"Is there something wrong, Trixie?" Binaling ko ang tingin kay Zero noong nagsalita siya.
"Nothing." Imposibleng makita ko siya rito. Nagkamali lang ako. Pero kahawig niya si Sammy.
Pagkatapos namin kumain ni Zero sa restaurant ay hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina.
"May gusto pala akong sabihin sayo."
"Ano yun?" Tumingin ako kay Zero noong huminto siya sa paglalakad para humarap sa akin. "Apat na taon na pero wala pa rin nagbabago sayo. Ang sersyoso mo pa rin."
"I can't give you a child."
"I don't care..." Wala naman akong pakialam kung magkaroon kaming anak ni Zero o hindi. Ang mahalaga sa akin ay makasama lang siya.
"You don't care."
"Yes, I don't care. Ikaw lang ang kailangan ko."
"Hindi mo pinangarap na magkaroon ng anak?"
"Pinangarap ko rin na magkaroon ng anak. Pero sa ngayon ay ikaw lang muna ang kailangan ko. Noong nag hiwalay tayong dalawa ay nawalan na akong gana mag aral dahil ikaw ang ginawa kong inspiration."
"Malaki pala nagawa noong naging boyfriend mo ko ah. Ginawa mo kong inspiration tapos inamin mo sa lahat na tao na mahal mo ko."
"Siyempre. Proud ako na ikaw ang naging boyfriend ko pero sumuko na rin ako sa pangungulit sayo. Alam kong galit ka sa akin kaya ako na mismo ang lumayo sayo. Hindi ko na nga tinapos ang isang semester."
Hindi ko na nga tinupad yung pinangako ko kay Cronus noon na manonood ako ng laro nila. Hindi ko nga alam kung galit ba sa akin si Cronus kapag mag kita ulit kami. Kamusta na kaya siya ngayon? Apat na taon na rin, eh.
"I-uwi na kita sa bahay mo." Tumingin ako sa kamay namin dahil hinawakan ni Zero ang kamay ko. Kinilig ako.
"Alam mo kung paano pumunta doon?"
"Huwag mo sana kakalimutan na ako ang pumili kung saan ka titira habang nandito ka sa US. Ako rin ang pumili kung saan ka magaaral."
Oo nga pala. Siya pala gumawa ng lahat kung saan ako lilipat at titira habang nandito ako sa US.
Medyo lang naman dito kung saan ako nakatira kaya hindi na kailangan sumakay pa ng cab para gumastos pa ng pamasahe.
"Hindi mo sinabi sa akin magaling ka pala kumanta." Proud ako noong marinig kong kumanta si Zero kanina. First time ko pa lang marinig na kumanta si Zero.
"Hindi na importante iyon. Hindi naman ako kasing galing mo sa pag kanta at ikaw kung kakanta ko ay yung babaeng mahal ko lang ang kakantahan ko."
May sweetness rin pala tinatago ang lalaking ito.
Habang naglalakad kami ni Zero ay nakita ko na naman yung lalaki nakita ko noong nasa restaurant kami kanina. Ngayon ay may kasama na siyang babae. Bakit ba hawig niya si Sammy? Imposible namang triplets kami. Nah, malabo. O baka sobrang miss ko lang si Sammy kaya nagpaparamdam sa akin ang kakambal ko.
"Bigla kang tumahimik. May problema ba?"
"Tatapatin na kita, Zero. Para kasing nakita ko si Sammy kanina." Sabi ko na kinalingon ni Zero sa likuran para hanapin yung nakita kong kahawig ni Sammy. "Sigurado ka bang ang kakambal mo ang nakita mo? Hindi ba pitong taon na siyang patay?"
"Iyon na nga." Napapaisip talaga ako baka si Sammy nga iyon at nakaligtas siya sa sunog noon. Bakit hindi niya ako hinanap kung nakaligtas siya sa sunog?
"Gusto mo bang maka sigurado kung siya ba talaga iyon? Pwedeng alamin ang tungkol sa kanya." Nakaka halata na ako dahil mukhang stalker itong si Zero. Baka dating stalker ito bago pumasok sa pagiging manager ko.
"Huwag na. Baka hindi siya yun at mapahiya lang ako."
Ayaw ko rin naman mapahiya, no.
Pagkarating namin ay sa bahay ay pinatuloy ko na muna siya sa loob. Anong klase ako kung papaalisin ko siya. Baka nga wala pang matirahan si Zero habang nandito siya sa US at saka malaki naman itong bahay.
"Gusto mo bang sumama sa akin pabalik ng Pilipinas? Dapat dalawang taon ka lang mawawala sa career mo."
"Sorry. Wala naman akong balak na mag-stay rito pagkatapos ko sa pagaaral. Kung babalik kasi ako sa trabaho ay hindi ko alam kung ano ang ihaharap ko sayo kapag nag kita ulit tayo."
"Dapat sinubukan mo pa rin bumalik ng Pilipinas."
"Kung umuwi ako pagkagraduate ko ay hindi ka pupunta rito at kantahan ako sa harapan ng maraming tao. Hindi lang yun nag propose ka pa sa akin."
"Nagkaroon pa kasi ako ng utang kay Nat para makapunta ako agad dito."
"Ano ka ba. Kapatid mo naman si at Nat kaya hindi na niya iisipin ang tungkol diyan."
"Pinapangako ko sayo kapag kinasal na tayong dalawa ay hindi ako papayag na may gagastusin ka."
"Hindi naman patas yun. Dapat fair and square. Kahit ikaw pa ang lalaki sa ating dalawa ay dapat hati tayo sa lahat na gastusin."
"Halika nga rito." Umusog pa ako papalapit sa kanya sa sofa at niyakap ako ni Zero. "Ang laki na talaga ng pinagbago simula noon. Hindi na ikaw ang kilala kong Trixie."
"Dapat lang. I'm an independent woman now. Hindi na ako yung Trixie na spoiled brat na palagi mong sinasabi sa akin."
"But I like the spoiled brat. Iyon yata ang nagustuhan ko sayo kahit naiinis ako sa pagiging spoiled brat mo. How about you? Ano ang nagustuhan mo sa akin?"
"Wala." Simpleng sagot ko sa kanya.
"Are you serious? Wala kang nagustuhan sa akin?"
"Wala talaga akong nagustuhan sayo. Wala sa katangian mo ang gusto ko sa isang lalaki. Sorry, I didn't mean to hurt you, Zero. Bigla na lang isang araw ay minahal na kita." Namilog ang mga mata ko noong dumikit ang labi niya sa akin para ito ang unang beses na hinalikan ako ni Zero.
Naalala ko pa noong ninakawan niya ako ng halik noon dahil sobrang selos niya.
Tumigil lang kami noong may nag doorbell sa labas. Sino ba itong isturbo sa amin ni Zero? Tumayo na ako para alamin kung sino itong laking isturbo.
"Hi, Trixie." Laking gulat ko sa nakita ko dahil nasa harapan ko na siya ngayon.
Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko ngayon. Bakit ganoon? Bigla na lang pumatak ang luha ko kaya niyakap ko siya.
"Alam kong biglaan lang ang pagkikita natin ngayon."
"B-Buhay ka." Kinurot ko siya sa pisngi. "P-Paano?"
"Nakalabas ako agad sa apartment noong sumigaw yung landlady natin kaso nawalan ako ng malay noon. Pagkagising ko ay nasa ospital na ako."
"Hindi mo man lang ako binalikan?! Tatlong taon ako nagluluksa sa pagkawala mo dahil ang akala ko ay patay ka na."
"I'm sorry. Hindi ko kasi alam kung saan kita hahanapin hanggang sa nalaman ko na isa ka ng sikat na tao ngayon. Nahihiya akong lapitan ka na."
"Ikaw? Mahihiya?" Kinurot ko ulit ang pisngi ni Sammy na kinaaray niya. "Wala ka ng hiya noon, eh."
"Noon pa yun, iba na ngayon."
"Trixie, sino yan?" Nawala na sa isipan ko ang tungkol kay Zero. Lumapit naman si Sammy kay Zero ngayon.
"Hi. You must be my future brother-in-law." Nilahad ni Sammy ang kamay niya. "Nandoon rin kasi ako sa park kanina kaya alam kong nag propose ka kay Trixie."
"Huh?" Nagulat si Zero sa nakikita niya. Alam rin kasi niyang matagal ng patay si Sammy dahil binanggit ko sa kanya ang tungkol kay Sammy.
"Sinabi rin ba sayo ni Trixie na patay na ako?"
"Hindi ko naman kasi alam na buhay ka! Jeez."
"Buhay na buhay ako, bro. Hindi ako multo o kahit reincarnation. Hindi naman ako naniniwala doon."
"Um, sorry." Tinanggap na rin sawakas ni Zero ang kamay ni Sammy. "Yeah, I'm soon to be Trixie's husband. I'm Zero, by the way."
Masaya ako dahil buhay si Sammy na akala ko ay matagal na siyang patay. Lagot talaga ito sa akin. May palo sa akin ngayon si Sammy sa pwet.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With An Idol
ChickLitBOOK I : COMPLETED BOOK II : COMPLETED She is Patricia Samantha Castro, an idol. Kilala siya sa buong bansa. Halos lahat na lalaki ay may gustso sa kanya. Until someone got her attention. Nang nalaman niya kung saan nagaaral ang lalaking kumuha ng a...