ANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS.
ILAN SA MGA ITO AY HANGO SA TUNAY NA KARANASAN NG MISMONG MGA KAIBIGAN NAMIN NA DATING NAGING BAHAGI NG U...
MAY KASAYSAYAN RIN ANG UPD DORMITORIES NA MGA ESTUDYANTENG KINITIL ANG SARILING BUHAY SA PAMAMAGITAN NG PAGLALASLAS. DAHIL DESIDIDO ITONG KITLIN ANG BUHAY, NAGTAGO SIYA SA LOOB NG DORM CABINET UPANG WALANG IBANG KAPWA NIYA ESTUDYANTE NA MAKASAGIP SA KANYA. NOONG MGA PANAHONG IYON, MAY KALAKIHAN PA ANG MGA DORM CABINET KAYA NAGKAKASYA ANG ISANG TAO DOON NANG NAKATAYO. NATAGPUAN NA LANG ANG KANYANG BANGKAY ILANG ARAW MAKARAANG UMALINGASAW ANG NABUBULOK NA AMOY NITO. ANG HULING KWENTO BASE SA MGA NAKAKITA, NILINISAN AT DINIS-INFECT NA LANG DAW ANG CABINET AT HINDI NA ITO PINALITAN.
AYON SA MGA DORMERS NA TUMIRA DOON SA SILID NA KUNG SAAN ANDUN ANG CABINET, MAY MGA NADIDINIG DAW SILANG BULONG, KATOK AT MGA KALUSKOS NA NANGGAGALING MISMO SA LOOB NITO.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MAY ILAN PANG KWENTO NA KARANIWANG NADIDINIG ANG MGA BULONG NA NAGSASABING
"Sama ka na sa akin. Para masaya tayo."
"Pakamatay ka na rin, para may kasama ako."
"Sige na pumasok ka na dito. Masaya dito."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UNFORTUNATELY, HINDI KO NA MATANDAAN KUNG SAAN AT ANONG MALE DORM MATATAGPUAN ANG SINASABING DEATH CABINET. ANG BALITA KO NA LANG, HINDI NA GINAGAMIT ANG CABINET NA IYON NG KAHIT SINONG NA-ASSIGN SA ROOM NA IYON.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.