"Good Morning, Thara!" Val excitement is very evident.Napataas ako ng kilay sa naging pambungad niyang bati ngayon umaga. Good mood sya kagabi lang after we drink pikon na pikon na sya.
"GoodMorning to you too." I smiled. Kahit medyo nawe-weirduhan ako sa kanya. Ano kayang meron?
"I'm so excited!"
Uh huh. "For what?"
"Basta!"
"Parang hindi ka badtrip kagabi ah." Pinaalala ko talaga.
Napairap tuloy sya. "Badtrip nga but mas masaya ako ngayon!"
Napangiti ako. "Makipagbati kana kasi. Bahala ka.. showbiz pa naman yon."
Pasadya niyang nilaki ang mata. "As if naman na threatened ako doon. Bahala sya! That's why i hate his work. Kung ano anong chismis tuloy nalalaman ko."
"But you love him."
"O-oo naman. Naaasar lang ako sa paraan ng pagtanggi niya."
Papasakay na kami ng elevator. "Ikaw naman ang mahal. Kaya nga tumanggi e."
We're talking about the issue that his boyfriend involved. Her boyfriend is currently one of the top in his industry. May mga sikat na nilo-loveteam sa kanya. Wala syang permanenteng loveteam dahil kahit sino naman nag cli-click. Na-issue nanaman kasi na may relasyon daw sa bagong loveteam nito dahil sa sweetness nila sa naging movie.
His name is Hudson Nolan. A Filipino-Australian who raise and born here in the Philippines. Since College days sila na ni Val. Kaya sya yung kasa-kasama ni Hudson during the hardtime. Mga Panahon na nagsisimula palang sya from scratch. That's why Vage Anne Lacosta aka VAL understand my situation. It is also like her situation before. Kaya mabilis niyang nakuha kung gaano kahirap sakin ang lahat. That's why she understand my pain, how broken i was and how much i loved that guy to do that decision.
Tipid akong ngumiti sa kanya dahil sa naalala. Kahit nagagalit sya sa boyfriend, alam kong mahal na mahal niya ito. Ang saya siguro ng ganon, thru ups and downs you were there and still together.
Nagtiim bagang ako para tumigil ang nagbabadyang luha. I'm not going to cry!
Not anymore.
"Teka nga muna, Thara! Hindi ako ang pag uusapan natin. Ikaw!"
Napangiti nalang ako. "Ano ba kasing meron?"
"You'll see!"
I just shrug my shoulder.Dahil sa kadaldalan niya. Kung anu anong bagay na ang aming napag usapan. When we reach our destination. Nakangiti pa ako habang pumapasok sa loob ng office namin.
Lea smiling widely to me. "Good Morning, Thara!"
Sinuklian ko ang kanyang pagbati. "Good Morning Lea."
She also greet Val then we enter another Glass smokey door.
A loud sound with a confetti burst in our way in.
Napaawang ang labi ko. They all clapping their hands while having a big smile in their faces.
"Omg! This is what im talking about!" Val stated happily.
Then i saw Cai holding a cute size of cake with a word that i didn't expect. O.M.G
'Hi there! Marketing Manager!'
