Chapter 11 - Hit

6 0 0
                                    

"Ikaw naman thara!" Ani Romalyn habang binibigay sakin ang bola ng douched ball. Ito ang napili naming laruin ngayon P.E. Binigyan kami ng pagkakataon na maglibang.

Nasa gym kami ngayon at may apat na klase din ang nandito. Pare-pareho kaming naglalaro. Ang mga kaklase naman namin na iba nasa mga bench chair. Kanya kanya sila ng cheer sa amin.

"Whoo!! Go Thara!" Sigaw ni Liam.

Lalo tuloy ako kinabahan at panay ang tawag nila sa pangalan ko. Kami ang taya sa larong ito.

Inasinta ko ang isa kong kaklase pero hindi talaga sya ang target ko. Gagawin ko lang itong technique para maging komportable ang aking real target. Para hindi sya masyadong mag effort sa pag iwas.

Nag fake throw ako at mabilis na binato ito sa totoong target ko. Kaya naman nagsigawan sina romalyn ng tinamaan ko nga si Luisita sa tyan.

"Ang galing!!! Isa nalang!"

"Good throw Thara!" Sabay apir sakin ni Romalyn.

"Sorry Lui!" Sigaw ko sa kanya habang ume-exit at pumupunta na sa mga kaklase namin. She raise her thumbs up to me.

"Matinik tong si Zara kaya ingat lang tayo." Bulong sakin ni Romalyn.

Tumango ako at nakuha ko agad ang ibig nyang sabihin.

At tama nga si Romalyn. Matinik at mabilis nga itong si Zara kaya natalo kami at sila naman ngayon ang taya.

"Kinakabahan ako." Bulong ko kay Gina.

Tumawa sya. "Hindi naman yan masakit."

Tumango ako at pinaka titigan ang bola. Kahit hindi ako ang target. Kailangan ko maging alerto.

Tawa kami ng tawa. Ang saya pala kapag ikaw na ang babatuhin. Kanina nakakafrustrated ngayon ang gaan sa pakiramdam.

"Si Thara!" Sigaw naman ng mga kaklase ko.

"Hala!" Sabi ko at mas naging alerto pa.

"Ang husay mo pala umilag."

"Shhh. Eyes on the ball, Roma. Alin lang satin dalawa ang target."

At ganon nga ang nangyari. Ako nalang ang natira. Ngayon nawala na ang saya sa sistema ko dahil kabado naman ako ngayon. Sobra ang kaba ko!

Sa akin nakasalalay ang ikapapanalo namin.

"Huwag sa dibdib ah!" Sigaw ni Romalyn. Dahil doon sya tinamaan kanina. Bawal iyon pero hindi maiiwasan di mangyari lalo na sa ganitong laro.

Sobrang blunt talaga ng babaeng ito. Hindi man lang sya nahiya sa sinabi niya. Mas lalo tuloy ako kinabahan.

At sa sobrang kaba ko. Natalo tuloy kami. Ang hirap pala na nasa iyo ang atensyon ng lahat. Nakakapressured.

"Sorry." Untag ko sa kanila.

"Ayos lang yon!" Sagot ni Wyn sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lost StarboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon