TATLONG linggo ang lumipas pagkatapos ng birthday party ni Hannah ay ganun pa rin. Nasa klase niya si Jude nang mga oras na 'yun. Natapos ang isang subject nila. Nagsilabas ang ilang mga kaklase niya pero naiwan siya sa loob upang mag-aral. Binabasa niya ang mga lecture notes niya nang umupo sa tabi niya si Andrew.
"Nag-aaral ka Jude?", tanong ni Andrew.
"Ay hindi! Nagbabasa!", pilosopong sabi ni Jude na nagpatawa kay Andrew.
"Ikaw talaga Jude. Tatalino ka ng husto niyan. Sige na nga mag-aral na nga rin ako.", sabi ni Andrew.
Ngumiti si Jude sa sinabi ni Andrew. Tumayo ang lalake at nagtungo sa desk nito para kuhanin sa kanyang bag ang mga gamit nito. Muli siyang tumabi kay Jude pagkatapos no'n.
"Okay lang ba sa'yo Jude kung tatabi ako sa'yo para mag-aral?", si Andrew.
"Okay lang. Sure. Ba't tinatanong mo pa.", si Jude.
Nagsimulang mag-aral ang dalawa. Tahimik lamang sila na nag-aaral. Hanggang sa dumating sina Rafael at Lenlen galing canteen.
"Uy, silang dalawa lang ang naiwan dito sa classroom.", si Lenlen.
"At tsaka sabay pang nag-aral ang dalawa oh.", si Rafael.
Natawa si Jude.
"Ang kikitid pala ng mga utak niyo.", sabi ni Jude.
"Hayaan mo na Jude.", si Andrew.
"Uy!! Kinikilig naman ako sa inyo!", si Lenlen.
"Nag-aaral lang kami dito tapos kinilig ka na agad?", sabi ni Jude.
"Ano ba 'yang pinag-aaralan niyo?", naitanong ni Rafael.
"Economics, Raf.", sabi ni Andrew.
"Ganun ba? Hala sige. Mag-aral na rin tayo.", si Rafael.
Pati sina Lenlen at Rafael ay nahawa sa kanilang dalawa.
PAUWI na sina Jude at Andrew nang biglang harangin sila ng grupo ng mga kalalakihan na ikinagulat naman nilang dalawa.
"Sino kayo?", tanong ni Andrew.
"Hindi na kailangang malaman mo kung sino kami! Basta ang importante ngayon ay bugbog ka sa'min Andrew.", sabi ng isang miyembro.
Biglang kinabahan ang dalawa ngunit kinontrol ni Jude ang kaba upang maging matapang.
"At ano naman ang kasalanan ng kaibigan ko?", matapang na sabi ni Jude.
"'Wag kang makialam dito, Jude!
"Teka", parang pamilyar kay Jude ang isang lalake. "Nakita na kita ah. Ikaw si Mark Humperson 'di ba? Hoy! Anong kasalanan ng kaibigan ko sa'yo!", galit na si Jude.
"Walang makakaagaw sa'kin kay Hannah. Akin lang siya!", si Mark.
"Eh di sa'yo na! Kainin mo nang mabusog ka!", galit na si Jude.
"Wag na 'wag mo akong ginagalit bakla!"
"Anong bakla! Gusto mong baklain ko'yang mukha mo! Hoy! Mark, wala kang karapatang saktan ang kaibigan ko! Magkamatayan na tayo! Akala mo ba takot ako sa'yo! Kung ayaw mong mabura ang pagmumukha mo kasama ng mga pangit mong kasama, get out of our way! Alis! Uuwi na kami!", talagang matapang si Jude.
"Aba talagang ginagalit mo ako!"
Akmang susugurin na nila nang biglang kunin ni Jude mula sa kanyang bag ang kanyang arnis stick. Binigay 'yun ni Rafael sa kanya noong Third Year High School pa lamang sila. Pinaghahampas ni Jude ang mga masamang tao pati na rin si Mark. Buti at hindi nila nagalaw si Andrew at nagsitakbuhan ang mga abnormal.
![](https://img.wattpad.com/cover/18249657-288-k916886.jpg)
BINABASA MO ANG
One Friend (Boys Love Series)
Tiểu Thuyết ChungMatagal nang magkaibigan sina Jude at Andrew. Halos araw-araw ay magkakasama ang dalawa. Subalit isang lihim ang kailanman ay hindi magawa ni Jude na sabihin kay Andrew, na iniibig niya ang kaibigan. Subalit labis ang pagsisisi ni Jude nang mamatay...