"Uy Thaja! Nakita mo na ba yung bagong transferee?"Kumunot ang noo ko. "Transferree? Sino?" Curious sa kanyang sinabi. Lagi naman kasing may transferee sa school.
"Grade 9 student be! Super cute guy!"
Okay. Mabilis kong dinismissed yung curiosity ko. I know this girl for a year. Yes, mag classmate kami ni Roma since elementary at dahil laging dikit ang mga grades namin kaya lagi din kaming magkasama sa klase.
"Isusumbong kita sa Mama mo!" Banta ko.
"Kj mo naman."
"Kj? Grade 7 palang tayo."
"Tss. Bawal magkacrush?"
"Hala!" Nanlaki ang mata ko. "Crush mo na agad?"
"Ang cute kasi talaga niya, Thaja. Macucute-an kadin kapag nakita mo."
"Bawal pa ako sa ganyan."
"Luh. Advance mo naman mag isip. Jojowa-in mo ba agad?"
"Uy! Baka marinig ka ng mga kaklase natin. Alam mo naman.. na bawal ako sa ganyan."
"Ay oo nga pala. Strict ang parents mo kahit picture ni crush sa phone bawal."
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Alam niya ang ilang rules sa buhay ko. Bawal ako magkacrush. Aral-bahay lang ang magiging buhay highschool ko.
Hindi na muli naming pinag usapan ang cute guy na sinasabi niya. Malaki ang school namin at sa estado ko hindi talaga ako nakakakilala ng mga famous sa school. Nasa loob lang din kasi ako ng classroom namin palagi.
Kaya madalas akong nagwowonder kung bakit minsan kinikilig yung mga katabi ko o kaya nagbubungisngisan. Yun pala may mga nakakasalubong na kaming famous or heartthrob ng school.
Laging habol ang tingin ko sa kung saan. Naghahanap ng bagay na pwedeng makapagpabigay sa kanila ng ganoong reaksyon.
Alam naman ni Roma na bawal ako kaya hindi na sya nag aabala pang sabihin sakin. Nginingitian niya nalang ako. Tutuksuhin niya ako ng sobra kapag nalaman niyang curios na ako sa mga pinagkakaabalahan nila ng mga kaklase ko.
"Uy dumaan si Piro." Sambit ng kaklase ko habang dumadaan kami sa gitna nitong soccer field.
Hinabol ko ang tingin ng sinabi niyang lalaki.
"Uy si thaja. Curious na!"
Kumunot ang noo ko. "Piro ba ang pangalan nung cute guy na sinasabi mo?"
Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Ang dami kasing cute guy sa school kaya nakalimutan ko na kung sino ba sa kanila iyon."
Hay.
Nirequired kami na sumali sa kahit anong school clubs. Since grade 7 kami kailangan namin mainvolve sa mga extra curriculum kaya naman nahihirapan ako ngayon.
Ang competitive pa naman ng mga kaklase ko. Kailangan ko din humabol dahil mahirap mapag iwanan.
"Swimming's club ka nalang." Kinikilig na sambit ni Roma. Isang hapon sa aming classroom. Ito nanaman sya.
Umiling ako. I want something i can learn. I know how to swim.
"Andoon yung mga sikat na senior natin! By the way, yung prince ng grade 7 andoon din!"
Here we go again. May prince and princess silang tinatawag each year.
Ang dami din competition dito. Lahat ata ng subject meron.