MAG-ISANG nagpunta ng library si Jude at mag-aaral siya doon. Kailangan pa niyang pag-aralan ang ibang subjects. Sinasanay na niya ang kanyang sarili na wala si Stephen. Para yatang unti-unti nang lumalayo sa kanya ang matalik na kaibigan. Ayaw man niyang isipin pero nasasaktan talaga siya sa tuwing magkasama sila ni Cheska. Pero anong magagawa niya? Si Cheska ang girlfriend eh siya ay isang hamak lamang na bestfriend. Alam niyang mas mahal ni Stephen si Cheska kesa sa kanya. Napag-isip-isip din niya na 'yung mga paglalambing sa kanya ni Stephen noon ay gawa lamang 'yun ng awa ng lalake sa kanya dahil sa kanyang mga pinagdadaanan noong mga panahong nakakulong siya sa masakit na alaalang iniwan sa kanya ni Andrew nang mamatay ito. Siguro'y naawa lang si Stephen sa kanya. Noong una ay halos kulang na lang ay patayin siya ni Stephen dahil sobrang ayaw ng lalake sa kanya noon. Galit na galit nga siya kay Stephen noon dahil para sa kanya, si Stephen na ang pinakabastos na tao sa buong kalawakan. Pero nang maging kaibigan niya ito ay tila nagbago ang pananaw niya sa lalake. Ibang-iba sa Stephen na kinasusuklaman niya noon. Hindi na muna nag-isip si Jude ng mga ganun. Ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang gagawing pag-aaral.
SAMANTALANG gagawin naman ni Cheska ang kanyang masamang plano. Palalabasin niyang masama si Jude sa mata ng mga Clinical Instructors. Gagawa siya ng kwento na nangopya daw si Jude kanina sa exam which is not true. 'Yun lang kasi ang naisip niyang paraan upang siraan si Jude. Pupunta siya ngayon sa College Dean upang gawin ang kanyang masamang pinaplano. Nang makapasok na siya sa Faculty Office ay kumatok siya sa pintuan ng Dean's Office. Pumasok siya at kunwari'y bumati kay Dean De Silva.
"Good afternoon Dean.", bati ni Cheska.
"Good afternoon Miss Ramirez. What can I do for you?", binate naman siya ng Dean.
Umupo si Cheska sa harap ng Dean at nagsimula nang magsalita sa kanyang mga pagsisinungaling.
"Ahm, Dean, may sasabihin lang pala ako sa'yo. Tungkol kay Mr. Miranda.", ani Cheska na kunwari'y concern.
"Ano naman ang tungkol kay Mr. Miranda, Ms. Ramirez?", curious si Dean De Silva.
"I am just concern Dean, but I caught him cheating during the exam awhile ago.", simula na ng pagsisinungaling ni Cheska.
Nagulat ang Dean sa sinabi ni Cheska. Parang hindi siya makapaniwala. Tumaas ang kanang kilay ng Dean pero hindi ito nagpahalata kay Cheska.
"T-Totoo ba 'yang sinasabi mo, Ms.Ramirez?", may authority sa tinig ng Dean.
Medyo kinabahan si Cheska pero pinanindigan niya ang kanyang pagsisinungaling.
"T-Totoo po 'yan Dean. Nakita ko siyang nag-tsi-cheat kanina. L-Lumabas kasi 'yung C.I namin na si Ma'am Buendia para sagutin lang 'yung phone call niya tapos hayun, Jude grab the chance to cheat on his seatmate. Kahit naka-one seat apart kami ay nagawa pa rin niyang mangopya ng mga answers.", ani Cheska.
Bumuntong-hininga ang Dean.
"W-Well, if that so, I will call Mr. Miranda immediately after this. Sige, thank you Miss Ramirez for the information.", nasabi na lang ng Dean.
"Sige po Dean. Aalis na po ako.", si Cheska.
Tumayo siya at lumabas na ng Dean's Office. Nang makalabas na siya sa Faculty Office ay malademonyong siyang ngumisi. Talagang gagawin niya ang lahat, mawala lang sa landas niya si Jude.
"Siguro naman ay mawawala ka na sa landas ko Jude! Madi-discourage na rin si Stephen sa'yo at wala na akong kaagaw sa atensiyon ng boyfriend ko.", bulong ni Cheska at sinabayan niya ng malademonyong pagtawa.
NATAPOS na si Jude sa kanyang pag-aaral. Wala siyang kaalam-alam na siniraan na pala siya ni Cheska mismo sa Dean nila. Papunta na siya ng kanilang scheduled classroom nang salubungin siya ni Emmie.
BINABASA MO ANG
One Friend (Boys Love Series)
General FictionThis novel will tell us that friendship and love is not all about the gender. Hindi hadlang ang kasarian upang ika'y magmahal, mahalin, at bumuo ng pagkakaibigan. For as long as mabuti ang iyong kalooban at wala kang tinatapak-tapakang tao ay hindi...