UP-IKOT JEEP PASSENGERS

2.1K 27 1
                                    


ISA ITO SA MGA UMIKOT NA KWENTONG KABABALAGHAN NOONG NAG-AARAL PA AKO SA UP DILIMAN. 

MAY ISANG ESTUDYANTENG LALAKE DAW ANG SUMABIT SA JEEP NUNG GABING IYON SAPAGKAT PUNO NA ANG JEEP NA KANYANG NAPARA. ILANG MINUTO PA, TINANONG NG DRIVER ANG NATURANG ESTUDYANTE KUNG BAKIT NAKASABIT SYA AT AYAW NYANG UMUPO. 

SASAGOT NA SANA ANG LALAKE SUBALIT NAPATIGIL SYANG BIGLA NANG MAKITANG WALA PALANG NAKASAKAY SA JEEP - BAKANTE ANG SASAKYAN.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


THE FOLLOWING STORY WAS TAKEN FROM https://notaloneintheworld.wordpress.com/

IKOT JEEP INCIDENT #1

Nag-iisa na lang yung girl sa jeep nung pauwi na siya sa dorm ng 9pm. Nagulat siya ng biglang nag-iba yung direction ng jeep, di na nito sinusunod yung route nito.

Pakiusap siya: "Manong, bababa po ako sa ***** dorm," pero di siya pinansin ng driver. Nang bumalik ito sa ikot route, nakiusap ulit yung girl. 

So pinababa nga siya sa may dorm, pero bago siya bumaba sinabihan siya ng driver: 

"Ineng, pag-uwi mo hubarin mo agad iyang mga damit mo at kung pwede sunugin mo agad. Iniba ko yung ruta para makaiwas sa disgrasya. Kanina kasi pagtingin ko sa salamin, wala kang ulo."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon