HALLOWEEN PARTY SA TEACHER'S VILLAGE

1K 10 4
                                    


THE FOLLOWING STORY WAS TAKEN FROM https://notaloneintheworld.wordpress.com/


Halloween costume party ang peg dito sa may Teacher's Village. Malapit lang ito sa UPD, by the way. Walking distance pa nga ang Krus na Ligas, kaya maraming naka-attend. Ok lang naman kasi malaki naman yung bahay. Luma man ito, sobrang lawak naman ng sala. May pagka-Spanish kasi ang dating. Kasi nga naman nung kapanahunan ng ating lolo't lola, ang sala ay originally meant na latagan ng maraming banig para tulugan ng lahat ng miembro ng pamilya pagtuntong ng gabi o kaya para pagdausan ng ballroom party which normally includes ang buong baranggay.


Well, tonight nagkasya sa sala ang lahat ng frat boy friends, ang kanilang mga sorority counterparts and their respective boyfriends and girlfriends. Well, di naman lahat – kasi si Danny (di tunay na pangalan) ay kaka-break up lang sa kanyang gf. Dahil dito, fast track ang kanyang pag-inom at naghahabol sa mga bebot na nakikita nya sa party.


Maya-maya, nakaupo na sa isa sa mga malalaking sofa na narra ang mokong at kinakausap na ang sarili. Pinabayan na lang nila ito kesa naman manggulo sa ibang mga party goers.O sige, tuloy ang party-party!


Mga bandang ala-una na ng lumapit ang Danny sa may-ari ng bahay (na best friend din nya by the way), "Ben (di tunay na pangalan), may bebot akong kanina pa kausap. Halatang patay-patay sa akin kaya pwede bang makigamit ng kahit isang kwarto lang ninyo para maka *ahem* naman ako sa kanya... sige na...?"


Tinginan ang mga frat boys na kasama ni Ben at si Ben naman ay napakamot ng ulo. "Uhm... sige... dun na lang kayo sa extra bedroom sa taas. Yung madalas mong tulugan kapag nandito ka..."


"Yup, 'lam ko na yun," medyo pasuray na sagot ni Danny. Bumalik sya sa upuan na narra at akmang may "inakbayan" sabay sabi nang, "Halika na sa taas babes..."


Pinanood nilang umakyat ang "nag-iilusyon" na si Danny sa second floor. Iba sa kanila'y napailing na lang. Iba naman ay naawa. Ang iba naman ay sobrang may amats na, sinundan nila ang mokong at tumambay sa may pintuan na pinasukan ni Danny. Mga 15 minutes lang nagsibabaan ang mga ito na tawa ng tawa.


"Pare, tulog na hubo't hubad ang Danny. Pinasok namin pagkatapos nyang mag-ingay ng mag-isa dun sa kwarto. Feeling nya talaga may "ka-romansa" sya! MWAHAHA!!!"


Sabat si Ben, "Hoy! Tigilan nyo yan ha. Kaka-break na nga nung tao tapos ganyan pa kayo. Mag-party na lang tayo. Or kung ipipilit nyo yan, umuwi na lang kayo! Ano mas gusto nyo ha?!"


"Sige na nga Boss Ben. Kaw naman ang killjoy mo. Sige, PARTY NAAAAAAAAHHHH!!!"


Nagsiuwian ang lahat bandang alas-kuwatro na. Ang natira lang sa bahay ay si Danny, na sanay nang makitulog kila Ben. Syempre, nang nagising na ito at nawala na ang hang-over, nagkwentuhan na sila ni Danny.


"Pare ang lakas ng amats mo kagabi ha! Sabi mo sa akin may kinakausap kang babae? At naghanap ka pa ng kwarto na magagamit mo ha! Tindi mo talaga!"


Napatunganga ang Danny kay Ben. "Hoy, totoong may kausap akong babae kagabi ha. Kahalikan ko pa nga e. Yun nga lang bigla nya akong iniwanan nung naghuhubad na ako.""Hah?! E wala ka namang kasama na umakyat sa kwarto at wala ring lumabas dun nung nagkakaigihan na kayo. Sumunod kasi sayo yung iba nating kasama at nakinig sa may pintuan. Plastado ka na daw matapos ng mga 10-15 minutes."


"Swear pare! May kasama talaga ako! Mamatay man ang nanay ko! Promise talaga!""Hoy, wag ka nang magsalita ng ganyan. Ang sama mo! Sige na, bahala ka pero wala talaga akong nakitang kasama mo kagabi!"


======================


One week later, nakitulog uli si Danny kila Ben.


"Ben, nakita ko na naman yung girl sa kusina nyo. Di na nya ako kinausap. Bigla na lang umalis."


"Hah? Saan ba banda mo sya nakita?"


Tinuro ni Ben ang lugar. "Dito sya pumunta o!" Sabay turo sa isang maliit na pinto sa tabi ng kusina.


"Pare, wag kang ganyan ha! Kinikilabutan ako sayo!"


"Hindi nga pare! Bakit ano bang nandyan sa kwarto na yan?"


"Bodega na yan ngayon, pero parang may sumpa ang kung sinong magkwa-kwarto dyan. Dito daw namatay ang lola ko sa tuhod dahil sa panganganak. Tapos meron din akong auntie na namatay dyan nung 18 years old sya. Nilagnat daw tapos namatay na lang after a few days. Tapos may katulong din daw na nagbigti dyan kasi iniwang buntis ng driver nila Mommy. Basta, andami nilang namatay dyan at puro babae. Teka, ano bang itsura nung girl na sinama mo sa taas."


Nanginginig ang boses ni Danny, "Mahaba at medyo wavy na itim na itim ang buhok nya, maputi, tsinita, mahaba pilik-mata, hanggang balikat ko ang taas nya, at pangalan daw nya Mercy."


Napamulagat si Ben sa sinabi ng kaibigan, 


"YAAAAAAAK! Pare, nakipag-make out ka sa auntie ko! Kadiri ka! Triple edad nun sayo sa ngayon! Tapos dinala mo pa sa bedroom sa taas! POTEK!!! ANG TAGAL NANG PATAY NUN! YUUUUUCK!!!"


UP DILIMAN GHOST STORIES || True Campus Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon