09: Resureksyon

64 1 0
                                    


"HUWAG Trevor! Maawa ka please!" Mangiyakngiyak na pagsusumamo nito.

Tumingala ako saglit sa kanya. "Siya nga pala, hindi Trevor ang pangalan ko." Ini-snap ko ang mga daliri ko. "Killer Cat."

Pagkatapos no'n ay walang habas kong isinaksak sa kanyang katawan ang hawak kong basag na bote. Sinumulang ko sa kanyang tiyan patungo sa kanyang mga dibdib. Tuluyan na rin siyang nawalan ng balanse at nahulog sa silya. Ayan, ganyan nga. Magdusa ka.

Nasasakal na ang kaawa-awang si Alice dulot ng pagkakabigti subalit patuloy pa rin ako sa pag-unday ng saksak sa kanya. Hindi ko siya tinantanan hanggang sa lumuwa ang mga bituka at atay niya. Natauhan lang ako nang naramdaman kong hindi na siya gumagalaw. Bahagya akong lumayo sa kanya.

Bumungisngis ako nang makita ko ang mga mata niyang nakadilat na tila humihingi ng habag. Sa sobra abala ko'y hindi ko napansing sumuka na rin pala ito ng dugo. Bumuntong hininga ako. Mali ka ng kinalaban, Alice.

"TATLONG sunog na bangkay ang natagpuan sa isang abandonadong bahay sa bayan ng Laurel. Dalawa sa mga biktima ay natagpuan pang nakabigti na kinilalang si Alice Corpuz at Mario Santos habang ang isa naman ay si Angela dela Cruz na nakitang nakalatag sa isang mesa. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinorture muna ang mga biktima bago tuluyang sinunog. Tinutugis na ngayon ang notorious na si Killer Cat matapos kumalat sa internet ang video ng pag-torture nito sa mga biktima."

"Grabe naman 'yang Killer Cat na 'yan, napakademonyo!"

Kasalukuyan akong naghahanda sa palikuran nang marinig ko ang boses na 'yon ni Cherry. Kahit sa panonood ng balita ay maingay pa rin siya. Napa-iling ako.

Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako. Nasaksihan ko pa kung paano nanlaki ang mga mata ni Cherry nang makita ako.

"T-Trevor?" nauutal nitong sambit. Bahagya siyang umatras at sumandal sa headboard ng kama. Wala itong saplot kaya tanging ang makapal na kumot lang ang nagsisilbing pantakip sa kanyang katawan. "Wag kang magbiro ng ganyan."

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya habang tinatago ko ang kamay kong may hawak na icepick sa aking likuran. Umupo ako sa mga hita ni Cherry at bahagyang inangat ang suot kong maskara upang dumampi ang mga labi ko sa kanya. Pakiramdam ko'y nawala na ang tensiyon na kanyang nararamdaman dahil mukhang nasarapan siya sa sandaling halik na 'yon. Inilapit ko ang bibig ko sa kanyang tainga at bumulong.

"Just call me, Killer Cat."

At pagkatapos no'n ay itinarak ko na sa kanyang tiyan ang dala kong icepick.

Call Me, Killer Cat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon