4

253 5 0
                                    

Pinatulog ko na muna ang kambal bago pa ako nag luto ng hapunan. Natagalan kasi kami sa bahay ni ate Nat kanina dahil nag usap pa kaming dalawa. Ngayon ay sarap na ng tulog ng kambal pagkatapos nilang uminom ng gatas.

Habang nagluluto ako ay may nag doorbell kaya hininaan ko ang apoy at pumunta sa sala para buksan ang pinto. Laking gulat ko ng makita si Arceus.

"Ano ang ginagawa mo rito? Ang akala ko nasa Bulacan ka ngayon."

"Ang sabi ko pupunta ako sa Bulacan para tingnan yung investors namin doon. Hindi ko naman sinabing mag overnight ako doon." May inabot siyang plastic sa akin. "Anyway, I bought you something to eat."

"Pero nagluluto na ako para sa hapunan."

"Sakto. Dessert naman itong binili ko kanina."

"Salamat dito. Nag abala ka pa tuloy. Hindi mo naman kailangan gawin–" Napahinto ako noong may inabot rin sa akin si Arceus na isang stem ng rose. "Ano ito?"

"Bulaklak."

"Alam kong bulaklak ito. Bakit mo ko binibigyan ng bulaklak?"

"Bakit nga ba binibigyan ng bulaklak ng lalaki ang isang babae? Siyempre, nangliligaw ako sayo."

"Bakit isa lang?"

"Isa na muna pero kapag sinagot mo na ako ay isang dosena na ang ibibigay ko sayo."

"Grabe ka talaga. Pasok ka na nga." Alok ko sa kanya. Kailangan ko na rin kasi bumalik sa kusina baka masunog pa ang niluluto ko. "Kumain ka na ba? Kung hindi pa dito ka na lang kumain."

"Tamang tama hindi pa ako kumakain. Ibibigay ko lang sana yung pasalubong at bulaklak sayo tapos uuwi na ako para sa bahay kumain. Kaso kakalungkot na walang kasama sa hapag." Ngumiti ako ng humarap na sa niluluto ko. "Anyway, tinawagan pala ako ni Cronus kanina. Kinukulit nga ako kung nagkikita na ba tayo. Sinabi ko sa kanya na nagkikita na tayo ngayon at sinabi ko rin sa kanya na may balak akong ligawan ka kahit rin yung pagkakaroon mo ng anak sa asawa mo. Sorry kung sinabi ko sa kanya."

"Ayos lang. Kilala ko naman iyang si Cronus, eh. Kahit makulit pero pagkakatiwalaan naman."

"Alam na ba niya nagpapanggap ka lang na lalaki noon?"

"Yes. Inamin ko sa kanya bago ako umalis ng SLU. Matagal na pala niya alam dahil naaksidente niyang narinig noong tinawag mo ko sa pangalan ko."

"I see... Mabait naman kasi si Cronus. Pasaway nga lang at madalas rin hindi umaattend ng practice."

Nilapag ko na ang niluto ko sa mesa at umupo na ako sa tabi ni Arceus.

"Ikaw. Kamusta ang pag punta mo sa Bulacan? Alam kong pagod ka sa biyahe mo kanina."

"Ayos lang naman. Pinagkakatiwalaan ako ng investors namin doon kaya hindi sila maghahanap ng iba. Ayaw ko naman masira ang pangalan namin kaya hindi ako pwede gumawa ng kalokohan na ikakabagsak ng kumpanya."

"Alam ko naman kaya mo iyan. Ikaw pa. Basta huwag mo hahayaan ang sarili mo dahil sayo umaasa ang mga tauhan niyo sa kumpanya."

"I know. Hindi ko hahayaan ang sarili ko dahil ayaw ko naman magaalala ka sa akin." Ngumiti ako sa kanya. Talagang magaalala ako kay Arceus dahil naging bahagi na rin siya ng buhay ko.

"Pumunta ako kanina sa sementeryo para kausapin si Zero and I let him go."

"Really? Ibig sabihin ba niyan ay binibigyan mo ko ng pagkakataon..." Tumango ako sa kanya.

"Nakapag isip ko kasi na dapat pakawalan na si Zero para matahimik na rin siya."

"Thank you, Trixie for giving me a second chance."

Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin. Gusto nga ni Arceus tumulong sa akin pero alam ko namang pagod siya ngayon. Nang tapos na ako mag hugas ay nakita ko si Arceus ang himbing ng tulog niya sa sofa kaya hindi ko na inabalang gisingin. Hinayaan ko na lang siya matulog. Pagod rin yung tao at dapat dadaan lang siya rito.

Kumuha na ako ng kumot sa kwarto para hindi siya lamigin dito.

"Thank you for loving me, Arceus." Hinaplos ko ang pisngi niya bago ako tumayo.

Pag pasok ko sa kwarto ay nilibot ko ang paningin ko. Dito sana kami gagawa ng masayang alaala ni Zero pero hindi nangyari. Lumipat ako rito bago nanganak noon sa kambal.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng phone ko. Sino naman ang tatawag sa akin?

"Hello?"

"Video call ito, Trixie." Sorry na. Inaantok pa kasi ako. "Mukhang inaantok ka pa ah."

"Oo. Isturbo ka ng tulog. Bakit ka pala tumawag, Sammy?"

"Sorry naman. Kaya lang naman ako tumawag kasi balak ko sana mag bakasyon diyan."

Biglang nagising ang diwa ko at bumangon na ng higa.

"Kailan ang uwi mo?"

"Bukas ang flight ko."

"Sakto. Susunduin kita ah. May gusto kasi makilala ka sa personal."

"Hindi naman ako sikat. Hindi naman ako kagaya mo ah. Pero sino naman?"

"Basta. Matalik ko siyang kaibigan."

"Si Cronus? Eh, kilala ko na siya noong kasal mo."

"Hindi si Cronus. Iba."

"Sino ba kasi? Sabihin mo na sa akin para naman pag handaan ko makipag kita sa kanya."

"Sige na nga. Si Arceus."

"Pokémon? Bakit naman gusto makipag kita sa akin ng isang pokémon? At saka hindi naman totoo iyan."

"Sira. Ang buo niyang pangalan ay Keith Arceus Gamora. Okay na?"

"Binibiro lang kita. Gusto ko rin makilala iyan."

"Umayos ka kapag nag kita na kayo ah."

"Oo naman. Ang bait ko kaya. Pero nangliligaw ba siya sayo?"

"Oo. Tanggap niya rin ang kambal."

"That's good. Mabuti naisipan mo ng pakawalan si Zero. Masaya ako para sayo."

"Sige na. Aasikasuhin ko na ang kambal ngayon."

"Alright. See ya." Inend na ni Sammy ang video call at lumapit na ako sa crib ng kambal. Nakakapag tataka naman dahil ang tahimik nila ngayon at ang himbing ng tulog.

Hindi ko na inabalang gisingin ang kambal baka umiyak pa sila. Ito na rin ang pagkakataon ko na kumain ng almusal kaya lang pag baba ko ay may narinig akong ingay mula sa kusina.

"Gising ka na pala. Good morning."

"Akala ko pa naman pinasukan na kami ng magnanakaw."

"Sa gwapo kong ito magiging magnanakaw."

"Ewan ko sayo, Arceus. Anyway, tumawag si Sammy kanina para sabihan ako na magbabakasyon siya rito at bukas ang flight niya."

"That's good. Gusto mo bang samahan kitang sunduin siya sa airport?"

"Pero may pasok ka pa. Ayaw ko naman maka isturbo sayo."

"It's okay. Alam mo naman gusto kong makita sa personal ang kakambal mo. At wala rin akong gagawin sa kumpanya. Pipirma lang ako ng dokumento. Gagawin ko na lang yun sa Lunes kahit maging tambak pa ang trabaho ko sa Lunes. Magoovertime na lang ako."

"Ayaw ko naman kasi maka isturbo sa trabaho mo."

"Kahit kailan hindi ka naging isturbo sa trabaho. Ganito kasi ako mang ligaw, Trixie." Nilapag na niya ang niluluto niyang almusal. "Ako na pala ang nagpainom ng gatas sa kambal kanina."

"Kaya pala ang himbing ng tulog nila ngayon. Salamat."

"Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising at sorry kung nakatulog ako kagabi. Nakakahiya."

"Ayos lang. Alam ko namang pagod ka kahapon."

Fall In Love With An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon