04: Kumpirmasyon

56 2 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman ko. Tila sinasalo ng ulo ko ang lahat ng bigat ng aking katawan. Para akong nahuhulog pero 'di bumabagsak. Nang tuluyan ko nang naimulat ang aking mga mata ay agad ko ring napagtanto ang tunay kong kalagayan.

Hubo't hubad akong nakabitin ngayon sa kisame ng isang madilim na kuwarto. Ang ulo ko'y nasa baba habang ang mga paa ko naman ay nakakandalo sa isang mahabang at makapal na kadena sa kisame. Literal na nasa upside-down position ako ngayon.

Iginala ko ang aking paningin sa kuwartong kinaroroonan ko. Tanging ang ilaw lang mula sa isang lumang bumbilya ang nagbibigay ng liwanang sa silid. Nang bumaling na ako sa bandang kanan ko ay halos lumuwa ang mga mata ko sa hilakbot.

May isang tustadong babae ang nakabigti sa kisame. Mababanaag ang mga lapnos at sugat nito sa buong katawan dala ng pagkakasunog. Halos wala na ring natirang buhok sa ulo nito. Hindi ako nagkakamali. Ito 'yung babaeng napanood ko sa video. Pero, ang akala ko ba'y gawa-gawa lang 'yon?

Napakagat-labi ako nang maalala ko ang ginawa ni Alice nang huli ko siyang makita. Heto na naman. Naguguluhan na naman ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari 'yon. Kung ano'ng dahilan bakit nagawa 'yon ni Alice sa akin.

Pilit ko pa ring kinukumbinsi ang isipan ko na baka nagkamali lang ako. Na baka guniguni ko lang 'yon nang makita kong tinutukan ako nang baril ni Alice. Na baka sadyang naagaw lang talaga ng lalaki sa akin ang baril. At kung totoo talagang nagkakamali lang ako, nasaan si Alice ngayon?

Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako nang malalim. Sinubukan kong kalasin ang lubid na nakagapos sa mga kamay ko sa aking likuran. Subalit parang imposibleng makalas ko ito dahil ang higpit ng pagkakabuhol nito.

Habang ipinagpapatuloy ko ang ginagawa ko ay biglang may lumitaw na tao aking harapan. Nakabalot ito sa itim na kasuotan at may suot na maskarang pusa. Medyo mataas ang pagkakabitin sa akin dahil kapantay ko lang ang ulo nito. Gayunpaman, alam kong hindi ito ang lalaking nakita ko sa video tulad ng inaasahan ko. Halata sa tindig at hugis ng katawan nito na isa siyang babae.

"Nakakaawa ka naman, Trevor."

Unang salita pa lang ay agad ko nang nakilala ang boses ng babae sa aking harapan. Umusok bigla ang bibig at tainga ko. Mahirap paniwalaan, pero totoong si Alice ang babaeng nasa tapat ko. Maraming katanungang naglalaro sa isipan ko subalit mas nangingibabaw pa rin ang galit na nararamdaman ko.

Ano'ng nagawa ko upang ilagay ako ni Alice sa ganitong sitwasyon?

Call Me, Killer Cat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon