GRADUATION na nilang dalawa. Nauna ang graduation ni Andrew at nandoon naman si Jude at ang pamilya pa ni Andrew.
“Andrew Guillen Escarlan, Top Performing Student of the year”, tinawag siya upang umakyat sa stage.
Palakpakan sa tuwa si Jude at ang pamilya ni Andrew.
Natapos ang seremonya ng lima’t kalahating oras. Nagsaya naman sila. Masaya si Andrew dahil nadoon ang pamilya niya at si Jude. Isang linggo ang lumipas at Graduation naman ni Jude. Siyempre, hindi naman mawawala si Andrew doon. Grumadweyt si Jude bilang 1st Honorable Mention sa Elementary. Marami pa siyang award na natanggap. Masaya si Andrew para sa kanya.
“Judelo Tuazon Miranda, 1st Honorable Mention.”, tinawag na siya upang umakyat sa stage.
Masayang-masaya si Andrew para sa kanya. Nagtapos ang seremonya ng limang oras.
“Jude, you’re the best ever. Ang talino mo talaga.”, si Andrew.
“Salamat.”
Nagsidatingan naman ang iba pa nilang mga kaibigan.
“Congratulations Jude! Wooh!!”, bati sa kanya ng mga kaibigan nila.
“Thank you”, puno ng pasasalamat si Jude.
Pagkatapos noon ay isang maliit na salu-salo ang pinahanda ni Jude. Masayang salu-salo ang naganap sa bahay niya.
“Sige kumain lang kayo.”, si Jude.
Nagtungo naman siya sa lanai. Nakatayo lamang siya doon. Naalala niya ang mommy niya. Kumusta na kaya ito sa London? Nakakakain ba ito ng tatlong beses sa isang araw? Nakakatulog ba ito ng walong oras? Masaya kaya ito doon? Kung anu-ano ang nasa isip ni Jude noon. Miss na niya ang mommy niya. Hindi ito nakadalo sa Graduation niya upang isabit ang kanyang medalya. Bumuntong siya ng malalim na hininga. Napansin naman siya ni Andrew. Pinuntahan niya ang kaibigan.
“Jude, okay ka lang? Ba’t nag-iisa ka dito sa lanai? May problema ba?”, si Andrew na nag-aalala para sa kanyang kaibigan.
Bumuntong muli ng hininga si Jude saka nagsalita.
“Nami-miss ko lang ang mommy ko. Kumusta na kaya siya?”, si Jude na may pangungulila sa tinig.
Inakbayan ni Andrew si Jude. Alam niyang malungkot ito ngayon. Ayaw naman niyang maging malungkot ang kaibigan sa araw ng pagtatapos nito.
“It’s okay Jude. Nandito naman kami. Nandito naman ako. Mahal ka naman namin lalo na ako.”, pangiting sabi ni Andrew.
Napangiti naman si Jude in relief. Bumuntong siya muli ng hininga.
“Okay. Thanks Andrew. Pinagaan mo ang loob ko.”, sabi ni Jude.
“Halika na. Ikaw pa naman ang nagpahanda ng mga ito. Hayaan mo at darating na ‘yung iba pang mga pagkain na pinag-ipunan namin para sa Graduation natin.”, ani Andrew.
Pinasaya naman si Jude ng mga kaibigan nila.
“Daig ko pa ang may birthday.”, si Jude.
At natawa ang lahat.
SINULIT ng mag-bestfriend ang kanilang Summer Vacation noon. At dahil nga pre-teens pa sila kung tawagin ay naglalaro pa rin sila ng ilang mga pambatang laro tulad ng tumbang preso at iba pa. Enjoy na enjoy sila dahil nga bakasyon na. Naghahanda na rin sila para sa kanilang panibagong buhay sa high school. Tapos na rin sila sa elementary at naniniwala silang may mga pagbabago ring magaganap sa pagtutungtong nila ng high school. Nasa isang duyan sina Jude at Andrew at magkatabi. Nag-uusap sila no’ng mga panahong ‘yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/18249657-288-k916886.jpg)
BINABASA MO ANG
One Friend (Boys Love Series)
Fiction généraleMatagal nang magkaibigan sina Jude at Andrew. Halos araw-araw ay magkakasama ang dalawa. Subalit isang lihim ang kailanman ay hindi magawa ni Jude na sabihin kay Andrew, na iniibig niya ang kaibigan. Subalit labis ang pagsisisi ni Jude nang mamatay...