Ngayon na ang araw na uuwi si Sammy ng Pilipinas. I missed him so much! Dalawang taon na rin kasi ang huling kita ko sa kanya.
Tinawagan niya rin ako kaninang umaga para sabihin sa akin ang oras ng dating niya rito.
"Bilisan mo, Arceus." Hindi talaga pumasok sa trabaho itong si Arceus para samahan ako sa pag sundo kay Sammy.
"Teka lang. Umiiyak kasi itong si Zen." Karga niya kasi si Zen habang ako naman ay si Drake. "Mukhang gutom na siya."
"Wait. Buhatin mo muna si Drake." Inabot ko sa kanya si Drake para kunin ang milk bottle ng kambal. "Kaya mo bang buhatin ang kambal? Baka mahulog."
"Kaya ko naman. Malakas yata ako."
"Ewan ko sayo. Oh, heto na yung milk bottle ni Zen." Kinuha ko na muna sa kanya si Drake bago ibigay ang bote kay Arceus.
Nakikita ko na mula rito si Sammy kaya kumakaway na ako para makita na niya ako.
"Sammy!" Kaway ako gamit ang libre kong kamay. Lumapit na si Sammy sa direksyon namin habang tulak ang isang cart. "Kanina ka pa ba?"
"Hindi naman. Nasaan pala yung kasama mo?"
"Ayun si Arceus." Tinuro ko kung nasaan sina Arceus at Zen. Ang cute nila tingnan dahil parang mag ama lang.
"Pokémon palagi ang lumalabas sa isipan ko pag binabanggit mo ang Arceus."
"Baliw ka talaga. Arceus kasi ang pangalan niya."
"It's okay. Hindi lang naman ikaw ang nakaka isip ng ganyan. Kaya tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Keith."
"Bakit Arceus ang tawag sayo ni Trixie?"
"Because she's special." Nakatingin sa akin si Arceus habang kausap niya si Sammy. Para tuloy ang kausap niya hindi ang kakambal ko.
"Anyway, I'm Patrick Samuel pero huwag mo kong tatawagin na Sammy."
"Because she's special to you too?"
"Hindi ah." Hinampas ko ang braso ni Sammy. "Aray. Sinabihan ko na iyan dati si Trixie na tigilan na niya pag tawag sa akin na Sammy. Hindi na kami mga bata."
"Palagi ko sinasabi sayo na cute kaya pag Sammy ang tawag ko sayo, Sammy."
Nakasanayan ko na kasi na iyon ang itawag sa kanya.
"Keith na lang ang itatawag ko sayo."
"Sure. Walang problema sa akin." Sabi ni Arceus at nilagay na namin ang kambal sa backseat. Doon na rin umupo si Sammy.
"Gusto mo bang sumama sa amin o i-uuwi ka na muna namin sa bahay?"
"Bakit? Saan kayo pupunta? May date ba kayo? Ayaw ko maging third wheel."
"Sira. Wala kaming date. Pupuntahan lang namin ni Arceus ang address na ito." Binigay ko kay Sammy ang address sa isang papel.
"Kaninong address naman ito?"
"Address iyan ng mga magulang natin pero hindi ako sigurado kung diyan pa rin ba sila nakatira."
"Paano mo nalaman kung saan sila nakatira?"
"Iyan kasi ang inaasikaso ni Zero bago siya namatay. Hindi niya sinabi sa akin kung diyan pa ba sila nakatira o hindi na."
"Okay. I really want to meet them too. Kaya sasama na lang ako sa inyo."
Noong makarating na kami sa isang bahay ay nakaramdam ako ng nerbyos. Ngayon ko pa lang kasi sila makikilala.
"I'm staying here." Tumingin ako kay Arceus. "Bibigyan ko kayo ng privacy kapag nandito nga sila nakatira."
BINABASA MO ANG
Fall In Love With An Idol
ChickLitBOOK I : COMPLETED BOOK II : COMPLETED She is Patricia Samantha Castro, an idol. Kilala siya sa buong bansa. Halos lahat na lalaki ay may gustso sa kanya. Until someone got her attention. Nang nalaman niya kung saan nagaaral ang lalaking kumuha ng a...