Play the song: Bumuhos Man Ang Ulan By Jericho Rosales.
DUMATING na ang Araw ng Pagtatapos. Salutatorian si Jude at 2nd Honorable Mention naman si Andrew. Photographer of the Year naman si Rafael at Model of the Year naman si Lenlen.
“Andrew Guillen Escarlan, 2nd Honorable Mention”, tawag ng adviser nila sa entablado.
Ngumiti si Jude sa habang nakikita niyang sinasabitan ng medalya si Andrew at tumatanggap ng Diploma.
“Rafael Magtalas Gonzales, Photographer of the Year”, si Rafael naman ang tinawag maya’t maya.
Grabe ang palakpak ni Lenlen na nagpagulat kay Jude.
“Ay? Grabe Lenlen kung makapalakpak, wagas!”, ani Jude.
“Ang galing talaga ni Rafael.”, kinikilig na sabi ni Lenlen.
“Bakit Len, kayo na ba ni Rafael?”, tanong ni Jude.
“Hmm, hindi pa.”, kinikilig muli na sabi ni Lenlen.
Napakamot sa ulo si Jude.
“Helena Cristobal Guillen, Female Model of the Year”, tinawag na ang pangalan ni Lenlen.
“Len, ikaw na.”, si Jude.
Umakyat naman sa itaas ng entablado si Lenlen. Mga ilang classmates pa ang tinawag bago si Jude.
“Judelo Tuazon Miranda, Salutatorian, Feature Writer of the Year”, sa wakas at si Jude na ang tinawag.
Umakyat si Jude sa entablado at ang mommy mismo ni Andrew ang nagsabit sa kanyang medalya.
“Congratulations Jude.”, binati siya ni Aling Cora, mommy ni Andrew.
“Salamat po.”, ani Jude.
Naintindihan ni Jude na hindi talaga makakadalo ang kanyang mommy sa kanyang Graduation. Ang layo kaya ng London. He takes a bow saka bumaba ng entablado. Pagbalik niya sa kanyang pwesto ay sinalubong siya nina Andrew, Lenlen, at Rafael.
“Congrats Jude. Wooh! Ikaw na.”, sabi nila.
“Kayo na rin!” sabi ni Jude.
Umabot ang haba ng Graduation Ceremony ng mga anim na oras. Nang matapos ang Ceremony ay kanya-kanya nang hagis sa kanilang mga toga. Pagkatapos no’n ay picture taking naman. Abala ang mga kaklase ni Jude sa pagkuha ng kanilang mga litrato ni Andrew. Halos mapuno na ang Digital Camera niya ng mga litrato nila. Sa isang banda ay hinahanap ni Andrew si Hannah pero hindi niya ito makita. Napansin naman siya ni Jude.
“Andrew, bakit?”, tanong ni Jude.
“Hinahanap ko si Hannah.”
“Wala ba diyan?” Baka nandoon. Tara hanapin natin.”, si Jude.
Hinanap ng magkaibigan si Hannah. Si Jude ang unang nakakita sa kanya.
“Andrew, hayun.”, ani Jude.
Napangiti si Andrew nang makita na niya si Hannah.
“Hannah?”
“Andrew”, napangiti si Hannah.
“Pa-picture tayo?”, si Andrew.
“Sure.”.
Nakiusap si Andrew kay Jude na kunan silang dalawa ng litrato gamit ang kanyang digital camera. Pumayag naman siyempre si Jude. Habang ipino-pokus na niya ang kayang cam sa kanilang dalawa ay kumirot ang puso ni Jude. Pinigilan niya ang kirot na ‘yun at hindi nagpahalata. Kinunan niya ng iilang shots ang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/18249657-288-k916886.jpg)
BINABASA MO ANG
One Friend (Boys Love Series)
General FictionMatagal nang magkaibigan sina Jude at Andrew. Halos araw-araw ay magkakasama ang dalawa. Subalit isang lihim ang kailanman ay hindi magawa ni Jude na sabihin kay Andrew, na iniibig niya ang kaibigan. Subalit labis ang pagsisisi ni Jude nang mamatay...