Chapter 3 - Sorry

26 0 0
                                    


Is that him?

O baka kahawig lang niya?

Ganon ba katapang yung pinainom sakin ni Cai to the point na may nakikita ako na dapat hindi ko makita.

Bumalik ako sa table namin para lamang kunin ang pursed ko baka kailangan ko lang mahimasmasan. Kaya mabuti pang lumabas muna ako ng bar na ito at sumagap ng sariwang hangin.

"Saan ang punta mo, Thara? Eto shots ka pa!" Ani ni Jag. Isa sa mga team ko.

Umiling agad ako. "Later. Labas lang ako saglit."

"Huh? Uuwe ka na ba? Nako, Thara.. baka takasan mo kami."

Tumawa ako. "Hindi. Magpapahangin lang."

"Oh sige, basta huwag tatakas ah."

Tumango nalang ako. Nako, patay ako hindi ako pwedeng tumakas.

Pero pursigido akong tumakas nga. I just don't feel like i'm belong here.

Medyo nagtagal pa ako dahil marami ang humaharang sakin.

"I'll be back." Tanging pangako ko sa kanila.

Tuluyan na akong humiwalay sa kanila pero bago pa man ako makatakas sa kanila ng tuluyan i heard Cai looking for me. 

Kaya mas binilisan ko ang lakad.

Teka nga muna..

Bakit ako yung tumatakbo? Bakit ako yung natatakot na makita sya?

Takot nga ba ako...

Nakahawak na ako sa handle ng aking sasakyan ng marealize ko na hindi na ako teenager at lalong lalo naman na hindi ako takot.

Tama, i can face this. E ano naman kung nandyan sya!

And duh, I'm pretty sure pagod yon.. ang dami kaya niyang ganap sa buhay.

Huminga ako ng malalim.

"Omg! I thought tumakas kana!" Hinihingal pang sambit ni Val sakin.

I act like there's nothing bothering me earlier.

Umiling ako tsaka ngumiti. "Hindi, baka pagbayarin ako ni Engineer." Biro ko.

"I bet, he will if you ditched us again." Sagot naman niya. Seryoso pa.

"Nagpahangin lang ako."

Tinitigan niya ako. Tila may gustong sabihin ang mata niya. But instead she smile. "Tara na sa loob. If you want uwe na tayo. Pero magpapaalam ah.. hindi yong bigla nalang nawawala."

Tumawa ako but damn it sounds fake. "Si Hudson?"

"With his celebrity friends."

My heart pressed hard. Ewan, kahit sabihin na celebrity or any related sa showbiz kinakabahan talaga ako.

That's okay, i guess. Hindi naman singer ang sinabi niya.

"S-sino?" Kainis. At talagang nag stuttered pa ako.

"Si Toya at Miguel."

Double fvck. Sino daw!?

Napa 'O' agad ang bibig niya. Tila nagets ang biglang pagreact ko. "Oh.. not your Miguel. Miguel Palma." Mabilis niyang tinama.

"I mean.. hindi si Juan Miguel." She didn't need to mention his name.

Pero, alam mo yon. Ako nalang ata yung ganito. I tried naman e. Pero may sakit parin talaga kapag naririnig ko ang pangalan niya.

My Lost StarboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon