Natakot ako pagkauwi sa bahay dahil ang sama ng tingin sa akin ni Zero para bang mangangaen ng buhay. Hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan ko para magalit siya ng ganyan.
"Sor–" Nagulat ako noong tumalikod siya sa akin at siyempre may kasamang inis. Ako na nga itong humingi ng tawad sa kanya. Bahala na nga siya.
"Pinaiyak ka ba niya kanina?"
"Huh?" Nakatingin ako sa likuran niya.
"Nagmumugto ang mga mata mo at halatang umiyak ka kanina. Pinaiyak ka niya?"
Bigla na lang pumatak ang luha ko noong maalala ko na naman ang nangyari kanina pero agad ko naman pinunasan ang luha ko.
"Hindi niya ako pinaiyak." Pinapalakas ko ang sarili ko para hindi malaman ni Zero na umiiyak na naman ako baka magalit siya kay Arceus na wala naman ginagawang mali yung tao. "S-Sige, magpapahinga na ako."
Pumanhik na ako papunta sa kwarto ko para magpahinga. Pagkarating ko sa kwarto ay hindi ko na inabalang mag palit ng damit dahil sobrang pagod ko. Namiss ko rin ang kama ko rito.
Nagulat ako pagkagising ko dahil nasa tabi ko ngayon si Zero. Nakatingin lang siya kanina sa kisame pero mukhang napansin niyang gising na ako kaya bumangon na siya.
Hinawakan ko ang damit niya dahilan lumingon siya sa akin.
"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya. Nilalaban ko ang luha ko na gustong tumulo.
"Hindi ako galit sa ginawa mo kanina. Natatakot lang ako baka balang araw ay siya ang pipiliin mo at iiwanan mo na lang ako dahil kaya ka niyang big–" Pinahiga ko siya sa kama gamit ang buong lakas ko.
"Silly. Hindi kita iiwanan. Pangako iyan. Alam ko ang pakiramdam na naiiwanan dahil wala sila sa tabi ko noong mga panahon na kailangan ko sila kaya hinding hindi ko iyan gagawin sayo." Hinila ako ni Zero dahil humiga ako sa ibabaw niya at niyakap niya rin ako.
"Hinding hindi rin kita iiwanan dahil ayaw kong mawala ka sa akin, Trixie. Mawala na ang lahat, huwag lang ikaw." Pinapakilig na naman ako ni Zero nito. "But I really want to give you a child."
"Huwag na muna natin pag usapan ang tungkol sa anak. Ang pag usapan na muna natin ang tungkol sa kasal. Hindi pa natin pinaguusapan tungkol doon."
"Papakasalan kita kahit saan mo gusto."
"Thank you, Zero. Sa simbahan lang naman ang gusto ko. Pero dapat hati tayo sa gastusin."
"Kung iyan ang gusto mo. Okay, hati tayo sa gastusin." Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko. Hinaplos ko ang pisngi ni Zero dahilan hawakan niya ang kamay ko. "Kain tayo sa labas."
"Date?"
"Yup, it's our third date."
"Third date?" Tatlong beses na pala kami nag date ni Zero.
"Yes. Our first date happened 4 years ago. Even I know you didn't consider that as our date but for me..." Naalala ko nga yun. Ang dami ko nga natutunan tungkol sa kanya noong mga panahong iyon. "Noong second date natin nasa US tayo."
"Kahit ilang beses pa tayo mag date. Kahit umabot pa ng anniversary natin pero huwag naman yung palagi sa labas tayo kumain dahil kailangan natin mag ipon para sa kasal."
"Okay, ma'am." Umalis na siya sa ibabaw ko. "Bangon na diyan."
"Okay po, sir. Maghihilamos lang ako ng mukha at magaayos ng sarili. Saglit lang ito."
"Hihintayin na lang kita sa ibaba."
Pinaguusapan namin ni Zero ang tungkol sa kasal namin habang kumakain kami sa isang restaurant. Ito yung restaurant na kinainnan namin noong first date namin.
Nakatanggap ako biglang message galing kay Cronus.
From Cronus;
Mas lalong lumabha ang kalagayan ni Keith ngayon.
Nagulat ako sa message ni Cronus. Mas lalong lumabha ang kalagayan ni Arceus.
"Hatid na kita para bisitahin mo siya." Tumingala ako ng tingin kay Zero at tinawag na niya ang isang waiter para kunin ang bill.
"Sigurado ka?"
"Kahit ayaw ko pero kailangan ka niya, Trixie."
"Sigurado ka ba talaga? Ayaw ko gumawa ng isang bagay na pwede mong ikagalit sa akin, Zero."
Hindi na siya sumagot pang muli. Ito na naman siya, eh. Kapag ayaw niyang sagutin yung tanungin ko ay hindi siya sasagot. Iyon ang kinaiinisan ko kay Zero.
Umalis na kami sa restaurant noong binayaran na niya yung bill namin. Kahit sinasabi ko sa kanya na hati kami sa babayaran pero binayaran niya ng buo.
Ang sakit sa pandinig dahil wala sa amin ang nagsasalita. Sobrang tahimik ay baka mabasag lang ang eardrums ko nito.
"Paano pala nalaman ni Cronus na fiance na kita?" Pag sira ko sa katahimikan. Inabot sa akin ni Zero ang phone niya habang nakabukas ang social media account niya. May isang video kaya pinanood ko.
Viral pala sa social media yung pag propose ni Zero sa akin noong nasa US kami. Ang dami nga rin nag comments na fans ko. Nakakatuwa dahil halos positive comments ang nababasa ko pero hindi pa rin naman maiiwasan na may negative comments. Ganoon naman kung kapag sikat ka.
"May schedule na ba ako bukas?" Tanong ko sa kanya. Kahit fiance ko na siya ngayon ay siya pa rin ang manager ko.
"May guesting ka sa sikat na tv show bukas."
"Anong oras?"
"Bago mag alas ocho ng umaga ay dapat nandoon ka na sa studio."
"Bago mag alas ocho?! Tapos pupunta tayo ng ospital ngayon. Zero, kailangan kumpleto ng walong oras na tulog ko. Baka anong oras pa ang uwi natin nito galing sa ospital."
Naiinis na talaga ako kay Zero. Hindi na naman sumagot. Bahala na nga siya diyan. Mas lalo lang masisira ang araw ko sa kanya.
Pagkarating namin sa ospital ay dumeretso na ako sa ICU pero napalingon ako sa likod. Hindi pala sumunod sa akin si Zero. Bumalik ako sa labas para punatahan siya. Nakita ko si Zero nakasandal ang likod sa kotse habang nakatingala sa kalangitan. Nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwanan.
"I uwi mo na ako." Sabi ko sa kanya na kinatingin niya sa akin.
"Sigurado ka? Hindi mo siya pupuntahan?"
"Oo. May trabaho pa ako bukas kaya kailangan ko na rin matulog ng maaga. At..." Hinila ko siya para halikan sa labi. Wala akong pakialam kung may makakita pa sa amin ibang tao. Hindi naman namin tinatago ang tungkol sa relasyon namin. "Nangako ako sayo na hindi kita iiwanan. Kahit anong mangyari ay ikaw pa rin ang pipiliin ko, Zero."
"Kahit hindi kita mabibigyan ng anak?"
"Huwag na natin pag usapan ang tungkol diyan." Sabi ko. Ayaw ko naman kasi isipin ni Zero na malabo magkakaroon kami ng anak pero umaasa ako balang araw ay mabibigyan kami ng anak. Hindi naman ako nagmamadali doon. Hindi pa nga kami kasal.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With An Idol
ChickLitBOOK I : COMPLETED BOOK II : COMPLETED She is Patricia Samantha Castro, an idol. Kilala siya sa buong bansa. Halos lahat na lalaki ay may gustso sa kanya. Until someone got her attention. Nang nalaman niya kung saan nagaaral ang lalaking kumuha ng a...