6

325 9 0
                                    

"Ako na ang maghahatid sayo papunta kung saan kayo magkikita ng date mo." Sabi ni Zero when he emphasize the word of date. "At ako rin ang susundo sayo mamaya."

"Okay. Thank you."

I know he's jealous lalo na humigpit ang pag hawak niya sa manibela. Kulang na lang padabog niyang hampasin iyon sa galit niya. At saka hindi naman ako manhid na hindi ko iyon mapapansin, no. Obvious naman kaso wala akong nararamdaman para kay Zero.

Pagkarating namin sa bahay ni ate Nat ay bumaba na ako sa kotse at hindi naman ako matagal nag hintay sa labas dahil pinag buksan na rin ako ng gate ni ate Nat.

"Trixie, it's good to see you again."

"Ako rin, ate Nat."

"Pasok ka." Alok niya sa akin. Mag isa lang si ate Nat sa bahay niya pero sobrang laki naman. "Ano ang sadya mo? Wala ako maalala may debut ka or something today."

"No, no. Pumunta ako rito hindi para sa trabaho. I came here because I have a date later."

"Date? Date with Zero?" Napakurap ako dahil may alam siyang tungkol sa pagmamahal sa akin ni Zero.

"May alam ka? I mean, alam mong may gusto sa akin si Zero?"

"Of course. I know everything about my brother. Sa akin niya sinasabi kung ano ang problema niya at ikaw lang ang lahat na problema niya."

Grabe naman si Zero. Ganoon ba talaga ako?

"Kung hindi si Zero ang ka date mo. Sino?"

"Keith Arceus Gamora."

"Oh. The guy you followed. Kahit nagaaral pa siya sa all boys school. Alam mo, Trixie nahihinayang talaga ako noong pinutol mo yung buhok mo."

"Kahit rin naman ako pero wala ako magagawa dahil kailangan ko putulin ang buhok ko para makapasok sa SLU."

"Hindi na ako magtataka kung pati sa akin ay hindi ka susunod sa payo. Kay Zero nga hindi ka nakikinig, sa akin pa kaya."

"What do you mean?"

"Ang sa akin lang ay hindi mo pa gaano kilala yung lalaki pero siya yung kinaaliwan mo ngayon. Nandiyan naman si Zero. Minahal ka niya ng ilang taon at ilang taon mo na rin siya kilala.

"Pero masyadong misteryosong tao si Zero. Kahit ilang taon ko na siyang kilala ay marami pa akong hindi alam sa kanya. Kapag tinatanong ko siya ay hindi na siya sumasagot. I don't want to hurt anyone of you lalo na si Zero pero hindi ko talaga kayang maibabalik ang nararamdaman ni Zero sa akin."

"Dahil ba may mahal ka ng iba?"

"Yes." Yumuko ako. "Ayaw kong masaktan si Zero dahil mahalaga rin siya sa akin."

"Sa ginagawa mo ngayon ay sinasaktan mo na rin si Zero kahit hindi mo sabihin sa kanya. Hindi manhid ang kapatid ko para hindi niya mapapansin yun. Give him a chance, Trixie. Kahit ngayon lang makinig ka sa sinasabi ko dahil ayaw ko balang araw ay ikaw rin ang masasaktan sa huli. Tinuring na rin kita bilang kapatid ko." Tumalikod na sa akin si ate Nat. "Hintayin mo na lang ako sa room ko. Kukunin ko lang yung mga gamit."

Sinumulan na ako ayusan ni ate Nat at nag suot na rin ako ng dress. Para tuloy sobrang tagal na noong huling suot ko ng dress ah. Hindi kasi ako sanay mag suot ng pants o kahit anong pang lalaki pero wala akong choice. All boys school yun.

Pagkatapos akong ayusan ay nakita ko na si Zero nasa labas ng bahay at tulala niya sa akin.

"Panget ba?"

Tumikhim na muna siya bago mag salita.

"No, kahit anong ayos mo ay maganda ka." Ngumiti ako sa komento ni Zero. Ngayon lang kasi niya sinabing maganda ako.

Noong makarating na ako sa park ay wala pa rin si Arceus. Hindi nga rin niya sinasagot ang mga tawag o reply man lang sa text.

Tiningnan ko ang oras sa phone dahil halos isang oras na ako naghihintay kay Arceus. Hindi ko tuloy alam kung sisiputin pa ba niya ako o hindi.

"Hi, miss." Tumingala ako at isang panget na matanda ang nasa harapan ko. "Mag isa ka lang ba? Pwede kitang samahan."

Ang creepy niya. Natatakot na ako. Sana may tumulong sa akin. Pero sino? Umalis na kanina si Zero.

"Miss–"

"Sir, mas mabuting umalis ka na kung ayaw niyo mapapaaga ang lamay sayo ng kamag anak mo." Nagulat ako sa bagong dating. Naiiyak ako dahil bumalik si Zero.

"Huwag kang mangialam rito, hijo." Pinaputok ni Zero ang kamao niya dahilan matakot yung matanda. "Tsk."

"Zero..." Niyakap ko siya saka umiyak. "S-Salamat bumalik ka."

"Nakaramdam ako ng hindi magandang mangyayari sayo kaya bumalik ako. Tahan na."

Tama si ate Nat kailangan kong bigyan ng pagkakataon si Zero. Gusto ko rin siya makilala ng lubusan.

"Where's your date, anyway?" Nang gigil na sabi ni Zero.

"Hindi pa rin siya dumadating."

"Nag hintay ka ng isang oras sa wala?! Anong klaseng tao siya? Hindi niya dapat pinaghihintay ang kagaya mo. Tsk." Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin.

"S-Saan mo ko dadalhin, Zero? Baka dumating si Arce–"

"Please lang.... I don't wanna hear that name again?! Once you mention that name again ay sasabihin ko sa media na may relasyon tayong dalawa kaya huwag mo ko subukan." Kagat labi ko sa sinabi niya. Pagkatapos malaman ng mga miyembro ng tennis club na may relasyon kami ni Arceus kanina kahit wala naman talaga kaming relasyon tapos ngayon may balak si Zero sabihin sa media na may relasyon rin kami. Ano ba itong napasok ko?!

"S-Seryoso ka ba diyan?"

"I'm serious. Kahit ilang beses mo pa ako i-reject... I don't care."

Huminto ang kotse sa tapat ng isang restaurant.

"Ano ang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ano ba ginagawa sa isang restaurant? Maglalaro?" Lumabi ako. Bwesit. "Siyempre, kakain tayo. My treat."

Habang naghihintay ng order namin ay ang dami kong nalalalaman tungkol kay Zero. Katulad ng kung ilang taon na siya. He is a year older than me. Joke... Matagal ko ng alam kung ilang taon na siya. Basta marami rin ako nalaman sa kanya ngayong gabi. Sana tuloy-tuloy para mas makilala ko pa siya ng lubusan.

"Kahapon, tinanong mo ko kung hindi ko ba inaasahan magkikita ulit kami ni Nat." Nagulat ako dahil naalala pa niya yung tanong ko na hindi niya sinagot. "Yes, hindi ko inaasahan magkikita kaming dalawa."

"Sino ang mas matanda sa inyong dalawa?"

"Siya. She is 2 years older than me." Sumilyap saglit sa akin si Zero kaya lang umiwas ako sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako ganito dati kay Zero ah. "Ano naman ang magtatanong sayo. Wala ka bang balak hanapin ang mga magulang mo?"

"I don't know. I don't know how they look like dahil wala akong maalala kung ano ang itsura nila. Sanggol pa lang kami ni Sammy noong iniwanan nila kami sa bahay ampunan. Ano pa saysay kung hahanapin ko sila? Ni minsan nga hindi sila pumunta sa bahay ampunan para balikan kami ni Sammy. Sana hindi ganito ang mangyari sa amin ng kakambal ko at sana bumalik pa rin hanggang ngayon si Sammy."

"Tutulungan kitang hanapin ang nag sunog sa apartment niyo." Tumingin ako noong hawakan ni Zero ang kamay ko. Ito na naman ang kakaibang nararamdaman ko ngayon.

Fall In Love With An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon