crush back ♡ twenty three

61 1 0
                                    

SEONGWOO'S POINT OF VIEW

"Pre, baka naman pinapaasa mo lang si Venus?" Pagpigil sa akin ni Minhyun, nang paalis na kami sa pekeng jail ng Produce Academy.

Hindi ako makapagsalita. Aamin ako, hindi ko naman gusto pa si Venus. Oo. Pero matagal na nang huli akong nagkaroon ng girlfriend. We broke up because pinagpalit niya ako. Ilang beses na niya akong niloloko, pero hinahayaan ko.

Isa rin sa dahilan yun kung bakit hetk ako, palandi landi lang sa tabi at walang sineseryoso. Kung ako nga, hindi kayang seryosohin, ako pa kaya magseryoso? Sawa na ako.

"Hindi ko alam, hyung," sabi ko sa kanya, and he sighed.

"Payo ko lang sayo, kalimutan mo na si Chen, Seongwoo. Matagal na rin yun, saka hindi naman lahat ng babae katulad niya. Ibahin mo si Venus. Kilala ko yun," sabi ni hyung, kaya naman napakunot ang noo ko.

Magkaapelyido sila, di ba? Pero magkaano ano ba talaga sila?

"Hyung, tanong ko lang. Kaano ano mo ba si Venus?" Tanong ko, and he smiled at me.

"This was supposed to be a secret, but she is my half sister. Parehas kaming ama. But I love her as if she's not just a half sister. Kadugong buo ang turing ko sa kanya," sabi ni hyung, making me nod slowly.

Hindi magprocess sa isipan ko. Oo, magkaapelyido nga sila, pero hindi ko pa nakita si Venus sa tuwing bibisita ako kina hyung, bukod nalang sa oras na nakita ko siyang kayakap si Jaehwan.

"Pero sa tingin mo, may pag-asa ba si Venus sa iyo?" Tanong ni hyung, para naman matigilan ako.

I've met girls before. I've dated and I've got many flings. But all of them just wanted a quick fuck or a quick moment of happiness with me. Pero si Venus, what's gotten my mind in shambles is how she constantly tells me that she likes me. Hindi siya basta bastang sumusuko at nagpapatibag sa mga sinasabi kong layuan na niya ako.

Sa totoo lang, takot ako. Takot ako sa commitment matapos ng breakup namin ng ex kong si Chen. I gave her everything at nagpakaloyal ako, pero she gave me the opposite.

Sinigurado ko naman. Tinanong ko si Venus kung ako, ako lang. She said yes. Matututunan ko ba siyang gustuhin?

"Maybe."

crush back ♡ ong seongwooWhere stories live. Discover now