Chapter 7 - Last

9 0 0
                                        


Sa Sobrang bilis ng mga pangyayari. 2nd grading na kami. Intramural is coming!

Well, to be honest excited ako para dito. Kami kasi ang tutugtog ng national anthem and our school hymn. It's an honor for me to do that. Kaya ngayon ito ang pinagtutuunan namin ng pansin.

"Thaja, you're too fast. Nauuna ka samin." Paalala sakin ni President Samuel.

Kung napapansin niyo puro lalaki ang member nito. Out of 33 members 11 lang kaming babae. Kaya bunsong bunso ako dito.

"Sorry, Pres." Paghingi ko ng paumanhin. Pangatlong bati na kasi niya ito sakin.

Napalunok ako. Hindi naman talaga ako magaling e. Marunong lang ako magtipa tipa. Kaya nahihirapan ako makipagsabayan. Sa tatlong buwan namin na nandito ako. I can say na marami na akong natutunan. Mula sa major to minor chords to family chords etc.

Pero hindi sapat ang tatlong buwan para ma-master ko iyon.

Pinagpawisan ako ng muling nagkamali ako. Maririnig mo naman talaga dahil iba ang key sa kanila.

"Sorry po ulit." Napayuko na ako ng tuluyan. Nakakahiya. Ako dahilan ng pagkakadelayed ng practice.

"It's okay, Thara." Encourage sakin ng kapwa ko grade 7.

"Pres. I guess we need a break." Ani ni Senior Juan. Napatingin ako sa kanya. I smiled a bit. Naramdaman niya sigurong nahihirapan na talaga ako.

"Sige. Milo maki-mentor si Thara. She having a hard time." Diretsang sambit ni President Samuel. Now i feel more embarrassed.

Napatingin ako sa kanila. Gusto ko tuloy maiyak. Nakakapressure na nakakahiya.

"Ako na, Pres." Senior Juan said.

Medyo nakaramdam ako ng kaginhawahan kasi sya ang titingin sakin.

Wait?

Hindi naman sya tumutugtog nito ah!

Tinabihan niya ako ng mabilis kahit wala pang confirmation kay President na sya ang pagtuturo sakin.

"Hey, Chill." Bulong nito habang inaayos ang sarili sa pagkakaupo.

Nakatingin lang ako sa kanya. Seryoso ba to?

Baka lalo lang ako mapagalitan nito!

"Seryoso ka ba?" Tanong ko.

He smiled. "Trust me." Then tiningnan niya ang keyboard at inayos na ang mga kamay para tumipa.

Unang bagsak palang ng mga daliri niya alam kong marunong nga sya nito.

"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Do the basic. Senior Milo will be there. Hindi ka naman pababayaan ng team. Disregard the other complicated keys. Kaya ka nauuna o nahuhuli kasi nalilito ka sa transition."

He is so talented! Akala ko yung paggigitara lang ang alam niya though he is already good on it.

Hindi ko naisaisip ang mga sinasabi niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang busy tumingin sa mga susunod na key.

"Are you even listening?" Aniya.

"O-opo!"

"Focus para makapag focus din ako." He said na medyo nakakunot ang noo.

"Hah?" Hindi ko kasi nakuha iyon.

"I said focus!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya at nakita niya yon. Nakitaan ko ng multong ngiti ang labi niya.

My Lost StarboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon