HAUNTED PORTRAIT OF BENITEZ HALL

772 8 1
                                    


ANG BENITEZ HALL ANG SIYANG TAHANAN NG COLLEGE OF EDUCATION. ITO RIN ANG PINAKAMATANDANG GUSALI SA UPD, DAHILAN UPANG MABIGYAN ITO NG TITULO NA "MOST HAUNTED PLACE INSIDE UPD".


KILALA ANG NATURANG LUGAR DAHIL SA PORTRAIT NG ISANG NAMAYAPANG DEAN NG UNIBERSIDAD. SABI SA KWENTO, INIHALO UMANO NG PAINTER ANG ABO NG NATURANG YUMAONG DEAN ANG SA MGA PINTURANG GINAMIT SA PAGBUO NG PORTRAIT. ANIMO'Y ISINUMPA, KADA GABI AY LUMALABAS MULA SA PAINTING ANG DATING DEAN UPANG UMIKOT SA BULWAGAN AT SINASABING MAY PRESENSYA RIN UMANO SIYA NA TILA NAG-O-OBSERVE PA SA MGA PRACTICE LECTURES NG MGA WOULD-BE-TEACHERS.


MAY KARANASAN DIN ANG ISANG BAGITONG LADY GUARD SA NATURANG HAUNTED PORTRAIT. NANG MINSANG MAGAWI SA BENITEZ HALL, NAPANSIN NIYANG TILA NAKATAGILID DAW ANG PAINTING KUNG KAYA'T INAYOS NYA IYON. BAGO SIYA MAKALAYO SA HALL AY BIGLA RAW ITONG NAHULOG AT NANG AKMANG PUPULUTIN NITO ULIT AY NAPANSIN NYANG WALA NA ANG NAKAPINTA DOON - NAGING BLANGKONG CANVASS KUMBAGA. NAPATAKBO PALABAS ANG BAGITONG LADY GUARD AT HALOS HINDI DAW MAPATAHAN NG MGA KASAMANG LALAKING GWARDYA SA PAGHAGULGOL SA BARACKS. KINABUKASAN HINDI NA DAW PUMASOK ANG LADY GUARD.


MAY KWENTONG KATATAKUTAN RIN ANG DALAWANG INSTRUCTORS NA NOO'Y NA-STANDED DAHIL SA LAKAS NG ULAN. PINILI MUNA NILANG MANATILI AT MAGPATILA SA COLLEGE OF EDUC. NAKIUSAP NAMAN DAW SILA SA CARETAKER NA HAYAAN SILA DOON AT SIYANG GINAWA NAMAN NG UNA. SA GITNA NG KANILANG PAGHIHINTAY AT MALAKAS NA ULAN, NAKADINIG DAW SILA NG MALAKAS NA KATOK SA PINTUAN. DAHIL INAKALANG ANG CARETAKER IYON KUNG KAYA'T SINILIP MUNA DIN NILA SA MALIIT NA PEEPHOLE NG PINTO. 


WALA NAMAN SILANG NAKITA KUNDI KULAY PULA. ILANG MINUTO PA AY DUMATING ANG CARETAKER UPANG KUMUSTAHIN ANG DALAWANG INSTRUCTOR. NAKIPAGKWENTUHAN NANG SAGLIT ITO AT SA HINDI NAMAN HINIHINGING PAGKAKATAON AY NABANGGIT NIYA ANG TUNGKOL SA GUMAGALANG MULTO SA COLLEGE NA MAY PULANG MATA. 

NAGHINTAKUTAN ANG DALAWANG INSTRUCTORS AT NAPAUWI SILA KAHIT HINDI PA TUMITILA ANG ULAN.


🎉 Tapos mo nang basahin ang UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost Stories 🎉
UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon