MAY ISANG AUDIENCE NA PURING PURI ANG ITINANGHAL NA DRAMA SA THEATRE ARTS BUILDING. DAHIL SA NAGING INSTANT FAN, NILAPITAN NIYA ANG DIREKTOR NG NASABING DRAMA UPANG PERSONAL NA IPAABOT ANG KANYANG PAGHANGA SA KABUUAN NG PRODUKSYON. HALOS LAHAT NG ASPETO NG DRAMA NA KANYANG NAPANOOD, MAGMULA SA MGA AKTOR, MUSIC, SOUND EFFECTS, BLOCKING AT IBA PA AY PERFECT SCORE DAW ANG KANYANG IBIBIGAY KUNG SAKALING ISA ITONG KOMPETISYON AT SIYA ANG HURADO.
PINASALAMATAN NAMAN NG DIREKTOR ANG NATANGGAP NA UNSOLICITED COMPLIMENT MULA SA NATURANG LALAKENG AUDIENCE SUBALIT MARIING INAMIN NG DIREKTOR NA WALA SILANG GINAMIT NA ANUMANG SOUND EFFECTS MAGING ANG BINANGGIT NG AUDIENCE NA ITO PATUNGKOL SA MGA TAONG UMIIYAK NA PARANG NANGGAGALING SA BACKSTAGE.
DAGDAG PA NG LALAKE, ILANG BESES DAW NYANG NADINIG ANG MGA BOSES AT IYAKANG IYON SA ILANG EKSENA AT LAPAT NA LAPAT DAW ANG MGA ITO. PINANOOD DAW NG DIREKTOR ANG RECORDED VIDEO NG BUONG PLAY AT NANGILABOT SIYA SAPAGKAT TOTOO ANG CLAIM NG TIGAHANGANG AUDIENCE.

BINABASA MO ANG
UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost Stories
Mystery / ThrillerANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS. ILAN SA MGA ITO AY HANGO SA TUNAY NA KARANASAN NG MISMONG MGA KAIBIGAN NAMIN NA DATING NAGING BAHAGI NG U...