Literally, nanigas ako. That's a simple statement pero hindi ako naging komportable sa tanong niya. Bigla kasi akong kinabahan. Yung puso ko biglang bumilis ang takbo.I was about to answer his question ng may biglaang tumawag sa kanya.
"Juan, ang bata pa nyan!" Palagay ko kakalse niya ito. Matatangkad din na katulad niya.
Bata pa naman talaga ako. E, ano naman?
"Uy, tigil tigilan mo nga mang hunt ng mga first year." Segunda pa ng isa.
Hunt? Napatingin ako kay Kuya Juan. Nakangisi lang sya habang nakatingin sa 2 lalaki.
"Tss. Hindi ako katulad niyo. She's a friend."
Tinawag niya akong friend. I mean, lagi kaming nag uusap sa club at minsan sabay umuwe pero hindi ko alam na magkaibigan na nga kami. Kaya nakakataba ng puso na tinawag niya akong ganon.
"Sus." Ani ng lalaki.
Umiling sya ng may ngiti sa labi. "She's a club member. Stop messing her mind. Baka kung ano isipin nito."
Wala akong iniisip ah!
"Wait lang. Don't listen to them." Aniya at pinuntahan niya ang mga kaklase o kaibigan.
Nakipagtawanan pa sya. Ang dami niya talagang kilala. Kanina ko pa nga din napapansin ang tingin ng mga babae sa kanya.
Well i can't blame them. Gwapo naman talaga sya. Napakagat ako sa labi. Ano ba tong iniisip ko.
Nakarecieved ako ng tawag kay Mama. Kaya kinabahan ako.
"Hello po, Ma?"
"Anak, otw na ako. Antayin mo nalang ako sa waiting shed."
"Ah, sige po. Ingat po kayo."
"Salamat. I hang up now."
Hindi na ako nakasagot dahil namatay na nga ito. Pagkababa ko ng phone papunta na sya ulit sakin.
"Tss. Mga baliw talaga iyon." Pailing iling pa sya. "They're my classmate. Gusto lang nila ako inisin."
He always like that. Kahit hindi naman sya tinatanong sasagutin niya parin ang posibleng tanong mo. Ngumiti lang ako ng tipid. "About nga pala sa sinasabi—"
My words cuts in the middle when a tall girl shouting his name.
"Juan!"
Napalingon si Kuya Juan doon. Itinikom ko ang aking bibig.
Super popular niya talaga. Ganito siguro lagi ang eksena tuwing naglalakad sya mag isa.
"Daffi! Uy bakit?" He sounds excited.
Ganito talaga sya makipag usap kahit kanino kaya hindi kailanman lalagyan ng kulay ang mga sinasabi at ginagawa niya. He is being friendly.
"Bukas sama ka samin. Manunuod kami ng Volleyball. Andoon si Emma yung crush mo!" She's energetic and beautiful. Sa itsura talaga ni Kuya.. magaganda talaga ang nagkakagusto sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/172963998-288-k579068.jpg)