"Sa susunod, wag kang agad na nagsasabing ganun," sabi ni Jaehwan sa akin, nang magpunta siya sa bahay.
Nasa living room kami ngayon kasama si Minhyun, nanonood kasi kami ng movie. Nagsheshare kami ni Jaehwan sa popcorn habang mag isa naman si Minhyun dahil ayaw daw niya ng makalat. As usual. Kapag siguro binigyan ko to ng vacuum cleaner, abot langit ang ngiti nito.
"E kasi naman, agad agad lang na lumabas sa bibig ko yun. Malay ko bang masasabi ko pala," sabi ko naman, and he sighed.
"Ano bang sinabi niya?" Tanong ni Minhyun, and I covered my face.
"Wag mong sasabihin, demonyo ka," sabi ko kay Jaehwan, pero tumawa naman siya.
"Sabi niya kay Seongwoo, siya daw future girlfriend niya. Siraulo ampota," sabi ni Jaehwan, kaya naman sinabunutan ko siya. "ARAY! VENUS, MASAKIT!"
"DAPAT LANG! NANLALAGLAG KANG GAGO KA!" sabi ko kay Jaehwan, at saka lang binitawan yung buhok niya.
"Marahas," bulong ni Jaehwan.
"CHECK!" sigaw ko, dahilan para tumawa yung dalawa. Jang Moonbok, hanggang dito, ikaw pa naisip ko. HAHAHAHA.
Natigil naman kami, nang marinig namin na may kumatok sa front door. Nagkatinginan kaming tatlo, and tumayo naman si Minhyun.
"May bisita ka bang hinihintay?" Tanong ko kay Minhyun, and he shrugged.
"Wala naman akong inimbitahan," sabi ni Minhyun, at saka binuksan ang pinto.
Pagkabukas niya nun ay napa-sign of the cross naman ako at saka niyakap si Jaehwan para magtago. Jaehwan chuckled at nanloko pa na aalis, kaya naman kinurot ko siya.
Nako naman!
P O T A N G E N A B A K I T N A N D I T O S I S E O N G W O O B A B Y ?
"Oh, hi, hyung! Teka, si Jaehwan ba yun?" Sabi ni Seongwoo, at saka sumilip, kaya naman mas niyakap ko si Jaehwan para magtago. "May girlfriend pala yun?"
"Tanga, di niya girlfriend yan. Walang girlfriend yun," sabi ni Minhyun, kaya naman mas kinabahan ako.
Yun yung sinabi niya nung nakilala niya ako bilang Aphrodite. Lecheng Aphrodite, pinagtripan lang pala ako ni Jaehwan nun? Siraulo amp.
"Nako, deliks ka, pre," bulong ni Jaehwan, kaya naman kinurot ko siya at napasigaw siya.
Sinilip ko naman na kung anong nangyayari, at saka nagkatinginan kami ni Seongwoo. Nanlaki ang mga mata ko, at ganun din ang sa kanya.
Oh, ano?! Kilala mo na ako ngayong kupal ka?!
"Teka, si Venus yan, ha?! Yung nagkakagusto daw sakin?" Sabi ni Seongwoo, at napatingin sa akin si Minhyun at Jaehwan.
Nginisian naman ako ng dalawa, making me blink rapidly.
"A-Ah, hi," sabi ko, at nagtago nanaman kay Jaehwan nang kumunot ang noo niya.
"Paano ka nakarating dito?" Sabi ni Seongwoo, at hindi ko naman alam kung paano ko yun sasagutin.
Sinundot ko si Jaehwan, and he sighed.
"Kaibigan ko. Si Venus nga pala."
"Venus? Di bagay sa mukha," sabi ni Seongwoo, at nalaglag ang panga ko.
Napatayo naman ako at saka di na naisip ang mga bagay bagay.
Nabayagan ko siya.
"A-Aray! S-Shit, Venus! Ang lakas nun!"
Ayan, putangina ka. Kapag di mo pa ako nakilala, ewan ko na lang sayo.
YOU ARE READING
crush back ♡ ong seongwoo
Fanfic[ wannatwoball series #2 ] "uy crush, crush back hehe," in which venus hwang crushes on ong seongwoo, but he doesn't acknowledge her feelings. yet. cover by @venleyy