ANG INGAY SA LOOB NG ABELARDO MUSIC HALL

556 4 0
                                    


HINDI RIN MAWARI NG ISANG SECURITY GUARD KUNG BAKIT SA TUWING SIYA ANG MAGDUDUTY AT IIKOT SA ABELARDO MUSIC HALL AY MAY NADIDINIG SIYANG NAGPAPATUNOG NG PIANO - SA KALALIMAN NG GABI. BUONG TAPANG DAW NIYANG PINASOK ANG MUSIC HALL AT SA TUWING ITINATAPAT NYA ANG ILAW NG FLASHLIGHT SA PIANONG PINANGGAGALINGAN NG TUNOG AY TUMITIGIL DAW ITO. 


MAKAILANG GABI PA AT DAHIL SA PAULIT-ULIT NA KAGANAPAN AY TILA NAUBUSAN SYA NG PASENSYA. ISANG MADALING ARAW, NG AKTONG TUMUTUNOG ANG MULI ANG PIANO, SINIPA NIYA ANG PINTUAN NG MUSIC HALL SA PAGBABAKA-SAKALING MAHULI NA NITO NANG TULUYANG ANG KUNG SINUMANG NANTITRIP SA KANYA, LAKING GULAT NYA SAPAGKAT WALA TALAGANG TAO DOON. 

TINITIGAN NIAYNG MABUTI ANG PIANO AT NANGHILAKBOT SIYA NANG MAKITA ANG PAGTAKBO NG ISANG ANINO NG BATANG BABAE SA KADILIMAN.


UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon