Twice a week ang aming meeting sa aming club. Kaya if you looking for another club pwede ka pa sumali as long fit sya sa schedule mo.Masaya ako sa naging desisyon ko. Nung una hirap talaga ako mag hanap ng pwedeng salihan. Ayoko din kasi ng masyadong atensyon. Sa totoo lang mahiyain ako. Nasanay kasi ako na konti lang ang nakakapansin sakin.
Kaya itong Music Club. Saktong sakto sya sakin. Tago pa itong practice room namin.
Nameet ko na lahat ng member. Total of 33 member kami over all na iyon sa buong institution. Ang bongga kasi 33 lang kami.
May senior ako na magaling talaga mag keyboard/organ. Sya ang magtuturo sakin. Si Senior Milo. It's short of Michael Angelo.
"Kamusta Club mo?" Ani Roma.
Ngumiti ako. "Maayos. Sayo?"
"Mas maayos pa sa maayos! Super worth it talaga na nandoon ako!"
Tumango na ako. Gets ko na kung saan patungo ang usapang ito.
"Diba nabanggit ko na si Piro nandoon? Grade 7 yon. Tapos sa Grade 8 naman si Raine Yves. Grabe, ang gwapo non. Tapos may abs! Nakakagulat kasi grade 8 palang sya."
Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Ang bata bata pa neto oh!
"Tapos?" Anticipating her to go on.
"May grade 9 din kami!! May nakabraces, may nakahikaw pero ayaw ni coach yon kaya pinatanggal, may glasses for style pero bawal malabo ang mata samin kaya pinatanggal din."
"Nakabraces?"
"Ah oo! Si Kuya Juan! Pero hindi pa sya official member may club na daw kasi sya pero nag try out lang."
"Juan?"
"Yup! Ang old school ng pangalan pero huwag ka! Ang gwapo! For me sya yung gwapo na maapil. Lalo na kapag ngumingiti."
Tumango ako. Well may kilala din akong nakabraces na maapil pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya. Haharutin niya lang ako.
Hindi naman siguro masama pumuri ng itsura ng lalaki. Wala naman ibig sabihin iyon.
"Interesado?"
Umiling agad ako. "No, may nameet kasi ako na naka braces din. Kaya ko lang natanong." I said casually. At agad ko ding pinagsisihan.
"Kailan?"
Argh. Romalyn!
"Remember nung nag apply ako sa Music Club." Casual lang ang tunog. Advance mag isip to.
Napa 'O' ang kanyang bibig.
"Gwapo din?"
Napairap ako. Gad. Nakalimutan niya agad yung kuya Juan niya.
In my own perspective. Gwapo kung iyon ay tatawagin.
Tumango ako. "It's hard to say no."
Lalong lumaki ang 'O' ng bibig niya. Kilala ko sya. I know that look kaya mabuti pang mas linawin ko at kung ano pa isipin nyan.
"I mean— gwapo naman talaga."
"Wow. Hindi ka ganito. So sa tingin saksakan ng gwapo talaga to. Kasi bihira lumabas yan sa bibig mo. Naniniwala ako sa sinasabi mo."
Gusto ko magface palm.
"Hey, gwapo naman lahat ng lalaki. Depende lang sa mata ng nakakakita. Kaya I safely say na gwapo nga sya."
