Chapter Ten

1.3K 33 1
  • Dedicated kay Stephen King Roa
                                    

NASA loob na sila ng bahay. Namangha muli si Jude sa ganda ng loob ng bahay. Magara at pangmayaman talaga.

"Wow!", naibulong ni Jude sa sarili. Bigla siyang napangiti.

"Ay Stephen, nandito ka na pala. Aba'y sino 'yang kasama mo?", si Aling Mercing, ang butihing katulong.

"Ah siyanga pala Yaya Mercing, siya si Jude. Kaibigan ko.", pangiting sagot ni Stephen.

"Magandang araw po.", pormal na bati ni Jude at ngumiti.

"Hello po Sir Jude.", ngumiti si Aling Mercing.

"Naku po. Jude na lang po.", ngumiti si Jude.

"Ah, nasa'n po si Ate Kate, yaya?", tanong ni Stephen.

"Nasa itaas po."

"Sige salamat po."

Paakyat na sana sina Stephen at Jude sa itaas nang biglang tawagin muli ni Aling Mercing si Stephen.

"Ah, Stephen..?", si Aling Mercing sa tonong malungkot.

Napalingon si Stephen. Kinabahan naman si Aling Mercing.

"Bakit po, yaya?", si Stephen.

Nagdadalawang-isip si Aling Mercing kung sasabihin ba niya ang nais sabihin kay Stephen. Hindi naman niya masabi kay Kate dahil natatakot din siya lalo na si Stephen dahil baka sigawan siya nito.

"G-Gusto ko lang sanang....... Mag-cash advance..... May sakit po kasi ang...... anak ko. Nasa ospital po siya ngayon. May pneumonia siya ngayon.", nais nang umiyak ni Aling Mercing. Halu-halong emosyon ang nararamdaman nito. Takot at lungkot. Nalulungkot dahil sa sinapit ng anak nito at takot dahil baka pagalitan at sigawan siya ni Stephen. Kabisado kasi nito ang pag-uugali niya.

Nakaramdam naman ng awa si Jude sa matandang katulong. Tiningnan niya si Stephen. Mula kay Aling Mercing ay napatingin si Stephen kay Jude. Ngumiti si Stephen at nilapitan ang matandang katulong.

"'Wag po kayong mag-alala Yaya Mercing. Heto po.", inabutan ni Stephen ng malaking pera ang matandang katulong.

"Hindi po cash advance 'yan. Tulong ko po 'yan. Makukuha niyo pa rin ng buo ang sweldo niyo ngayong buwan. Kung gusto niyo taasan ko pa ang sahod niyo. At tsaka 'wag na po kayong mag-alala, sasagutin namin ang gasto sa ospital ng anak niyo, 'wag lang po kayong malungkot.", sabi ni Stephen at niyakap ang matandang katulong.

Napaiyak ang katulong. Hindi niya akalaing magiging ganoon kabait si Stephen. Nagbago na ito.

"Maraming salamat po. Maraming salamat po.", naiyak na si Aling Mercing.

"Bumisita na po kayo sa anak ninyo. Sabihin niyo lang po. 'Wag na po kayong umiyak.", ani Stephen at ngumiti.

Tumango-tango ang matandang katulong. Maya-maya lang ay umakyat na sina Stephen at Jude sa itaas at nadatnan nila doon si Kate.

"Oh, Stephen. Nandito ka na pala.", ani Kate at bumaling ang atensyon niya kay Jude.

"Siya na ba si Jude?", si Kate na ngumiti.

"Opo Ate. Siya po si Jude. Ah, Jude, si Ate Kate nga pala, kapatid ko.", pagpapakilala ni Stephen kay Jude.

Napangiti si Kate at nilapitan si Jude.

"Hello po. Magandang araw po sa inyo.", si Jude na medyo nahihiya pa.

"Ikaw pala si Jude. Ikinagagalak kong makilala ang bestfriend ng kapatid ko.", niyakap ni Kate si Jude.

Pagkatapos no'n ay nag-usap silang tatlo sa terasa. Iba-iba ang kanilang pinag-uusapan.

"Alam mo ate, matalino 'yang si Jude. Tinuturuan niya ako sa iilang mga mahihirap na mga subjects.", sabi ni Stephen.

One Friend (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon