG REPLEKSYON SA SALAMIN
Matutulog na yung girl (from same corridor sa 2nd floor) nang maalala iya na di pa pala siya naghihilamos. The time was around 3am, pero di naman siya naniniwala sa multo dati so ok *** sa kanyang magsolo sa cr. Naghilamos nga siya mag-isa. Nang tumingin siya sa salamin habang sinasabon ang mukha, nakita niya...nakangiti ang reflection niya sa kanya. Takbo siya sa room nila nang me sabon pa ang mukha. Mineral water na lang ang pinambanlaw niya. Siyempre di ko malilimutang sabihin na during the witching hour (3-4am), may naririnig kaming nagdadrag ng furniture...rinig sa 2nd floor till basement...
BINABASA MO ANG
UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost Stories
Mystery / ThrillerANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS. ILAN SA MGA ITO AY HANGO SA TUNAY NA KARANASAN NG MISMONG MGA KAIBIGAN NAMIN NA DATING NAGING BAHAGI NG U...