08: Rebelasyon

51 1 0
                                    

PAGKALIPAS ng halos dalawampung minuto ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng silid. Kasalukyan akong nakaupo sa silyang inuupuan ni Alice kanina. Naramdaman kong may mga kamay na dumapo sa aking mga balikat.

"Magaling," pabulong na saad ni Alice habang nakatingin sa lalaking hubo't hubad na nakabitin sa kisame. "Talagang pinahirapan mo talaga siya. Di ko na nga makilala ang gwapo niyang mukha dahil binasag mo na. Saka gusto ko kung paano mo tinadtad ng pasa ang katawan niya. Wala nang bakas ng makinis niyang balat. Pero hindi mo naman siya pinatay 'di ba?"

Bumaling ito sa 'kin. Hindi ako nito nakilala dahil isinuot ko ang mga damit ng lalaking kasama niya, pati na rin ang pusang maskara nito. Tumayo ako at humarap sa kanya.

Tinignan lang ako nito nang masama at lumapit sa lalaking nakabitin. Tsinek niya ito.

"Hayop ka! Ano'ng ginaw—"

Haharap na sana si Alice sa akin nang bigla kong inihambalos sa kanyang ulo ang batutang napulot ko sa sahig. Agad itong nawalan nang malay at bumagsak. Ngumisi ako at ipinagpatuloy ang planong kanina pa naglalaro sa aking isipan.

Habang inaayos ko ang puwesto ng kamerang gagamitin ko ay bigla kong naramdamang gumalaw si Alice. Ngumiti ako nang malapad at humarap sa kanya.

"Paano ka nakatakas?" nagtatakang tanong nito sa akin.

Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa habang hubo't hubad na nakaupo sa silya. Kinandado ko na rin ang collar sa leeg niya at ikinabit sa kadenang nasa kisame. Handa na ang lahat.

Tinungo ko ang kabilang dulo ng kadena at hinila ito dahilan upang mapilitan siyang tumayo at pumatong sa ibabaw ng silya. Ito lang ang paraan upang hindi siya masakal at makahinga nang maluwag.

"Mabuti naman at alam mo na ang dapat mong gawin. Ngayon, simulan na natin ang tunay na laro."

Lumapit ako kay Alice at walang pag-aatubili kong ibinaon ang isang kinakalawang na pako sa kanyang hita. Napatili si Alice nang wala sa oras. Napapikit ako. Ang sarap sa pandinig.

"Opss. Wag kang masyadong gumalaw, baka mahulog ka." Bumungisngis ako habang nakatingala sa kanya. "Hindi mo naman siguro gugustuhing ikaw mismo ang magbigti sa sarili mo."

Subalit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Umiiyak ito na para bang isang inosenteng pusa. "Gusto ko lang namang gumanti. Please, maawa ka sa 'kin. Ayoko pang mamatay."

Ngumisi ako at itinarak muli ang isang pako sa kabila niyang hita. Muntik na siyang mahulog dahil sa gulat at sakit pero nagawa niya pa ring ibalanse ang kanyang katawan.

"Ayusin mo naman ang pagsigaw mo, Alice. Marami ang makakapanood sa 'yo," marahan kong sambit sabay sulyap sa kamerang kusang nagre-record sa tripod.

"Trevor, please. Alam kong hindi ka masamang tao." Pagsusumamo nito sa 'kin. Nangangatog na rin ang mga tuhod nito. "Kahit ipakulong mo na lang ako."

Napangiti ako nang malapad sa sinabi niya. "Hindi masamang tao?" Pinadilatan ko siya. "Sabagay, hindi mo naman talaga ako kilala."

"A-Anong ibig mong sabihin?" nagugulumihan nitong tanong. Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit wala akong pamilya? Kung bakit mag-isa lang ako sa buhay? Kung bakit kita biglang kinausap sa Messenger noon kahit hindi naman tayo magkakilala?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Dahan-dahan ko siyang inikutan. "Tatlong taon na ang nakalilipas, walang direksyon ang buhay ko. Ulila. Walang permanenteng tirahan. Hindi nakapag-aral. Galit ako sa mundo. Kaya naman naging libangan ko na ang pumatay."

Nakita ko kung paano siya napasinghap nang marinig ang mga salitang 'yon mula sa aking bibig.

"N-Niloloko mo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Alice.

"Noong araw na 'yun, nung magkikita tayo, balak ko sanang dukutin ka para maging susunod kong biktima. Pero nakita ko si Angela. Binago niya ang buhay ko. Tinulungan niya akong makabangon. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa. Alam mo, pasalamat ka nga e dahil kung hindi dahil sa kanya, matagal na kitang pinagpira-piraso at itinapon sa ilog."

Nagbaon ulit ako ng isang pako sa hita ni Alice. Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang tili subalit mas ikinatuwa ko iyon kaysa sa ikinainis.

"Trevor! Tama na—"

"Nakakatawa ngang isipin e dahil ang video nga ginawa ko noon ay siyang pinagbasehan mo sa pagpatay sa girlfriend ko."

Napamulagat ito, nakaawang ang bibig. Kalaunan ay narinig ko na naman ang matinis nitong boses. "Trevor! Hindi totoo yan! Mabait kang tao!"

Kinuha ko ang bote ng brandy sa lamesa at binasag ang kalahati nito sa sahig.

'Pwede na siguro to,' saad ko sa isipan habang tinitignan ang mga matutulis na parte ng boteng nabasag. Humakbang ako patungo kay Alice.

"Huwag kang mag-alala Alice, hindi 'to masakit. Mas masakit pa rin ang kutsilyo." Ngumisi ako. "Ipagpapatuloy ko lang naman kung ano ang dapat ko sanang ginawa tatlong taon na ang nakararaan."

Call Me, Killer Cat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon