ANG WHITE LADY SA EDUC BUILDING

1K 12 0
                                    


THE FOLLOWING STORY WAS TAKEN FROM https://notaloneintheworld.wordpress.com/


Si Manong Militar, naisipang mag-short cut through UP Diliman galing Philcoa, papuntang Katipunan. At dahil ngayon lang nya ginawa yun, talagang tinumbok nya ang campus para lang lumabas ng Katipunan.


Di na lang dumaan sa Krus na Ligas. Talagang sa gilid pa ng Educ dumaan.Madilim pa noon ang mga daan. Kakaunti pa lang ang street lights at wala pa ang mga checkpoints sa entrances ng UPD. Ok lang naman si manong militar, feel na feel ang pag-drive sa kanyang owner-type jeep na may camouflage pang pintura, window flaps at tabing sa driver's side. Matapang si manong e, nakasakbit pa ang baril nya at may katabi pa syang shotgun.


Noong palapit na sya sa Educ, nakita na nya ang babaeng nakaputi na kumakaway sa kanya. Mabilis at magaslaw ang pagpara nito, parang nagmamadali. Problema lang ay tinaasan ng balahibo si Manong Militar dahil mukhang white lady talaga yung pumapara sa kanya – mahabang, nakalugay na buhok na nakatabing sa mukha, puting damit na mahaba pa ang sleeves...


Binilisan ni Manong Militar ang takbo ng owner jeep nya.Malapit na sa kanto ng Educ at Palma Hall Annex si kuya ng biglang tumakbo na parang haharang ang long-haired girl sa dadaanan nyang main road. Liko bigla si Kuya at doon na lang pumihit sa ngayon ay one-way nang daanan (noon kasi two-way pa sya) sa gitna ng Educ at ang katabi nyang building.


Paglikong-pagliko ni Kuya humarurot na sya ng takbo sa kanyang owner jeep, humihingal sa takot pero grabe pa rin ang luwag ng dibdib dahil di sya naharang ng babeng nakaputi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglikong-pagliko ni Kuya humarurot na sya ng takbo sa kanyang owner jeep, humihingal sa takot pero grabe pa rin ang luwag ng dibdib dahil di sya naharang ng babeng nakaputi.Hanggang napatingin sya sa kaliwang braso nya...


MAY NAKAHAWAK NA KAMAY SA KANYA! At halos buong braso nito na may long sleeves na puti ay nakapasok sa loob ng owner jeep nya. At may sumisigaw na babae pa sa likod ng tabing nyang camouflage, driver's side.


Hindi na nakuha ni Manong Militar na silipin ang nasa likod ng tabing. Nakisabay na ng hiyaw si kuya, sabay pilit ipagpag ang brasong nakakapit sa kanya. At syempre dahil sa takot, lalo nyang inapakan ang accelerator....


Pero di pa rin bumitiw ang maputlang kamay. O timigil ang matinis na pagsigaw ng boses.Nang nakarating na sya sa may kanto ng ngayon ay daang Carlos P. Garcia at Katipunan, saka lang bumitaw ang kamay at humulagpos palabas. Nawala na rin ang pagsigaw. Sa takot ni Kuya sa mga nangyari, ilang minuto lang daw at nakarating na sya sa kanyang bahay. Ginawang race car ang kawawang owner jeep.


Ang petsa at oras nang nangyari ito ay October 31, 12 midnight to 12:30am. Maaaring pinapaalala lang ng nagparamdam sa kanya na totoo ang Halloween.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon