9

285 9 0
                                    

Nawawalan na ako ng gana pumasok simulang nag hiwalay kaming dalawa ni Zero. Para bang gusto ko na matapos ang semester na ito para makaalis na ako.

"Pwede ba tayo mag usap?" Tumingin ako sa katabi ko. Which is Arceus. Matagal tagal na rin yung huling usap ko sa kanya pero iniiwasan ko nga siya dahil sa kanya kaya naging ganito ang buhay ko.

Pero napaisip ko na hindi niya pwede malaman ang nangyari. Kahit nga ang media ay hindi nila pwedeng malaman dahil masisira ang pangalan ko kapag nalaman nila ang totoong nangyari.

"Mabuti pa nga." Malamig na pakitungo ko sa kanya. "Mamaya sa dorm tayo mag usap."

Pagkasabi ko noon sa kanya ay tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Cronus..." Tawag ko kay Cronus. "Tara, kain na tayo ng lunch."

"Okay. Wait lang." Inaayos na muna ni Cronus ang mga gamit niya bago tumayo pero tumingin siya sa direksyon ni Arceus. "Hindi ka ba sasama sa amin, Keith?"

"Pass. May kailangan pa kasi akong gagawin sa club lalo na malapit na yung tournament."

"Sumama ka naman sa amin."

"Maybe next time."

"Tara na, Cronus. Huwag mo na pilitin kung ayaw."

Pagkarating namin sa canteen ay umupo na kami ni Cronus sa bakanteng table.

"Nag away ba kayo ni Keith? Para kasing ang seryoso niyo kanina."

"Hindi naman." Hindi ko pwedeng sabihin kay Cronus ang totoong nangyari.

"Um, Pat. Alam kong busy ang kapatid mo sa trabaho at pag aaral niya pero kung pwede lang imbitahin mo siya manood ng laban namin."

"Sure." Nakangiting sagot ko sa kanya. Pupunta ako doon bilang si Trixie hindi si Sammy. "Pero aalis na ako sa club."

"Huh? Bakit? Wala ka naman ginawang mali ah."

"Noong nahimatay kasi si Trixie during her concert ay pakiramdam ko ako ang may kasalanan dahil napapabayaan ko na ang sarili ko. Alam mo naman kakambal ko yun. Kung ano nararamdaman ng isa, iyon din mararamdaman ng isa. Ayaw kong maulit yun nangyari noon kay Trixie. Masisira ko rin kasi ang career niya."

"Naiintindihan ko. Sasamahan kita kausapin kay coach kung bakit ka aalis sa club."

"Thank you, Cronus." Kumagat na ako ng sandwich. Nag baon ako kanina dahil hindi ako kumain ng almusal. "Anyway, lilipat na pala ako ng school next semester."

"Bakit naman?"

"Magpapahinga na muna si Trixie sa pag kanta niya para mag focus sa pagaaral at sasama ako sa kanya sa US."

Puro kasinungalingan na lang ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko magawang sabihin kay Cronus ang totoo dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin.

"Sayang naman. Mamimiss ko ang pag kanta ni ms. Trixie. Pero palagi ko naman pinapakinggan ang mga kanta niya kahit yung bago niyang album. Alam mo ba kung kailan ang autograph session niya?"

"Wala pang schedule kung kailan pero sasabihan kita agad kung may sinabi na sa akin si Trixie."

"Thank you. The best ka talagang kaibigan ko." Kitang kita sa mukha ni Cronus ang saya niya. Ngumiti ako ng pilit. "Kahit hindi ako magawang mahalin ni ms. Trixie ay sana ayos lang sa kanya na maging magkaibigan kami."

"Oo naman. Matutuwa yun dahil may isang fan siya na gusto siyang maging kaibigan."

"Masaya rin ako kapag naging kaibigan ko siya. Noong unang beses ko siya narinig sa pag kanta ay nagustuhan ko agad. Ang sarap kasi sa tenga. Yung tipong maraming fans ang matutuwa kapag marinig ang boses niya."

"Thank you..." Bulong kong sabi.

"Bakit ka nagpapasalamat?"

"Huh? Ah... Nahulaan ko lang yung sasabihin ni Trixie kapag nalaman niyang sinabi mo yan. Twin instict."

Ikaw na talaga ang reyna ng kasinungalingan, Trixie.

Pagkatapos ng klase namin ay sinamahan nga talaga ako ni Cronus para kausapin yung coach ng tennis club.

"Oh. May kailangan ba kayo sa akin?"

"Coach, gusto lang po kayo makausap ni Pat." Sabi ni Cronus.

"Ano yun?" Tumingin sa akin si coach.

"Alam ko pong malapit na ang tournament at biglaan itong desisyon ko, coach pero aalis na ako sa club."

"Bakit naman?"

"Masyado ko na po kasi napapabayaan ang sarili ko kaya pati ang kakambal ko ay nadadamay sa nangyayari sa akin."

"Your twin is Patricia Samantha Castro, right?"

"Yes po."

Binaling naman noong coach ang tiningin niya kay Cronus.

"Bumalik ka na sa iba at kakausapin ko lang si Samuel."

"Okay po." Tumingin sa akin si Cronus at nag paalam na.

"Sino ka ba talaga? Wala akong nakuhang information tungkol sayo."

Naguguluhan ako kung bakit niya gusto malaman tungkol kay Sammy hanggang sa narealize ko ang ibig niyang sabihin. Wala talagang masyadong information ang tungkol kay Sammy. Ang mga lalaki talaga ay masyadong misteryoso. Kung hindi ko lang yun kakambal ay wala rin akong alam sa kanya.

"What do you mean, coach?"

"Sino ba talaga si Patrick Samuel Castro?"

"Si Patrick Samuel ay ako. Kakambal ni Trixie at wala ng iba."

"Bakit wala akong makitang information tungkol sayo? Kahit kung saan ka galing na paaralan bago lumipat rito. Ang sabi nila Cronus ay transferee ka lang rito."

"Hindi lang po kayo mga babae ang may privacy. Kahit rin kaki mga lalaki ay kailangan rin ng privacy sa buhay. Kahit kilala ang kakambal ko sa buong Pilipinas ay hindi ako nagsasalita sa harapan ng media dahil ayaw kong pakialam ang buhay ko pero sinusuportahan ko naman si Trixie kung ano ang gusto niya. Kung wala na po kayong tanong sa akin ay aalis na ako."

Naglalakad na ako papunta sa tennis court noong nakita kong naglalaro ang lahat na players ngayon. Humahanda na sila sa darating na tournament. Pinagdadasal ko rin na makuha nila ang championship.

Bumalik na rin ako sa dorm para mag pahinga at kinuha ko ang phone ko. Kumunot ang noo ko dahil may mga media na pumunta sa music studio kung saan ako nagtatrabaho.

"Ano ang dahilan kung bakit nahimatay si Trixie noong huli niyang concert?" Tanong ng isang reporter. Doon na rin lumabas si Zero.

"Kayo ang manager ni Trixie, diba?"

"Yes, I am."

"Totoo bang buntis si Trixie kaya siya nahimatay?"

"That's not true. Kung saan niyo narinig ang balitang iyan ay huwag kayo maniniwala dahil wala namang boyfriend si Trixie. Hindi rin ako papayag na masisira ang career at pagaaral niya."

Bumalik na naman ang dating ugali ni Zero simulang nag hiwawalay kaming dalawa.

"Totoo bang may relasyon kayong dalawa ni Trixie?"

"Wala. Manager lang niya ako at ayaw kong mawala ang pagiging professional singer ni Trixie. At kung wala na kayong kailangan ay pwede na kayong umalis." Bumalik na sa loob ng studio si Zero.

"May tanong pa kami."

Kitang kita sa mga mata ni Zero kung gaano siya nasaktan sa nangyari. Ganoon niya ako kamahal pero sinaktan ko lang siya.

Fall In Love With An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon