8

240 5 0
                                    

Sinabi ko kay Arceus na sa bahay na lang ako ni ate Nat sunduin mamaya at binigay ko na rin sa kanya ang address.

Pagkarating ko sa bahay ni ate Nat ay alam kong hindi niya inaasahan na pupunta ako.

"Oh, Trixie. Ano ang ginagawa mo rito?"

"I really need your help, ate. May birthday party po kasi ako pupuntahan mamaya."

"Birthday party? Sino may birthday?"

"Birthday ng kapatid ni Arceus." Sagot ko.

"Ganoon ba? Leave it to me." Dinala na ako ni ate Nat sa kwarto niya at pinaupo sa harap ng salamin. "Sino pala ang nagbabantay sa kambal ngayon?"

"Nandito si Sammy kaya siya na muna ang bahala sa mga pamangkin niya."

"Pwede ko bang bisitahin ang kambal?"

"Oo naman. Pamangkin mo rin naman sila, ate."

"Thank you, Trixie dahil hindi mo ipinagkakait sa akin yung mga anak niyo ni Zero."

"Bakit ko naman gagawin yun? Bago ko naging boyfriend si Zero ay tinuring na kita parang kapatid ko. Matigas nga lang ang ulo ko noon dahil hindi ako marunong makinig sa sinasabi ng ibang tao." Yumuko ako pero inangat naman ni ate Nat ang ulo ko.

Pagkatapos ako ayusan ni ate Nat ay pinahiram niya rin sa akin ang isang dress niya. Ang sabi pa niya sa akin ay bagong bili daw niya sa dress.

"Wow. Bumagay sayo yung dress. Sigurado akong mas lalong mahuhulog sayo si Keith."

"Thank you, ate."

May narinig na ako nagdodoorbell. Baka si Arceus na yun.

"Sino naman kaya iyon?" Takang tanong ni ate Nat.

"Baka si Arceus na iyon. Sorry, kung dito ako magpapasundo sa kanya."

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman para iwas rin gumastos sa pamasahe kung babalik ka pa sa bahay mo. Ako na ang magpapasok sa kanya and get ready."

Inayos ko na ang sarili ko pero nakaramdam ako ng kaba. Bakit ganoon?

Nag pasya na akong bumaba at nakita kong nakatingin sa akin si Arceus.

"Wow. Wala na akong masabi dahil ang ganda mo."

"Thank you." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Let's go." Nilahad niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko iyon.

"Ate, salamat ulit at alis na kami."

"Sige. Enjoy."

Pinag buksan ako ni Arceus ng pinto kaya mas lalo ako natuwa sa ginawa niya.

"Sino iyon?" Tanong niya sa akin.

"My sister-in-law. Pero make-up artist ko rin siya noong nagtatrabaho pa ako."

"Kapatid pala siya ni Zero." Tumango ako sa kanya.

"Saan pala gaganapin yung party ni Venus?"

"Sa bahay. Ayaw na rin kasi niya lumayo pa. Kahit may kaya naman kami ay napaka kuripot ng kapatid kong iyon."

Pagkarating namin sa bahay nila ay heto na naman ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Para bang may mangyayaring hindi inaasahan mamaya. Sana wala mangyayari. Ayaw ko magka gulo sa party ni Venus at ipahiya si Arceus.

"What's wrong?"

"Kinakabahan kasi ako sa hindi ko alam ang dahilan."

"Huwag kang kabahan. Wala naman mangyayari." Tumango ako sabay tango.

Pag pasok namin ay ang mga bisita pala mga kilalang businessmen.

"Akala ko ang mga bisita ay mga kaibigan ng kapatid mo. Bakit puro mga kilalang businessmen ang mga bisita niyo."

"Yes. Karamihan sa kanila ay ama ng mga kaibigan ni Venus." Tumingin sa akin si Arceus. "Let's go. Puntahan natin yung birthday girl at pakilala na rin kita."

Hinanap na nga namin si Venus pero sa kusina namin siya nakita. She's pretty.

"Hiya, sis."

"Kuya." Niyakap niya si Arceus. "Mabuti bumalik ka na. May surprise ako sayo."

"But it's your birthday. Bakit ako ang may surprise?"

"Basta. Tara." Hinatak na niya ang kamay ng kapatid.

"But–" Lumingon sa akin si Arceus kaya tumango ako sa kanya sabay sabi ng go ahead.

Kaya ngayon ay mag isa na lang ako. Wala pa naman akong kilala dito. Sana nga lang imbitado rin si Cronus para may kasama ako. Kaso asa naman. Hindi naman si Arceus ang may birthday."

"Hi." May isang lalaki na hindi halata na may edad na ito. Mukha kasing bata pa. "Let me guess... your name is Trixie Castro, right?"

Nagulat ako dahil may nakakilala pa pala sa akin ngayon kahit matagal na ako nawala. Ang akala ko pa naman kinalimutan na ako ng mga tao.

"Yes po."

"I'm Christian Rivera." Nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman agad. Bakit ganoon? Ang gaan ng loob ko sa kanya. Eh, ngayon ko pa lang naman siya nakita. "Idol ka ng anak ko. Sayang nga lang wala siya rito. Kung malaman niyang nandito ka baka pumunta iyon agad."

"Matagal na rin po ako umalis sa pag kanta."

"No, no. Kahit matagal ka ng umalis ay sinusuportahan ka pa rin niya."

Masaya ako dahil may tao pa rin pala ang sumusuporta sa akin maliban kila Cronus at Arceus. Kapag bumalik kaya ako sa pag kanta. May tatanggap pa ba sa akin?

Nag paalam na ako sa kanya dahil kailangan ko pang hanapin si Arceus. Kaso hindi mawala sa isipan ko kung gaano magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko nga maintindihan.

Nakita ko na si Arceus at may isang babaeng nakapalibot sa braso niya. Teka, familiar sa akin yung babae ah. Naiinis ako dahil makakapit kay Arceus parang linta lang at ito naman si Arceus hindi inaalis ang pagkakapit ng babae para bang hindi niya kasama ang girlfriend niya. Nagsisi yata akong sinagot ko siya agad.

Tumalikod na ako para maakalis na ako. Bahala na kung paano ako makakauwi sa bahay. Meron naman sigurong taxi na dumadaan sa labas.

Habang naglalakad ako ay biglang bumuhos ang ulan. Sumabay pa sa akin ang ulan na ito. Kaso huminto ako sa paglalakad noong may humawak sa braso ko dahilan lumingon ako para tingnan siya.

"Bakit ka umalis?" Tanong niya.

Binawi ko na muna ang braso ko bago mag salita.

"Doon ka na sa babae na makakapit sayo parang linta."

"Selos ka?" Ngumiti ito ng nakakaasar.

"Hindi ako nagseselos! Bahala ka na diyan dahil uuwi na ako." Tumalikod ulit ako sa kanya para mag lakad muli. Hindi ko naman kasi alam wala pa lang pumapasok na taxi subdivision nila.

"Teka lang naman. Nagbibiro lang naman ako."

"Pwes, hindi nakakatuwa ang biro mo! Alam mo namang kasama mo ang girlfriend mo pero hinayaan mo lang siya kumapit sayo."

"Nagseselos ka nga."

"Oo. Nagseselos nga–" Hindi na natapos ang sasabihin ko noong sunggaban niya ako ng halik.

"I didn't mean to make you jealous. Si Venus kasi, eh. Hindi ko naman kasi alam na inimbitahan niya rin si Ria. Remember her? Yung coach namin sa tennis club." Kaya naman pala familiar sa akin yung mukha noong babae. Ang ex girlfriend ni Arceus yung linta. "Sinabi ko rin kay Venus na nakasama kita pero kung ayaw mo na bumalik. Hatid na kita."

"Bumalik ka na doon. Kaya ko na umuwi na mag isa."

"Galit ka pa rin? Sorry na."

Fall In Love With An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon